<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, February 03, 2011

Usapang palpitation pa rin ...
Yung palpitation ng Mommy ko na nagsimula nung January 11, nauwi na sa confinement sa Medical City.  Plano sanang nya'ng magpa-check up ng 1 PM kasama ang nagluluto sa amin na si Ka Adora dahil mula noong huli kaming pumunta noong Enero, hindi na naging normal ang pakiramdam at pabalik-balik ang palpitation, pero bandang 11:00, pinasok ako sa kuwarto at nagsabing gusto na nyang magpa-confine para matingnan kung ano ang pinanggagalingan ng nararamdaman nya.

Galing ako ng trabaho at hindi pa gaanong nag-iinit ang likod sa kama pero kagyat ako'ng bumangon dahil bakas na sa mukha ng aking ina ang pagkabalisa at saka alam kong kung may iba lang siyang makakasama, hindi na ako gigisingin pa dahil ayaw ng hindi ako nakakatulog ng maayos.

Mabilis kaming nakapaghanda at ilang minuto lang ay sakay na kami kay Baby Ghelay (sasakyan namin yan), Daddy ang driver, maagang pinasara ang tindahan para maipag-drive kami.

Gaya ng dati, agad naman kaming inasikaso sa Medical City pero ang tagal ding naghintay sa Urgent Area dahil walang bakanteng kuwarto.  May ilang silid na ini-offer sa amin pero sobra namang mahal (suite!),  bandang 7:00 na nang sa wakas ay makakuha kami ng affordable na silid.

Limang araw ding na-confine si Mudra kaya naghalinhinan kaming magkakapatid sa pagbabantay.  Noong unang araw, umuwi ako ng mga 10 PM para makabawi ng tulog (yes, absent na naman ako!) at pinalitan ni Girlie tapos yung kasunod kong kapatid, si Janet, ang pumalit sa kanya ng Biyernes.  Sabado, doon na ako tumuloy mula trabaho at nanatili hanggang lunch time tapos muli akong pinalitan ni Girlie;  Linggo whole day naman.  Padaan-daan lang ang pangatlo kong kapatid, si Ellen, dahil may mga anak na kailangang asikasuhin tapos pinatitingnan-tingnan din ang bahay pati na rin kung ano ang kakainin ng Daddy.

Si Dr. Achilles Esguerra ang attending cardiologist ng Mommy ko, isang beterano'ng doctor na naghuhumiyaw ang no-problem-everything-is-okay attitude.  Parang bang kung may nararamdaman ka man, biglang mawawala kapag kaharap mo siya.

Tamang gamot lang daw at iwas sa pag-iisip ng kung anu-ano ang solusyon sa nararamdaman ni Ina dahil wala namang nakita sa mga pagsusuri.  Okay naman daw ang thyroid test at kung may abnormality man lumabas sa ECG at Holter test, maliit lang yun at hindi dapat ipag-alala.  Wala naman daw baradong artery.

Linggo pa lang, gusto nang magpa-discharge ng Mommy.  Uwing-uwi na dahil naiinip at nagsasawa na sa kapapanood ng TV tapos lagi lang naman siyang bini-BP, pinapainom ng gamot, binibigyan ng food tuwing breakfast, lunch, merienda at dinner tapos once a day lang nagpapakita ang doctor.  Lumalaki lang daw ang hospital bill sa pag-tambay niya sa hospital.  Maganda na naman daw ang pakiramdam niya sa bagong gamot na nireseta ng doctor.

Sa kasamaang palad, hindi siya pinayagan ni Dr. Esguerra dahil kailangan pa raw obserbahan ang epekto ng bagong gamot at kailangan pa'ng mag-Stress Test sa Lunes na tigas na tinanggihan ng Mommy ko dahil kapapanood pa lang sa TV ng isang pasyente na namatay habang nasa ilalim ng nasabing test.


Hindi napapayag ang Mommy ko sa Stress Test kahit ilang beses pang kinausap ng isang resident doctor kaya naman Lunes ng 10:45 ng umaga, officially discharged na si Inay.

Limang araw na mahigit sa ospital, umaasa kaming lahat na masapol ng bagong gamot ang nararamdaman ng Mommy ko.  Dr.  Esguerra, ikaw na sana.

Mawawalan ba naman ng mga larawan?  Heto na:

Photobucket
View from RM N1406

Photobucket
Tulug-tulugan mode ang mag-Tita

Photobucket
Gawin bang internet cafe?

Photobucket
Newly-born Jenny?

Photobucket
Birdie na laging nakatambay sa bintana 

Photobucket
At home ang mga dalaw -- ang pasyente rumarampa

Photobucket
Nurse-on-duty Ghelay

Binalibag Ni Choleng ng 9:56 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com