<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, October 13, 2010

Maganda nga!
Hindi ko siya pinapansin noong una dahil mas trip kong panoorin ang labas sa kabilang channel pero nang minsang makita ko ang kakatuwang fashion statement ng mga bida, lalong-lalo na yung leader ng AN Jell, pinanood ko na. Akalain nyong naka-leggings, sabrina at cow neck ang diyaske ... tsura ng naka-blouse, hahaha ...

Di kalaunan, na-hook na rin ako sa He's Beautiful, isang Koreanovela, dahil nakakakilig ang pareha nina Go Mi Nam at Hwang Tae Kyung at nakakatuwa ang mga eksena kaya naman naging bahagi na siya ng breakfast time ko (yes, 5:30 ng hapon ako nagbe-breakfast).

Laking sama ng loob nang ilipat ng Dos ang oras sa 3:30 ng hapon. Kasuya! Salamat na lang sa magandang kasamahan ko sa Command Center na si Lovely, pinahiram ako ng DVD. Ang kaso, sira ang Episodes 15 and 16 (ayan, pirated k'se) kaya sa internet din ang lagpak ko

Tapos ko na ang He's Beautiful (naunahan ko pa ang Kapamilya) at mabuti na lang at sa DVD at online ko pinanood dahil nalaman kong ang dami palang chop-chop na eksena at iba ang pagkaka-dub. In fairness, parang mas gusto ko siya sa BOF.

Eto yung compilation ng mga nakakakilig na eksena (salamat sa YouTube):

Love the Koreanovela, love the songs ... aba, may ibubuga pala talaga sila, huh!

Binalibag Ni Choleng ng 6:23 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com