<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, November 19, 2008

Sales a la Bistek
Walk in the park.

'Yan ang tingin ko sa bago kong account, ang Bistek.

Mahirap dahil GY for life pero di gaanong iindahin dahil iba ang mentalidad ng mga kliyente dito. Kung sa DR, laglag na ang matres mo sa kapapaliwanag at pambobola sa halagang $19.95 tapos sasabihan ka lang na wala silang credit card, dito naman i-describe mo lang ang itsura, features at presyo ng telepono, order sila agad at walang kaabog-abog na nagbibigay ng credit card kahit daan-daan pa ang halaga!

Siyempre, wala naman talagang trabahong madali. Marami ring mga pasaway, aanga-anga at nakakapagpataas ng BP na customers. Merong isang nigga, nag-order sa web. Siya na nga ang nagkamali, siya pa ang nagalit dahil na-overdraft daw sya. Yung daliri nya dapat ang awayin nya dahil trigger happy siya! Meron namang isa, nagtanong kung pa'no makakabili ng bagong phone. Sabi ko, puwede sa website, may 15% discount na, free shipping pa. Wala raw siyang internet. Hirit ko ulit, puwede kong i-process ang order para sa kanya kaso may shipping charge, ayaw daw nyang magbayad ng shipping. Huling hirit, sinabi kong pumunta na lang sa retailers. Ayaw daw nyang magpunta sa Walmart or Costco. Lahat ayaw, eh ba't kaya siya tumawag?

Ewan ko sa inyo!

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com