BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, October 10, 2009
Up Parma Down
Nakapanlulumo ang kasalukuyang nangyayari sa ating bansa. Hindi pa man nakababangon ang Kalakhang-Maynila sa hagupit ni Ondoy, heto at Norte naman ang isang linggo nang binabayo ni Pepeng. Sa pagkakatanda ko, ngayon pa lang may bagyong nag-overstay sa Pinas.
Hindi ko mapigilang malungkot at panghinaan ng loob.
Noong isang buwan lang, plano naming bumili ng dining at living room set bago magpasko pero pagkatapos ng nangyaring pagbaha sa amin, bigla akong nag-isip. What's the point? Ano ang silbi ng magandang muwebles kung ang bahay mo'y babad at puro ka alipunga?
Naiba na tuloy ang goal ko. Isantabi muna ang muwebles, gadget at kung anu-ano pang luho, pagpapataas ng bahay at pagpapagawa ng rooftop ang pangarap ko o dili kaya, bumili ng isang bahay sa mataas na lugar pero para matupad, kakailanganin ng mga isang milyon. Saang palad ng Diyos ko kukunin ang ganoong kalaking halaga? Simulan ko ng tumaya sa lotto o maglaro sa Singing Bee?
Hay, hirap nang mabuhay sa mundo. Kunsabagay, ang mga nangyayari ay ganti lamang ng Inang Kalikasan sa mga salaulang tao'ng walang habas siyang niyurakan at kasalukuyang niyuyurakan. Basurang tinapon, ibinabalik lang. Napakasakit dahil hindi naman ako nagkakalat pero damay pa rin.
Binalibag Ni Choleng ng 8:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin