<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, November 27, 2008

Takip-silim
Photobucket
Bella Swan, ikaw ba yan?

Wala rin lang pasok dahil Thanksgiving sa US, instant movie watching kami ni SG sa Galle.

P151 sa sine, almost P120 naman sa KFC, tingin ko hindi sulit ang ginastos namin sa Twilight. Napakasimple ng plot at kayang ikuwento ng 5 minuto, ni walang gaanong special effect at napaka-gloomy ng setting at kung hindi lang sa kaguwapuhan ni Edward Cullen aka Cedric Diggory of Harry Potter, tuluyan nang walang dating sa akin ang pelikula.

Aaminin kong kinilig ako sa mga eksena nina Edward at Bella although sana, mas maganda ang kinuha nilang gumanap na Bella, yung bang ang ganda eh ethereal at hindi yung mukhang kutuhin at di naliligo para naman bigay na bigay ang kilig. In fairness, magaganda ang view at shots at napakagandang idea na mag-date ang magsing-irog sa tuktok ng napakataas na puno. How romantic!

Kahanga-hanga at na-move ako sa intensity ng pagmamahalan ng mga bida pati na rin ang closeness at todo-suporta ng "vegetarian" nyang pamilya sa relasyon nila. Kung lahat ng vampire ganyan eh di hindi nakakatakot!

Oo nga at simple ang plot pero ang iba't-ibang emosyong pinukaw ng pelikula idagdag pa ang kaguwapuhan ng bida ang mga dahilan marahil kung bakit tinangkilik ang pelikula.

Teka, di ba sabi ko hindi ako nagandahan? Eh ba't ang dami kong nasabi?

Binalibag Ni Choleng ng 8:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com