BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, October 08, 2009
Sa Ikatlong pagkakataon
Nawalan na ako ng pag-asa at isinumpa ko sa sarili ko'ng hindi ko na aaplayan ang lekat na 'command center' ng PS dahil lagi akong ligwak.
Ewan ko nga ba, dami namang ibang posisyon pero dito talaga ako gigil na gigil. Hilig ko k'se ang mag-isip, mamula at lumuwa ang mata at maging puro numero ang mga mata at reports ang dighay ko.
Kung kelan naman nagbakasakali lang ako dahil masaya naman ako sa Eyab at sa tingin ko eh wala akong kapag-a-pag-asa na makalusot dahil ni isa sa dalawampung excel questions ay hindi ako pamilyar at saka naiba ang hihip ng hangin. Akalain n'yong pasado ako at ang nakakapagpabagabag at nakakapagpanginig ng bilbil eh ang feedback na "I did good in the exam."
Huwat? Promise, Russian ang mga tanong pero iba talaga kapag kasama si Bro. Iginiya nya ang ballpen ko sa pag-choose the best answer.
Abot-kamay na subali't, datapwa't, sapagka't, alalaong-baga'y hindi pa rin lubusang abot. Hinarangan ng mala-Akon na client ang training ko sana at hindi ako pinayagang umalis hangga't wala'ng kapalit kaya hayun, sa November 1 na raw ang lipat ko sa command center.
Sagwa, November 1, Araw ng mga Patay ... hindi kaya nakakamatay sa ATO?
Magkakaalaman!
Hmp, kung black lace* lang talaga sa Eyab, hindi na ako aalis!
*black lace - ito ang pinaka-passport ng isang empleyado ng PS para makapagpasok ng bag at cellphone. ID lace baga. Kapag pula ang lace mo, dun ang gamit mo sa locker, deposit naman sa guard ang cellphone. Hassle!
Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin