BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, August 30, 2007
Iskoran!
The Artist
The Assistant
The Center of Attention
The Creation
Presenting our new score board ...
Bongga!
Binalibag Ni Choleng ng 9:49 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, August 27, 2007
Sa Wakas!
Matapos ng nakapapagod na paghahalughog ng abubot at pagkain ng alikabok makahanap lang ng supporting documents, pagpunta sa simbahan at local civil registry ...
Matapos ng ilang pabalik-balik sa DFA, Taguig City Hall at NSO ...
Matapos ng walang humpay na pangungulit sa Travel Desk ...
Matapos nang kutaku-takot na hinagpis at buntong-hininga ...
FINALLY, natapos din!!!
May passport na ako!
Singapore, here I come!!!
Ang kaso naiwan na ako nina Ed at Mannix na kasalukuyang nagliliwaliw sa Ghenting matapos mag-Singapore.
Kasuya!
Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, August 26, 2007
MOA Naman!
Star City dapat ang punta namin kaso binirahan ng ulan eh may kasama kaming mga bata kaya napagkasunduang sa Mall of Asia na lang i-celebrate ang birthday ni Girlie, bunso namin.
Siyempre may bata kaya meryenda muna sa Jollibee.
Nang mabusog, bowling na!
Medyo mahal ang bayad sa MOA kumpara sa Megamall pero mas maganda naman ang amenties at high tech ang score board!
Birthday girl giving her best shot.
Eldest nephew Teejay. First time sa MOA, first time ding mag-bowling.
Nang matapos ang game, family picture muna.
Final score? It's a tie!
Nang mapagod, arcade naman!
Teejay, Emjhay, Jenny and Kiko
Ang lagay sila lang?
Nang mapagod at maubos ang pera, ginutom na. Tindi ng debate kung saan kakain, sa Food Court kami bumagsak.
Grilled seafood galore!
Hay, sarap ng sama-sama at kumpleto ang family. Kung puwede lang gawing lingguhan kaso masakit sa bulsa.
Sino may sabing hindi nabibili ng salapi ang kaligayahan?
Binalibag Ni Choleng ng 8:41 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, August 24, 2007
Acrophobia
Ewan ko ba, tindi ng fear of height ko pero gawain ko pa ring titigan araw-araw ang kahabaan ng Ayala mula sa ika-31 palapag.
Parang therapy ko na rin para mawala ang takot ko pero it's no use.
Nangangalisag pa rin ang balahibo ko.
Haylp!!!
Binalibag Ni Choleng ng 8:56 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, August 22, 2007
Stolen shots
Nicole Rossi a la Sisa
No eating on the floor, Choleng!
Walang kamalay-malay si Haydee na kinukunan siya ng picture
Binalibag Ni Choleng ng 7:35 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, August 20, 2007
Pansol for All!
August 5 ang original plan, ginawang August 19 dahil sa kakulangan sa budget ng karamihan tapos ginawang August 18 pero bandang huli, binalik din sa 19 dahil mas lalong maraming hindi makakasama.
Ang gulo!
Last minute, urong-sulong pa ang iba dahil ilang araw nang ulan nang ulan at ayaw umalis-alis ni bagyong Dodong pero napagpasyahan na ituloy na dahil nakaplano na -- rain or shine -- kahit nilagnat pa sina Doc at Richie; kahit pa-resign na si Jeff at nagka-sore eyes man si Ivy!
Pansol ang destination. Nauna sina Julius, Bobby, Jeff at Haydee para maghanap ng venue. Matapos ang ilang galong tagaktak ng pawis at walong resort, natagpuan ang Villa Leah.
Maganda ang villa. Malaki ang 2 kuwarto, may videoke at bonus na mga pusa, butiki at ipis sa halagang P2,500. Medyo defective na ang karaoke pero good deal na rin. Siyempre, Julius-Bobby with Jeff on the side yata ang nakipag-negotiate. Mga hari ng tawaran! (reading between the lines, kuripot!)
Ayos!
4 PM naman umalis ang second batch.
Elevator pa lang, sinimulan na ang kodakan ... hanggang Adventure!
Nakisama naman ang panahon. Kulimlim lang pero ni hindi pumatak ng ulan.
Kitam?
Heto ang Master Chef. Specialty - burnt hotdog. (with Sous Jeff)
Masaganang kainan. Champion ang inihaw ni Julius at manok ni Ivy.
May kasama pang Jufran!
How to eat a hotdog ... in style!
Ayan, nasobrahan sa hotdog!
Sabi nila, kapag daw nagti-team building, nagkakahiwa-hiwalay pagkatapos. Oweno! Talaga namang lahat, doon papunta. Sabi nga, some good things never last. Ang importante, masaya habang magkakasama at hindi magkakalimutan magkalayu-layo man.
Julius and Bobby, excellent planning. Another job well done. Wala talagang tatalo sa kakuriputan ... este, kagalingan nyo.
Dynamic Duo
Salamat sa lahat.
Hanggang sa muli ... sana.
Binalibag Ni Choleng ng 8:53 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin