<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, December 30, 2010

Dalaw sa Gamol
Tradisyon na naming manood ng isang Metro Manila Film Festival Entry at madalas sa hindi, horror o fantasy yan.

Pelikula sana ni Bossing ang gusto ni Jenny eh mas marami ang may gusto ng Dalaw kaya yun ang pinanood namin. Natural hindi nakasama ang makulit kong pamangkin.

Aliw ang pelikulang ito. Sulit ang bayad dahil nakakatawa na, nakakagulat pa. Agaw-eksena na naman si Gina Pareho sa role nya pero winner din ang twist na hindi pala ang asawa ng bida ang nagdadalaw kung hindi yung babae na inagrabyado ng asawa nya.

Ay, ba't ko ba kinuwento?

Ellen and Hajii getting tickets ...



... aura muna si MJ



... at isa pang aura!

Binalibag Ni Choleng ng 9:41 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, December 27, 2010

Metz Christmas Party 2010
Na-amaze ako sa intention ng ka-Metz kong si Conrad kung bakit inialok n'yang sa bahay nila gawin ang Christmas Party ng Metanoia -- para raw kahit papaano ay ma-"wash away" ang bad at sad memories na idinulot ni Ondoy sa buhay at sa bahay nila.

Tama, may mga bakas pa nga ng bangis ni Ondoy ang bahay nina Consi (o Mr. C, 'yan ang tawag namin kay Conrad) pero kamangha-mangha at kahanga-hanga ang pamaskong palamuti lalong-lalo na ang Christmas Tree. Para kaming nasa Megamall! Pati bakanteng aquarium nagawang pamasko! Sabagay, well-rounded artist naman talaga si Conrad, what do you expect?

Anyway, paniguradong hindi na kami malilimutan ng pamilya Mananes dahil sa ingay at gulo na nilikha namin. Ang saya-saya naman kasi ng parlor games tulad ng Charade at ng walang kamatayang Pinoy Henyo, idagdag pa ang nakakalasing na Gift-grabbing. Winner din ang mga song numbers pero stand-out ang Bikining Itim ng nagbabakasyon lamang naming miyembro na si Kute (from Abu Dhabi, with love). Hay, wish ko lang papasukin pa ulit kami ng kaanak ni Conrad sa muli naming pagbabalik.

Emil pati na ang planning committee, great party! Kute, nawa'y naging maligaya ang iyong bakasyon at Mhackies, salamat sa pasalubong na chocolates at keychains from Singapore pero mas maganda sana kung nakasama ka namin sa party. Di ko akalaing isa ka palang pintor!

Narito ang ilan sa hindi malilimutang eksena mula sa napakasayang Christmas Party. Consi, maraming salamat! Kute, you rock!


Location: Mananes Residence, San Roque, Marikina City

Binalibag Ni Choleng ng 9:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, December 25, 2010

Merry na, Christmas pa!
Merry talaga ang Christmas ko dahil matapos ang dalawang taon, nai-celebrate ko ito kasama ang buong pamilya.

Ang sarap maging bahagi ng paghahanda ng Noche Buena bagama't puro ready-made ang food courtesy of Amber's and Pizza Hut;

Ang sarap ding mag-exchange gift ng naaayon sa tradition. Ilang taon na rin kseng nag-e-exchange gift kami makapananghali ng Pasko, pagkagising ko pa. Salamat at na-swak sa tradition;

Higit sa lahat, ang sarap mamasyal kasama ang buong pamilya -- rumampa sa MOA, Dampa, Luneta, Ocean Park at magkape sa Starbucks.

Kumpleto na sana ang saya ko pero malas namang nagkapasok ako ng New Year's Eve. Okay na rin dahil nakasali naman ako sa taunang Parlor Games. Hilarious ang Bring Me, Amazing Race, Nearest Price, Charade at mawawala ba naman ang Pinoy Henyo? Siyempre, bongga ang mga prizes courtesy of major sponsor Ghelay.


Hay, kung pwede lang araw-araw ganito ... eh di namulubi naman tayo ... Hahaha!

Binalibag Ni Choleng ng 9:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, December 18, 2010

Bistek na naging bulanglang
Salat sa eksaktong nota, harmony, blending at members na may karanasan sa pagku-choir at idagdag pang ilang oras lang ang practice, ano ang aasahan?'

Pabiro ko ngang sinabi na dito na matatapos ang career ko pero what the heck? We had fun at katuwaan lang naman ng T&T vertical. Kaysa naman walang i-present ang Bistek.

