BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, February 08, 2007
New Beginning
02.04.07
Simple lang at maikukuwento mo nga sa limang pangungusap ang plot ng Apocalypto at ni walang sikat sa artista'ng gumanap pero dahil bagong ideya ang plot, ibang lengguwahe ang ginamit (Yukatek Maya) at maganda ang execution, maituturing na ring isang obra maestra ang pelikula. (Opinyon ko lang, walang kokontra!)
Bandang unahan lang medyo light ang istorya -- yung ginago-gago si Mr. Baog at pinakain ng itlog ng tapir at pinapahiran pa ng sili ang nota (aba eh Mayan age pa lang pala eh uso na ang BJ!) pero sa kabuuan ay marahas, nakaririmarim at madugo ang pelikula na talaga namang nakapangalog ng tuhod. Trademark na yata ni Mel Gibson ang madugong pelikula (e.g. Braveheart, The Patriot at Passion of the Christ).
Hindi ko makalimutan yung eksenang one after the other eh dinukit ang puso ng bihag (ewan kung bakit parang galing sa tiyan yung puso), pupugutan tapos ihahagis ang ulo at patatalbog-talbugin pa sa hagdan ng tikal sabay isusunod ang decapitated na katawan. Grabe!
Napagod din ako sa chase scene ng bida nating si Jaguar Paw at Zero Wolf. May araw pa, naghahabulan na sila, akalain nyong lumubog at sumikat ang araw eh naghahabulan pa rin sila. Hindi kaya sila nagutom at nauhaw? Walang tulugan? Buti na lang dumating ang mga conquistadors at naputol ang hagaran nila.
Umani ng puna at puri ang pelikula. Marami raw mali sa dates, sa eclipse, insulto daw sa Mayan race at kung anu-ano pang komento pero para sa akin, art pa rin sya na dapat namnamin.
Sulit din naman ang P130 sa THX Galle. Panoorin nyo.
P.S.
Buti na lang kumain kami sa Yellow Cab bago manood at kung hindi ... Ed, salamat nga pala sa treat. Nasayaran na naman ng mamahaling pizza ang sikmura ng mga dukha.
Binalibag Ni Choleng ng 9:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin