BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, January 31, 2011
Tachycardic
Di ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko pero sa kagustuhan kong gumaling agad ang ubo at mawala ang malat, sukat ba namang patulan ko yung gamot na nakita ko sa drawer sa kusina.
Medyo nagdalawang-isip ako ng isusubo ko na at naisip ko'ng baka may side-effect pero nakalagay naman, ventolin-expectorant ... expectorant, alam ko pampaluwag ng plema at saka never pa akong nagka-side effect sa mga gamot na ininom ko.... tinira ko rin.
Awa ng Diyos, wala naman akong kakaibang naramdaman pero makapananghalian, habang nagna-nap, nakaramdam ako ng pamimigat ng dibdib tapos biglang lumakas ang tibok ng puso. Nang bumangon ako para uminom, nakupow, parang may isang dosenang paru-paro sa dibdib ko. Biglang puslit ako sa doctor na suwerteng malapit lang sa bahay namin.
Ayun, nakaka-induce pala ng palpitation ang gamot na may ventolin. Niresetehan ako ng Inderal na agad ko namang binili pero sana di ko na lang binili dahil pauwi pa lang ako mula sa botika, bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko.
Lesson learned: 'Wag basta-basta iinom ng gamot at wag magse-self medicate.
Tsk!
Binalibag Ni Choleng ng 12:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin