BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, May 08, 2005
Nui Heihei!
It’s a race lang pala ang ibig sabihin, nabulabog pa ang utak namin nina Jo-anne and Agnes sa kaiisip kung ano’ng ibig sabihin nito! May premyo kse sa sinumang makakahula ng ibig sabihin ng Hawaiian phrase na ito which is our company outing slogan for this year. Anyway, di namin nahulaan ang sagot kase yung mga reps na tinext namin to make a research on it, di sumagot (ay, bawal pala ang cellphone sa floor!) Hayan, gustong mangdugas, wala tuloy napala!
Masaya naman ang outing sa kabuuan at kailangan pa bang i-memorize kung sino ang pinaka-wacky at pinakamasayang team? Siyempre DR Team! Sabi nga, “If it’s DR, it must be gay…!”
Mga 7:30 a.m., larga na ang Bus #2. Naiyak kaming mga pasahero kse buong biyahe, mga awitin nina Florante, Sharon Cuneta, Freddie Aguilar, Kuh Ledesma at ang walang kamatayang Butchikik ni Yoyoy Villame ang pumailanlang sa apat na sulok ng Circle bus. We tried calling the attention of bus marshall Enteng (Elsyl) para sabihan ang driver na ilipat ng radio station kasi dumudugo na ang tenga pati ilong namin kaso deadma ang mokong kse nagsa-sound trip, may pasak na earphone. Napansin yata ng driver ang pagkakagulo namin kaya nilakasan pa ang radio. Okay, ayaw din lang nyang hinaan, kumanta na lang kami ng mass songs nina Love, Fern and Jake. Sinimulan sa Entrance song, tinapos sa Lupang Hinirang…(san ka pa?)
An hour and a half later, nakarating kami sa Clearwater, Clarkfield, Pampanga. Okay ang venue, presko at nakaka-relax ang atmosphere kaso sa sobrang laki ng lugar, hirap magpalipat-lipat from one area to another. Pumunta ka nga lang ng shower room aabutin ka ng 1 taon eh! Panalo din ang food especially ang lunch pero unforgettable talaga ang spaghetti… “Spaghetting matabang, matigas at matabang…”
Maghapong kain, langoy, kodakan, kain ule, laklak ng iced tea, kain, langoy, sayaw, mga 4:00 p.m. nagbalot-balot na kame nina Fern, Jo-Anne and Agnes para sumama sa unang biyahe pauwi. 4:30 p.m., nakasakay na kame sa bus kaso mga 4:40 na, aba’t wala pa ang driver. Kumakain pa raw. Susme, dapat ba namang pag-ukulan pa ng oras ang spaghetti’ng yun noh! So ang ginawa namin ni Fern, dinakdak namin ang busina. Mga nakadalawang busina yata kami saka pa lang lumitaw ang driver.
Mga 4:45, larga na kami kaso na-traffic sa bandang San Simon, Bulacan. May vehicular accident pala. Sabi ng driver accident prone area ang San Simon kse dati itong sementeryo. Ngiiih, manakot ba!
Mga 6:45, Nui Heihei ang dating ko sa Megamall kse late na ako sa mass. Daming nakahambalang na tao...Excuse me, excuse me, paraan po…Awa ng diyos, homily part na ang inabutan ko so di napansin ni Father Nolan na kulang ang choir nya!
Whew! What a day! Sana next year Boracay na!!! (Uy! parinig!)
Binalibag Ni Choleng ng 11:03 PM
at 1 Nagdilim ang Paningin