<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, December 20, 2009

Kuwentong Idol: D-Day!
This is it!

Dumating na ang pinakahihintay (at kinakatakutan) na sandali -- ang araw ng katotohanan ... ang araw ng paghuhukom (parang nakakatakot naman ang description ko!).

Finals na!!!

Kahit sa pakiramdam namin nina Chie at Anz ay parang wala ng kompetisyon, na panalo na kaming tatlo kahit ano pa ang mangyari, hindi pa rin maiwasang hindi kami kabahan dahil kahit anong sabihin, isa pa rin itong kompetisyon. Sabong ito ng mga verticals at kailangang may magwagi.

Crash Rehearsal

Ang boses ko yung tipo'ng tila makina ng kotse na kailangang mag-init muna bago umarangkada kaya naman kahit puyat, bumangon ako ng 9 AM para magpaluwag ng boses at para na rin 'padulasin' ang Time for Miracles at 'pakinisin' ang Time and Tide. Teka, puro time ang kanta pero yun ang kulang sa akin. Time.

Photobucket

Time and Tide rehearsal


Technical Rehearsal

12 noon ang call time pero dahil Christmas rush tapos weekend pa, hirap humanap ng taxi. Tagaktak na nga ang pawis ko sa paghabol sa mga taxi, akalain n'yong umulan pa? Ulan sa Disyembre? Kung good or bad sign, walang kaso sa akin. Ang alam ko hassle dahil wala akong dalang payong at male-late na ako.

Isang FX na biyaheng Landmark ang pinagtiyagaan ko sa bandang huli. Umabot naman ako sa APS van na maghahatid sa Idols at APS Chorale sa SMX (naiwan si Gab, late k'se!) Namangha ako at na-activate ang daga sa dibdib pagdating sa venue. Ang laki! Sa loob-loob ko, pa'no malulukuban ng boses ko ang ganitong kalaking venue? Ay, naimbento na nga pala ang microphone!

Nung nire-rehearse pa lang ang blocking at choreo para sa idols production number at Judge's choice pati na rin collaboration song naming tatlo, alam na naming may malaking stage sa gitna tapos 3 satellite stages para sa Top 3 kaya naman yung last 2 days ng rehearsals, may imaginary main at satellite stages.

Ang plano sa I've Got A Feeling, ipu-fully utilized ang main at satellite stages pero dahil sa sobrang laki pala ng venue, nagkaroon ng last minute revisions sa blocking. Bale stay-put na lang ang 5 idols sa main stages tapos kaming 3 nina Chie and Anz ang nasa satellite stage at bababa na lang para samahan sila pagdating ng "here we come, here we go."

Sa main stage na kakantahin ang Don't Stop Believin.' Pagkakanta ng production number, balik kaming 3 sa satellite stage para kantahin ang Judge's choice tapos muling babalik sa main stage para sa Grown Up Christmas List. Parang ang dali ikuwento pero mahirap at nakakapagod. Sa lawak ng venue, tsura namin ng nag-basketbal sa full court. Ang luwag pa naman ng suot kong shorts kaya mahubo-hubo sa paulit-ulit naming pagtakbo mula sa satellite papunta sa main. (Ang layo huh! p7.50 ang pamasahe!!!)

Photobucket

Main stage

Photobucket
Satellite stage

Photobucket

Lahat ng table, may ganito. Para Monte Carlo!

Huli naming ni-rehearse ang Judge's Choice. Excerpt lang para malaman kung magkakarinigan kami ng banda (sa main stage ang banda, satellite kami). Problema, sa sobrang laki, medyo delayed ang bato ng tugtog sa pati na rin yung hagis ng boses sa audience. Possible source ng problema pero kaya naman.

Preparation

6:00 ang simula ng programa kaya 5:00 pa lang, kumahog na kami sa pag-aayos. Kaawa-awa kaming mga Idols. Akalain n'yong kanya-kanyang paraan para sa hair and make-up dahil wala'ng available na make-up artist. Opo, wala dahil busy sa gaganaping fashion show pagkatapos ng Idol segment. Kakasama ng loob, sila pa ang inuna samantalang yung segment namin ang opening number. Saklap, sobrang laki ng vertical na nire-represent ko pero kung kailan finals, wala akong kasama sa preparation. Hay!

