BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, July 29, 2010
SMT
Classmates
Sa daigdig ng Command Center na punong-puno ng stress, swak na swak ang Stress Management Training. How ironic nga lang dahil halos lahat kami na-stress pagpasok dahil sa sobrang lakas ng ulan.
At any rate, marami naman kaming natutunan pero isa ang nakintal sa isip ko: "Stress is just a state of mind." Oo nga naman. Nasasaatin kung ma-stress tayo o hindi kay chill. Kaya natin 'to.
Happy ako at kasama ako sa mga 'chosen ones' sa despedida mo at happy rin ako dahil sa wakas, nakanta ko na rin ng kumpleto ang 'Inseparable.' Hindi ko lang mawari kung bakit ka naiyak -- kung nadala ka sa kanta o nanghihinayang ka at hindi nagkatuluyan ang tambalang Piolo at Juday (peace tayo, Alenea Lovelyn Espino Garcia Nadal) o dahil nasindak ka o nakalog ang earwax sa rendition ko.
Anuman ang dahilan, happy na rin ako dahil meron akong nakuhang reaksiyon mula sa 'yo. Salamat sa lahat ng tulong mo -- may pagka-'knight' sa mga 'damsel in distress' ka k'se -- sa mga treat mo sa amin nina Alma, JM at Love at sa lahat-lahat na. This may be adieu sa APS pero hindi sa ating pagkakaibigan.
Napanood ko na ang Eclipse pero online nga lang at sa laptop pa kaya bitin at dahil libre'ng movie para sa Team Fierce kasama ang mga support (kami 'yun!), gora kami ni Joan sa Greenbelt.
Greenbelt 3, Cinema 9
Pa-cute?
Kodakan kahit madilim
Iba kapag magkakakilala ang nanonood. Mas maingay, mas magulo at mas masaya pero hindi sapat yun para ma-distract ako at muling kiligin. Hay, muka'ng tanga lang!
Kasama dapat si Lovely kaso exclusively for T&T lang daw. Laking hinayang namin nang malamang wala naman palang listahan ang mga taga-Command Center. Sign as you enter. Sayang, pa-birthday pa naman sana sa kanya. Thanks sa organizers. Hanggang sa susunod na libreng pelikula. Breaking Dawn ba yan?