BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, October 04, 2006
Delubyo mula kay Milenyo
09.28.06
November 1995 mula nang mapiling "apple of the eye" ni Super Typhoon Angela ang Metro Manila. 11 years after, muling naispatan ang kalakhang lungsod at naisipan pang "makipananghalian!"
Hirap naman kay Milenyo, hindi man lang nagsabi na darating sya (O nagsabi pero I wasn't paying attention?) The night before, asang-asa ako na Signal #1 lang sa Metro Manila dahil yun ang narinig ko sa balita. Takang-taka tuloy ako kinabukasan dahil ang lakas ng hangin. Isip-isip ko, "Ano ba namang Signal#1 ito at ang lakas yata ..." Bandang 10:30 AM, nalaman ko na Signal #3 pala sa Metro Manila (at nag-#4 pa!) and what's worse, the eye of the storm is expected to hit by lunch time!
Sana hindi ko na lang nalaman dahil bigla akong nangatog at hindi nagkandatuto sa ginagawa. Bigla, naging conscious ako sa ugong ng hangin at paghambalos nito sa mga bintana, sa tunog ng nagliliparang yero at nangngangalit na ulan.
Nangkupo! Paano kung mabasag ang jalousies? Paano kung matungkab ang bubong namin? Muntik na akong masuka sa takot!
Dumagdag pa sa tensiyon ko ang pagkukumahog ng Mom at Dad ko pati mga "boys" namin at ilang kapit-bahay sa pag-aakyat ng mga paninda mula sa aming tindahan dahil "umurong" daw ang ilog. Kung sa iba wala itong significance, sa mga taga-Taguig meron. Iisa lang ang ibig sabihin ng pag-urong ng ilog -- pagbalik ng tubig doble, triple pa at kung minsan, flash flood pa!
Sa awa naman ng Diyos, hanggang tagiliran lang ng bahay umabot ang baha at bandang 2:00 PM tumigil din sa pagmamarakulyo si Milenyo. Kasagsagan ng bagyo, ganado pang nagsikain ang mga kasama ko sa bahay - ginataang alimasag ba naman ang hinanda ko puwera ako ...makakakain ka ba naman ng may kasabay kang super bagyo?
Hay, isang kaganapang hindi na mawawaksi sa isipan ng milyong-milyong Pilipino lalo pa't malaki ang ginawang kapinsalaan nito. Nawa'y wala nang sumunod pang mabangis na bagyo dahil isa pa at lulubog na kami talaga.
'Wag po!
Binalibag Ni Choleng ng 10:56 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin