BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, December 31, 2009
Hectic?
Isang araw na lang at matatapos na ang taon pero hindi pa rin matapos-tapos ang appointments ko. Not that I'm complaining. Masaya naman lalo na't ang kasama ay ang KOC at mga Idols.
5:30 P.M. - Dinner with KOC at Max's Galleria
Pagkakataon ng makasama si Ed dahil bakasyon nila ni Bonj, malas namang nagkasakit. Hindi ko alam kung may balat si Ed o ano pero nung huling umuwi siya, kinailangan n'yang matulog sa airport dahil kay Ondoy, ngayon naman naratay. Hay talaga pero hindi bale. Hindi man kumpleto ang tropa sa Max's, nagkita-kita naman sa Coffee Bean. Bitin nga lang at kinailangan kong umalis ng 8:00 P.M. dahil may pasok pa ako. Sad!
Max's Galle
Coffee Bean after dinner
9:00 P.M. - Coffee with Chie and Roel at Starbucks
Salamat sa kaskaserong taxi driver, nakarating ako sa APS bago mag-alas nuwebe. Tigas ng mukha ko, nag-in at madaliang set up lang, nakipagkita na ako kay Chie and Roel. Mabuti na lang at 10:00 pa ang simula ng Bistek kaya maluwag pa ang oras. Chika-chika, reminisce k'me. Hindi maubos-ubos ang kuwento tungkol sa katatapos na Idol season.
Salamat, Roel, sa pag-grant mo sa hiling namin ni Chie. Napakalaking bagay nito sa pagkatao namin.
1:00 A.M. - Meeting with Jayvee, Anz and Gab at Zoneriv
May kakantahan daw kami sa Shangri-La on January 1, birthday ng asawa ng isa sa may-ari ng Essar. Bawal ang minus one, piano lang. Si Gab na 'yun!
Nakupo! Sakit sa ulo sa pag-iisip ng kanta na alam pareho ng tutugtog at kakanta. Napagkasunduang mag-meet ng 4:00 A.M. para i-finalize ang repertoire.
4:00 A.M. - Practice with Gab and Anz
Ipinagpatuloy namin ang pag-iisip ng kakantahin. Jamming-jamming. Kulitan. Awa ng Diyos, nagkaayos kami ni Gab sa Inseparable (although di gaanong alam ang intro) at Fallin (pa-tweetums). The Way You Look Tonight naman kay Anz saka isang R&B na nakalimutan ko ang title. Kasama rin sa line-up ang duet namin ng If I Ain't Got You (naisakatuparan din!)
Napagkasunduang magkita kinabukasan ng 12:00 NN para mag-practice. Hala, New Year wala ako sa bahay. Sayang ang leave ko, pina-cancel dahil OB ang affair bukas.
Hay!
Binalibag Ni Choleng ng 8:56 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin