<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, December 18, 2009

Kuwentong Idol: Production Number
Naalala ko pa ang sinabi ni JV nung huling elimination night. Kahit anong mangyari, may production number kami sa finals. Top 6 lang ang balak pero nang malamang maraming interesadong sumali nabago ang plano.

Sumali ang gustong sumali.

Salamat sa pagiging nagger ni Chie at kakulitan ni Anz, na-establish na 'di makakasama si Fae dahil no show sa party at pa-resign na rin (how sad!); di puwede si Gao dahil may training at di naman mahagilap si Kim. Nagpakita ng interes sina Larry at Bryan pero di naman nag-confirm. Sa madaling-salita, walo lang kaming sigurado.

Photobucket

Clockwise: Gab, Chie, Anz, Gina, Roel, Con, Jomar and Nona

I've Got A Feeling ng Black Eyed Peas at Don't Stop Believin' a la Glee ang halos araw-araw naming inaral hanggang nadagdag ang Grown Up Christmas List (si Concepcion ayaw paawat!)

Si Chie ang nagsilbing musical director, si Anz ang choreographer. Ako? Di ako gaanong makapapel dahil busy ako sa Command Center saka ano namang malay ko sa choreography o pagtuturo ng bosesan? Nakatulong din na kasama namin si Roel dahil sagot n'ya ang IT needs gaya ng sound system, tompyuter at kung anu-ano pa.

Mula sa 8 AM, ginawang 6 PM to 10 PM ang rehearsal para mas maraming maka-attend subali't dahil iba-iba ang schedule naming walo, problema ang hindi namin pagpapang-abot. Merong darating ng maaga k'se kailangang umalis ng 9 PM tapos merong darating ng isang oras na lang ang natitira sa rehearsal (guilty yata ako dun ... Gab, lalo ka na!). Awa ng Diyos, matapos ang ilang araw ding pambubulabog ng aming mga tinig sa mga natutulog na kaluluwa ng MD Room, Makati Room (official Idol rehearsal room), test at training rooms, unti-unti nagka"porma" ang kanta.

Hinati-hati ang kanta para mabilis ang pagkabisa. Minimal lang ang part namin nina Chie at Anz dahil tatlo na ang aaralin naming kanta at kalabisang magkabisa pa ng tatlo!

First time sa history ng APS Idol na magkaroon ng production number ang finalists. Hopefully, maging maganda ang presentation namin para naman may K kaming sabihing "Idols '09 rule!"

Sana!

Binalibag Ni Choleng ng 7:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com