BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, November 27, 2010
HP7: 1 of 2
Matapos ang ilang beses na pagkakabinbin, natuloy na rin ang movie watching ng TNT at gaya ng dati, sabit na naman kaming mga alipin ng nasabing tribu.
Worth the wait naman dahil Harry Potter and the Deathly Hallows Part 1 ang tampok na pelikula sa walang kamatayang Greenbelt. Mas bongga ang laps ngayon di tulad ng huli na tila pang-recess ng kinder. Medyo mahaba nga lang ang pila bago makakuha ng food at sobrang tagal bago nagsimula. Nakant'yawan tuloy akong kumanta, pamatay-oras. Ganun? Kahiyaan na, kumanta ako ng ilang linya ng Out Here On My Own. Napaligaya ko naman ang mga tao kahit papaano. Hmm ... pwede na akong maging isang singer na stand-up comedienne. Why not?
Anyway, kadami-daming rekotitos, nagsimula din ang palabas. Sa sobrang ganda, tinulugan ko yata ang halos kalahati ng pelikula. Ha! Ha! Not that I'm saying na hindi maganda dahil siguradong maganda dahil Harry Potter nga eh pero ikaw na ang halos 16 oras na gising, di ka tumimbuwang?
Basta, panoorin at maganda siya. Kahit itanong n'yo pa sa mga katabi ko!
Short program before the film
Hotdog, nachos and mamam ...
... is equal to one happy preggy
.... and a happy me!
One of TNT's finest, SNavaaaaal
Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin