<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, March 14, 2010

March!
Sinasabi ko na nga ba't eepal na naman ang NHI.

Sa tuwing may laban si Pacman, laging umeeksena. Oo na, hindi na naman ginawang martsa ni Arnel Pineda ang Lupang Hinirang, katulad ng ilan pang batikang manganganta. Hindi pa rin kaya nila naiisip hanggang ngayon na ang ating Pambansang Awit ay nilikha ni Julian Felipe bilang isang instrumental march kung kaya brass band o symphony lamang ang makakagawa ng bilis na gusto nila?

Dulo lang naman ang sablay!

Subukan kaya nilang sila ang kumanta, tingnan natin kung magawa nila ang martsang ipinagpipilitan nila.

Ooops ... may isang singer nga pala na martsa pagkakakanta, ayun, nakalimutan naman ang lyrics.

Oo, Christian. Ikaw yun.

May lakad yata si Christian?

Teka lang, kumpas pa lang ng kanta alburoto na ang NHI, eh ano pa kaya kung kantahin ng dalawang dangkal lang ang shorts gaya ng cheerleaders ng Cowboy?

I love it!

Warla!

Binalibag Ni Choleng ng 9:33 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 12, 2010

Say What Now?
Akalain mong out ang manok kong si Alex Lambert at naiwan pa ang pa-tweetums na Tim Urban?

Alex and Tim

Anong kalokohan ito??? America, you got it wrong. So wrong! Tsk ... tsk ... tsk ...

Binalibag Ni Choleng ng 11:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, March 07, 2010

Wonderland aftermath
Having watched Alice in Wonderland made me wonder ...

Kung ang taong magaling sumakay sa kabayo ay tinatawag na magaling mangabayo, ano naman ang tawag sa taong magaling sumakay sa aso?

Hay, nanlalamig ang paa ko sa katatawa, kailangan ko 'to:

Pig warmer!

Binalibag Ni Choleng ng 11:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 02, 2010

Konting Sundot
Naalala n'yo pa ba yung P100,000 educational fund na ipinangako ng kagalang-galang na COO noong January 1 para sa enhancement ng talent naming tatlo? Oo, kaming tatlo nina Anz and Gab.

Photobucket

Eto yun, oh!

Awa ng Diyos, naka-resign na si Gab at muli na namang nagbalikan ang mga kulugo sa mukha ko pero ang pangako ay nananatili pa ring pangako. Kaya naman ayon na rin sa tagubilin ng punong-abala ng Idols 09, gumawa ako ng liham bilang pagpapaalala sa nakaraan.

Eto yun:

JV,

Good day!

This is with reference to the “talent enhancement” fund for the Idols that was presented by Mr. R*j*v Ah*j* during our recent performance at Ms. M*nj* R***'s birthday celebration last January 1, 2010 at the Shangri-la Makati.

Due to conflict in schedule and time constraint, we have opted not to enroll in music courses, contrary to what Mr. Rajiv has envisioned, but have decided, after much consideration, to purchase a keyboard instead which we firmly believe would yield the same result.

Below are quotations for your perusal. Please note that all the stores are located in Raon, Manila .


Respectuflly yours,

The Jaynamite/The Prince of Soul -
Aegis Idol 2009

Konting sundot para sa nakalilimot. Sayang din ang grasya.

P.S.

Hindi kasama sa liham si Gab dahil nagsarili ang ungas, may hiwalay na liham requesting for a drumset. Good luck!

Anz, salamat sa pagsadya sa Raon. Nawa'y magbunga ng maganda ang ating paghihirap.

Binalibag Ni Choleng ng 6:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, March 01, 2010

Jogabells
Papasok na ako sa trabaho, kalalabas pa lang ng gate at naglalakad na sa kalye. Hindi ko ugaling magpalinga-linga habang naglalakad, laging diretso ang tingin pero sa aking peripheral, alam kong lalake ang nakasalubong ko. Wala namang kaso kung lalake pero nagpanting ang tenga ko sa narinig kong sinabi pagkalampas ko sa kanya:

"Umaalog ah ..."

Ang linaw-linaw ... dinig na dinig ko. Yumuko ako at tiningnan ang tinukoy. Gusto kong balikan ang lalake at hambalusin ng takong ang mukha pero naisip ko, eskandalo lang saka male-late na ako.

Ipinapatuloy ko na lang ang paglalakad at iniwasang hindi masyadong bouncy ang paglakad para hindi umalog ang dapat umalog.

Bastos!

Binalibag Ni Choleng ng 12:30 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com