<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, May 12, 2005

Independence Day
Anniversary ngayon ng kalayaan ko. Dami ng nagbago sa buhay ko isang taon mula ng umistokwa ako sa Bambang.

To start with, tumaba na naman ako (ugh!) kse nakakakain na ako ng maayos (he he he...) Last year, slim ako dahil sa sobrang pagtitipid ko masustentuhan lang ang nasira kong asawa. Yung breakfast meal sa Export Bank canteen consisting of 1 fried rice and 1 fried egg, hinahati ko pa sa dalawa, pang-breakfast & lunch tapos pag nagutom pa, dinaan ko na lang sa pag-inom ng hot choco. PS pays well pero pag mag-isa ka lang nagwo-work at sa 'yo nakasandal ang asawa mo (damay mo pa yung walang kwentang bayaw na kasama sa bahay) na may bisyo pa at that, di mo kakayanin.

Isa pang pinagbago ko eh naging independent ako at matatag. Dati nakakapit ako sa duster ng Mommy ko. Di ako makakilos ng di dadaan kay Mommy... Mommy dito, Mommy dun. Okay din palang training ground ang married life kse natuto akong maglaba, mamalengke at mag-budget para sa ilaw, tubig at food. Ikaw ba naman ang maging madre de familia ba't di mo makakaya ang lahat?

A year ago isa akong alipin.

Literally isa akong alipin dahil hainan at urungan ko ang ungas, linis ng bahay at laba pag rest day. Ulirang asawa eh. Pagkagaling ko sa work, pagluluto na ang atupag ko kse naaawa ako sa hunghang, maghapon na ngang nasa kalye, baka magutom!

Alipin din ako ng pag-asa. Pag-asa na mali ang nararamdaman ko, na mali ang kutob ko at paranoid lang ako, na wala syang babae at hindi sya nagsa-shabu kaya madaling-araw syang umuwi palagi.

Alipin din ako ng takot, takot na tanggapin ang katotohanang hindi na ako mahal ng asawa ko, na hindi na magtatagal ang pagsasama namin; takot na humiwalay sa kanya dahil natatakot sa sasabihin ng tao. Tagal nga naman bago ako nagkaasawa tapos 2 years lang, ayaw-ayawan na!

May hangganan din pala ang takot. Nang mapagod ako sa pagtulog ng mag-isa sa kuwarto gabi-gabi at napagod na rin sa pagtratong parang trapo sa akin ng aking asawa, nag-decide ako na hakutin ang gamit ko at umuwi sa Tipas. Nang araw na gawin ko yun, bigla naputol ang kadena ng takot na nakatali sa akin. Nakakatakot lang pala pag di mo ginagawa pero pag nasimulan mo na, tuloy-tuloy na.

Ang sarap pala ng feeling ng maging malaya!

Masakit ang nangyari at kung mahina-hina lang ako, nagbigti na ako pero sa awa ng Diyos, pagkalinga ng pamilya at mga kaibigan, nalampasan ko ang unos. Marami'ng nagtatanong kung may pag-asa pang magkabalikan. Pag pumuti ang uwak at pumuti ang tagak, baka sakali pa!

Sa ngayon, at peace na ako. Wala man akong katabi gabi-gabi, mahimbing naman ang tulog ko (hindi talaga nabibili ng pera ang peace!). Wala nang asawang hihintayin, di na kailangang sumilip-silip sa bintana at manghaba ang leeg sa pag-antabay sa pag-uwi ng magaling kong asawa. Di bale nang mag-isa, payapa naman ang daigdig ko. Nasabi ko na ito ng ilang beses at uulit-ulitin kong sabihin, "Better alone than badly accompanied!" 'Wag ipagpilitan pag hindi puwede!

Asawa, ano yun? Biyuda po ako!

Binalibag Ni Choleng ng 10:42 PM at 2 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com