Pansol, Laguna dapat kaming TTEM Team ngayon pero dahil ayaw ng iba (isa na ko dun -- tinatamad ako, kagagaling ko lang ng Palawan ... hihi), napagkasunduang kumain na lang sa Army Navy after shift.
Kung mahilig kayo sa Mexican food like taco, burrito, quesedilla o burger, dito na kayo. Medyo may kamahalan pero sulit naman ang lasa at take note, pang-army ang serving. Gagapang ka talaga sa kabusugan!

Taco Loco

L-R: Rheza, Joan, Cielo, Kei, Chie and Lovely. Ayos ah, wala ang sup!

Tree-lover(s) - with Rheza and Lovely
Okay rin ang location. D'yan lang sa Solaris, ilang minutong lakad pabalik ng APS -- sakto lang ang distansiya para masunog ang taba'ng nadagdag.
Hay, nasa dila ko pa rin ang sarap ng taco, burrito, burger and fries. Oo na, taco lang ang in-order ko pero tikim to the left, tikim to the right ang ginawa ko kaya ganun.
Takaw lang.