Panoorin ang kalunos-lunos na performance. Bawal manlait, ang manlait ipapaloob ko sa video.


The legendary Bistek Choir

Binalibag Ni Choleng ng 11:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, December 17, 2010

Kuta-kutakot na salo-salo'ng Pamasko ...
Sa piling ng pamilya TTEM ko ...


Pizzeria de Avenetto Glorietta, 12.17.10

... at pamilya Kuyog ...


Burgos, Rodriguez, Rizal, 12.19.10

Isa sa Glorietta, isa sa Montalban, ilang araw lang ang pagitan. Sadyang nakakapagod ang kaliwa't-kanan na Christmas Party pero minsan lang naman sa isang taon nangyayari ang paglalagare kaya samantalahin.

O, saan ang susunod?

Binalibag Ni Choleng ng 9:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, December 14, 2010

Early Christmas Bird
Thanks, Madam Virg! Masarap tingnan, masarap din sa tiyan!

Photobucket

Nilapa agad ... wahaha!!!

Binalibag Ni Choleng ng 11:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, December 07, 2010

Size matters
Isang araw matapos ang Yearend Party...

"Galing kumanta ni Ma'am, ah!" bati ng mga guwardiya sa pangunguna ni John Lloyd pagpasok ko ng APS.

Hanggang DTR at pagpasok sa elevator, yung nakakasalubong ko, kung hindi ako titingnan ng matagal, ngingitian naman o dili kaya'y kakausapin at sasabihing, "Ang galing mong kumanta."

Nakakataba ng puso pero nakakahiya! Wala akong masabi kung hindi isang kimi at pa-sweet na, "Thank you!"

Photobucket

Akala ko kapag nasa 5/F na ako, tapos na ang mga ganyang eksena pero lalo akong naloka nang tila natigilan ang dalawang babaeng poreynjer na taga-Expedite nang makasalubong ako sa tutut door sabay bulalas ng, "She's the singer ... you really sound good ... I was in awe."

Photobucket

Totoo pala ang kwento ni Madam Virg (AVP ng T&T) na maraming afam na bumilib sa akin nung gabi. Ilang beses ko pang nakasalubong ang dalawang poreynjer at paulit-ulit nila akong pinupuri talaga. Nose bleed!

So yan pala ang epekto ng malaking telebisyon. Maraming ang mamumukhaan ka. Malamang sa sobrang laki ng screen, napansin rin nila ang nagmumura kong puson at mala-yungib na bibig.

Wala ng itinago!

Binalibag Ni Choleng ng 8:12 AM at 1 Nagdilim ang Paningin



Sunday, December 05, 2010

Yearend Party sa ikalimang araw ng Disyembre

Photobucket

The Venue: Kakaloka, December 5 pa lang pero Yearend Party na. Ni hindi pa nga nakaka-isang quarter ang Disyempre. Oh well, pabor na rin dahil hindi haggard ang Christmas shopping ko di tulad last year. Malamang ito lang ang araw na available ang 1 Esplanade. Maganda rin naman ang venue but nothing compared to last year's SMX. Cost-cutting siguro, nagtaka pa ako.

Photobucket

One World, One Aegis: Ilang beses na rin naman akong nakakatapak ng entablado kaya masasabing medyo sanay na rin akong mag-perform pero sa pagkakataong ito, sobra ang daga ko sa dibdib. Tinalo pa nung isang taon kung saan isa ako sa Idol contestants.

Hindi ako doon natatakot sa back-to-back-to-back namin nina Chie and Anz dahil napag-usapan naming mag-recycle ng kanta. Dun ako kinakabahan sa production number ng APS Idols. Imagine, isang 10-minute medley, dalawang oras lang sa loob ng 4 na araw ang practice, hindi pa kumpleto palagi kaya ang hirap.

7PM pa ng party pero 3:00 PM pa lang, nandoon na kami'ng mga Idol para mag-practice. Dun muna kami nagtipon-tipon sa dressing room habang hinihintay ang iba.

Photobucket

With MJ, Anz, Danica and JR sa masikip na dressing room. Kung ano'ng luwag ng dressing room last year, ngayon siksikan. Share pa ang singers, dancers at performers nyan huh.

Photobucket

L to R: Jerguz, MJ, Anz and Danica: First time na naka-attend ng practice si Jerguz dahil nagkasakit, final rehearsal pa. Sana walang sakunang mangyari. Whew!

