BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, September 16, 2007
Munting Burak-cay
5:30 ang alis sa Manila ayon sa time table ni TM Uly pero umiral na naman ang Filipino time, mga 6:00 AM na kami nakaalis.
Mga walang kahilig-hilig sa camera
Mga Alipin pero hindi batid
Ayaw ko sanang sumama dahil masisira ang Likas Papaya skin ko pero sa laki ng takot ko kay Anna, gora ako. Sulit naman ang pagsama ko. Bukod sa nakatakas ako sa kuko ni Markk, sobrang enjoy pa! Komportable ang sasakyan, masarap ang food, never-a-dull-moment ang mga kasama at higit sa lahat, dininig ni Allah ang panalangin kong magdilim sana kaso nasobrahan. Hindi lang nagdilim. Umulan pa!
First time ng lahat sa Munting Buhangin. Maganda sana ang resort pero dahil umulan nga the night before at umuulan pa rin nang dumating kami, ang buhangin, tila naging burak.
Munting Burak-cay!
Oo, buhangin yan, oo!
The beauty of Munting Buhangin
Ganunpaman, masaya pa rin kaming nagtampisaw. What the heck? Beach is beach. Dapat mag-enjoy.
Medyo malalakas ang alon dahil masama nga ang panahon pero ito ang naging source ng kasiyahan namin. Bawa't malalaking alon, sinalubong namin, nagpahampas kami. Yun nga lang, kasama ng alon ang sea weeds, plastic, mga pakete ng chips, Lucky Me, cornik, Max, may nadampot pa akong tube ng Beam!
Ad Congress???
Inalipusta man namin ang beach, hindi ang pagkain. Grilled pork and squid, ginataang chicken (oo, Anna, ginataan ang tawag ko!), chicken salad at ang humba na natumba. Panalo!
Magsiksikan tayo, shall we?
Tequila, coke, salad, pork bbq and cake. Bagay!
Boy meets Grill
Can you spot the not?
Temptation girls
Teka lang kami rin!
Calling the attention of Elwood Perez
5:30 ng hapon, handa na ang lahat pauwi. Plano pa sanang dumaan ng Tagaytay para mag-bulalo pero dahil sa pagod (langyang hagdan ng Munting Buhangin yan!), nakatulog. South Expressway na nagkagising. Walang bulalo, wala ring pasalubong.
Pagod man at nangolekta ng basura sa beach, masaya sa kabuuan.
Atty. and Mrs. Lucero, Uly and June, maraming-maraming salamat sa inyong walang pagod na pagpaplano at paghahanda. Kung wala kayo, wala ang monumental outing na ito.
Nath, salamat sa cake na effort mo pang binitbit mula Baguio. It's worth the trip. Sobrang sarap, karapat-dapat na dakmain.
Dulva, ipinaglihi ka ba sa janitor fish?
Macky, walang sinabi si Bobby Flay sa 'yo.
Sa lahat ng dumalo, salamat sa kaligayahan at hanggang sa muli.
Dyan na lang sa breakwater, malapit-lapit.
Binalibag Ni Choleng ng 4:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin