<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, October 22, 2005

Bob BJ, Ikaw ba yan???
Talagang totoo ang kasabihang "if it's too good to be true, it's not!"

Mantakin nyo, kaisa-isang matinong customer, walang objection, oo lang nang oo yun pala ... HALIMAW!

Ganda ng usapan nung simula, parang normal na tawag. Naging abnormal bandang gitna ng transaction. Ang ayos-ayos ng tanong ko sa kumag, "...so, Sir, you'll be getting standard receivers? Don't you want them upgraded to DVR with Tivo or HD?"

"If you'll describe your underwear, I might..."

ANO DAW???

Kinilabutan ako pero di ko pinansin. Kunwari di ko narinig. Tinuloy-tuloy ko lang ang pag-process ng order, nag-credit check pa ako. Again, walang objection kahit sabihin kong may $150 deposit. Naisip-isip ko, siguro nagkamali lang ako ng dinig kanina. Eto na, kinukuha ko na ang credit card number, binigay naman... first 4 digits... another 4 digits... 4 digits pa ulit ... tapos ...

"I'll give you the last 4 digits of my card if you'll tell me the color of your underwear..."

Nagpanting ang tenga ko, umakyat ang dugo sa ulo ko. Sa nanginginig na boses, sinabi ko, "Sir, I'm just doing my job here. If you're going to continue talking to me in this manner, I'll put down the phone."

"You're no FUN..." sabi ng ungas sabay BA-GAG!

Tangayin ka sana ng tornado!

Binalibag Ni Choleng ng 12:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, October 16, 2005

Que Horror!
Hirap talaga'ng maglingkod sa dalawang panginoon. Windang ka na sa tool, kung anu-ano pa ang nasasabi mo. Kanina lang sumemplang na ako. With confidence pa ako'ng nag-greet:

"Thank you for calling about the D*****V offer, my name is Choleng and I'll be helping you order your D*** Network System today..."

OOOPS... mali! Para akong binuhusan ng yelo sa hiya pero pag talaga sinusuwerte ka:

"Speak Spanish?"

Yes, Latino, di ako naintindihan!

Viva Espana!

Binalibag Ni Choleng ng 12:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, October 03, 2005

Lovesters On Strike
Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Ilang reps na ang nag-yao't dito sa Lovester pero di natuloy-tuloy ang planong team building. Sa wakas, matapos ang ilang buwang pagbabalak, natuloy din! Imbitado ang mga dating "kapamilya" dahil kasama rin naman sila sa mga plano pero awa ng Diyos, tanging si Drake lang ang nakarating. (Mamatay sa inggit ang di nakasama!)

Medyo maulan pero din yun naging hadlang sa aming paglarga. Sinimulan ang activity sa Puyat Sports, d'yan lang sa Makati Cinema Square. Tryout daw for the Philippine Canal Team pero in fairness, maraming nagpakitang gilas (like JM, Noel and Anna) at pang-sportsfest talaga.

Medyo supladita ang mga bowling attendants (porke ba hindi kami PRO?) at pinagsawaan na ng panahon ang mga bowling shoes pero enjoy pa rin. Nilampaso ng Team A (Dexter, Gina, Bob, Alma, Johann and Noel) ang Team B (Love, JM, Don, Cathy, Drake, Anna). Salamat sa pagpapaulan ng strike ni MVP Noel.

Pagkatapos ng game, pulong-pulong pa kung saan kakain. Dami-dami'ng suggestion, bandang huli, sa Jollibee din napadpad. May free dessert pa courtesy of Love, treat nya sa team for hitting the SA ... eat-all-you-can Go Nuts, Donuts! (Eat all you can dahil kinain namin ang share ng mga drawing)

Nang mabusog, dumiretso kami sa Cable Car ... kantahan naman. Mga ilang minuto rin nagdugo ang tenga namin sa pakikinig sa pagngawa ng isang grupong nauna sa amin (susme, hindi music ang ginagawa nila... NOISE!) pero nang mapunta sa amin ang microphone, ay, it's showtime! Di ba, Love?

Gustuhin man naming magpa-umaga hindi puwede dahil maraming maggugulay shift tapos may pasok pa yung iba kaya mga 10:00 pm pa lang, pack up na.

Hay, sobrang enjoy nangangamoy Take 2! Sana sa susunod sumama ang lahat, noh!

P.S.

Kung gusto nyong mamatay sa inggit, bisitahin ang http://photos.yahoo.com/psycholoves218

Binalibag Ni Choleng ng 12:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com