Well, di naman totally walang available na make-up artist dahil 'yung gumawa ng mga damit ni Chie ang nagmake-up sa kanya at ako? Walang iba kundi si Jas Calpito. Yes, ang PS Idol 2008 mismo (Thanks, Jas!) Sa totoo lang, kung hindi ako tinutulungan nina Chie, Jas at ng mga taga-Travel vertical, baka naiyak na ako ng gabing iyon dahil pakiramdam ko, inabandona ako. Hay, tama na nga ang drama. Tuloy ang kuwento.

Idol shirt daw ang isusuot sa opening number kaya ang ginawa ko, sinulot ko na yung undies para sa purple overall na gagamitin ko sa Judge's choice (courtesy of the posh Irish) kaso, wala na raw time para sa costume change ayon sa program coordinator kaya hayun, hubad ang Idol shirt at suot ng pang-Round 1. Nasira tuloy yung plano namin na pare-parehong naka-shirt.

Photobucket

APS Idol Shirt

The Program

Gaano man karami ang pagod, hirap, sama ng loob, aberya, kalituhan at kutakutakot na pabago-bago, nairaos ding lahat. Hindi man perpekto ang performance, masasabi ko na ring maganda ang kinalabasan considering na hindi naman kami mga propesyonal. Panoorin at kung may komento kayo, eh di magkomento. Libre naman. Enjoy!

Idols Production Number

I've got a feeling (Part1)


I've got a feeling (Part 2)


Nakakagulat ang response ng mga tao sa numbers lalo na ng umakyat kaming Top 3 sa satellite stage. Sigawan talaga. Parang di nila kami nakikitang kakalat-kalat sa PS araw-araw. Iba na talaga ang nagagawa ng bonggang set at kakaiba naming pananamit. Aba, mga mukhang ibang tao yata kami. Huh!


Don't Stop believin

Photobucket

Grown Up Christmas List Performance

Photobucket

Round 1: Judge's Choice

Photobucket

Gawa marahil ng magkahalong kaba at excitement, yung lakad ko mula sa main stage papunta sa satellite para sa Judge's choice, nakaramdam ako ng matinding pagkatuyo ng lalamunan kaya naman pagdating ko sa Bistek table na malapit lang sa stage na naka-assign sa akin, talagang tinungga ko ang unang baso kong nakita. Di ko na natanong kung kanino. Naawa si John (better half ni Manager Xiao) sa akin, ini-order ako sa waiter ng tubig na muli kong tinungga bago sumalang. Ayos, nasobrahan naman ako ng inom kaya parang na-heart burn naman ako. Buti na lang bago ako sumalang, nai-burp ko na yung na-trap na air sa katawan ko.

Heto yung excerpt ng performance ko courtesy of my ever loyal videographer Jeckyness:

Time and Tide (excerpt)

Sa mga hindi gaanong pamilyar sa kanta, hindi mapapansin na hindi ako pumasok sa dapat pasukan. Nasobrahan k'se akong sayaw. Hehehe. Asan? Time stamp 00:50.

Top 3, Round 1 (excerpts)

Round 2: Collaboration Song

Matapos ang solo-solong performance, collaboration naman. Medyo mahirap kumanta dahil layo-layo pero ayos na rin.

Version 1 (courtesy of my sister Girlie)

Version 2 (courtesy of Jec Reyes)

Round 3: Common Song

Kakaloka, nagpapalit pa lang kami ng damit ni Chie para sa Round 3, heto na ang coordinator at kinakatok na kami. Kailangan daw sumalang na at dahil ako naman ang una at tapos na rin akong magbihis, sumama na ako sa kanya.

Grabe naman talaga, pagka-introduce sa akin, pinatugtog agad ang accompaniment kaya naglalakad pa lang ako papunta sa gitna ng stage, kumakanta na ako. Nawalan ng drama, nawalan rin ako ng momentum. Hindi ko na tuloy alam kung pano ko kinanta ang Time for Miracles. Sa puntong ito, manhid na ang utak ko at yung enerhiya ko mula simula, bumaba na. Basta kumanta ako at nag-imagine na nasa living room lang ako at nagpa-practice.

Photobucket

Sumunod sa akin Chie at humanga ako sa arrangement ng kanta nya. Suwabe at madamdamin ... Mala-Regine Velasquez. Acoustic naman ang kay Anz at talagang mala-Adam Lambert ang porma pero aaminin ko, hindi ako na-impress dahil hindi lumitaw ang puwersa ng boses n'ya dahil nga puro falsetto.

Habang pinapanood ko ang dalawa, nanlumo ako dahil alam kong hindi maganda ang performance ko and I could have done better. Lalo pang bumaba ang enerhiya ko sa lukewarm response ng mga judges. Parang walang gana'ng mag-comment sa performance ko. Panay tuloy ng paghingi ko ng sorry ko kay Gab. Sabi ko, hindi ko nabigyan ng hustisya ang arrangement nya. I did well naman daw ... I just felt bad dahil hindi gaanong flattering ang comment ng judges.

Photobucket

Judges sans Henry Allen

Sa kabuuan, halatang nahirapan kaming tatlo sa Common Song dahil mahirap talagang bigyan ng hustisya ang kantang alanganing pambababae o panlalake ... becky k'se ang kumanta!

Matapos ang ikatlong round, sabi ko it's either Chie or Anz. Crowd favorite si Chie at highly-favored na manalo dahil sa loob ng 5 taon, hawak ng Travel ang korona ng Idol. Sa isang banda naman, malakas din ang hatak ni Anz sa tao dahil may dating, kumbaga ay may Idol factor (kinikilig nga si Judge Orly), astig kumanta at napipisil kong manalo (chicken nga)

And the winner is ...

The moment of truth.

Ang tensiyon naming tatlo ay ramdam sa higpit ng aming pagkakahawak-hawak. Mabuti na lang at may guwantes si Anz at kung hindi, basang-basa na siguro ang mga kamay namin.

Nagkatinginan kami ni Anz nang i-announce na 3rd si Chie at lalo naman akong naloka ng isigaw ng mga hosts ang pangalan ko bilang APS Idol.

Photobucket

Hayan ang mukha ko. Parang tanga lang, di po ba?

"Ano'ng nangyari?" 'yan ang una kong nasabi nang lapitan kaming tatlo ng judges para i-congratulate. Ha ha ha. Parang kinukuwestiyon ko pa sila. Oh, well. Ako raw ang panalo eh di ako. 'Wag nang umangal, baka bawiin pa!

Sa wakas, matapos ang mahigit dalawang buwang pagkabulabog ng buhay ko ... natapos na rin ang lahat. Makakatulog na ng mahimbing ang katawang-lupa ko pero bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa sumusunod:

Photobucket

... Manager Xiao for being there always kahit hectic din ang schedule mo. Ang daming tao ng T&T na puwedeng tumulong pero ikaw lang ang super tiyaga ...

... Irish for the gorgeous purple backless (lucky color!)

Photobucket

Anna Lucero for the sassy, red backless ...

Photobucket

Jec Reyes for the videos and for being there since Elims 1 ...

Photobucket

Gab Bilon for being my pianist, arranger ... converter ... aw! too many to count ...

Photobucket

Jas Calpito (PS Idol 2008) for my hair and make-up (thanks talaga!!!) ...

Photobucket

Alenea Lovelyn Espino Garcia Nadal for supporting me kahit taga-ibang vertical ka (taksil!) ...

Photobucket

Park for being there ... kahit di ka na taga-PS ...

... former DR Peeps especially JM Panganiban, Ivy Trias and Leonel Valle na first time um-attend ng Christmas Party just to watch Idol ...

Photobucket

My WFM Family especially Wea Veronica Acoba para sa pag-cover sa akin during rehearsals, Chummy for helping me find minus one's ...

... Bistek Family especially Jai, Eyab's Mariel, Jec and Mhon, Email team BJ Barow, Ding, Marcia, Sup Kea pati na rin ang mga kaluluwa mula sa ibang verticals, guards, manong sa pantry at kung sino-sino pa na walang sawang sumubaybay (at nagtitili) sa mga APS Idol Elims ...

Photobucket

Photobucket

Idols 2009 for the moral support ... Roel, thanks for fixing my iPod ... Chie and Anz, salamat sa tulong at sa motivation 'pag panic mode na ako ...

Photobucket

Girlie, my sister who's always there despite her hectic schedule ...

My family for the encouragement and moral support ...

Sa mga ninenokan ko ng picture sa FB (Iggy, Heath saka yung taga-Ditech ... Anz, di ko alam name n'ya)

SM Megamall

Record bars

KOC, COF and Intimates for always believing in me even if I have doubts ...

Don Nepomuceno for letting my sister to come in ...

JV Ibesate, Iggy Ignacio and Dennis Balla for all the assistance, patience and all the anxieties (whooh) ...

Photobucket

Waf Zamora for bringing me into this mess ... it started with a signature campaign, ayan ang ending ... happy ending!

It's a hell of a ride. Parang buhay ... masarap na mahirap pala, bakit ba hindi pa ako noon sumali???

Pictures:

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 8:12 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com