Photobucket

L to R: Tet, MJ, Danica and Mitch: Sound check kasabay na rin ng practice ng kanta, choreography, blocking pati na rin pagmememorya ng lyrics. Imbiyerna ang punong-abala'ng si Kiko dahil lahat kami may hawak na kodigo. Final rehearsal na nga naman, dapat kabisado na namin ang lyrics. 4 days practice? Good luck lalo na sa tulad ko'ng may memory gap. Ha ha ha!!! Haggard pa rin ang rehearsal dahil hindi kumpleto ang Idols. Hanggang final rehearsal di pa rin kumpleto. Tsk!

Photobucket

Counterclockwise: Anz, JR, Jas, Chie, Danica, JM, Jayron and Roel: Yung mga hosts, anchors at dancers naman ang gumamit ng stage kaya sa labas, sa tagiliran ng venue kami nag-practice ng blocking. Opo, wala pang blocking. Tsk! Hindi talaga kami makumpleto dahil nandiyan na nga si Chie, Jas and Jayron, nawala naman sina Tet, Jerguz and Mitch. Naghahanda na raw para sa program. Kaloka!

Photobucket

L to R: Idols 2008 and 2009 - Anz, Chie, Roel, Jayron and Roel wearing my magic alampay (namamalat k'se). Ilang oras bago ang show, di pa rin kabisado ng karamihan ang lyrics. Balak sanang habang may kumakanta, merong mga ghost singers sa likod or baba ng stage eh kaso konti lang pala ang microphone at 2 lang ang wireless. Patay tayo dyan!

Photobucket

The hosts (L to R): Neil Cantuba, VJ something (nakalimutan ko ang name but she reminded me of Eat Bulaga's stewardess, yes-it's-clean-I-wash-it fame) and Owen Maddela: Hindi kumpleto ang APS Idol kapag wala sina Owen and Neil. Dati Nikka and Owen pero nawala na si Nikka kaya enter Neil. Okay ang tandem nila. Alam na ang pasikot-sikot, alam na ang tamang segue, atake at sundot.

Photobucket

The gay anchors: Oo, anchors sila and yes, they are gay dahil sila ang nagdagdag ng aliw sa programa. Kumbaga pag medyo seryoso, sila ang pampaalis ng tensiyon. Di ko nakuha names nila but I think impersonators sila ng dalawang sexy stars na hindi ko rin maalala ang mga pangalan. (Sorry, sa music lang ako mahilig)

Photobucket

The Judges: ASAP's Mickey Perz, Orly Agawin and Tina Vibar: They're good but let's face it, pero wala nang tatalo pa sa triumvirate ni Judge Orly, Professor at ang malalaglag-ang-salawal-mo-pag-nagsalita na si Henry Allen. Sabagay, may dance Idol na ngayon kaya kailangan merong judge na batikan sa sayawan.

Photobucket

The Production Number: Sa CR, oo sa CR kami nagbihis nina Chie, Jas at Danica dahil siksikan na sa dressing room. Hindi naman namin kinarir ang pag-aayos dahil guests lang kami. Thanks, Jas, sa muli mong pagme-make-up sa akin at salamat din kay Lovely (kasamahan ko sa Command Center) sa pagpapahiram n'ya ng futah red na lipstick. Red and black k'se ang theme at dahil all black na ang attire ko, yung uber red lipstick ang pinaka-red ko.

Ang sabi sa program, APS Chorale muna ang kakanta bago ang opening number namin (boys ang unang aakyat sa stage) ang kaso, pagkatapos ng opening number ng APS Dancers, biglang nag-intro yung minus one ng presentation namin. Sabi ko kay JR, na siyang unang papasok, wag umakyat kse baka nagkamali lang ang Mr. DJ pero nagtuloy-tuloy ang tugtog. Enter the MJ sa part nya, saka na lang sumunod sina Roel, JR, Anz and Jerguz.

Photobucket

La Diva of APS: Sigawan pag-intro ng Best of My Love. Kabado ako dahil napapalibutan ako ng mga biritera pero awa ng Diyos, di naman pumalya ang ngala-ngala ko. Maganda naman daw ang kinalabasan although sa tingin ko, mas nagkaroon ng umph kung kabisadong-kabisado namin ang lyrics at mas marami pang choreography a la Dream Girls. Ganda ng blend naming tatlo. Puro k'se mga alto (hindi lang halata!)

Photobucket

Idols 2008 to 2010 with the APS Dancers: Fireworks ang final song sa mahigit 10-minute medley na inihanda namin. Hitsurang fireworks nga kami dahil sabog-sabog ang kanta. Para nga lang daw kaming nagpa-practice sabi ng ilang manonood pero nag-enjoy naman sila kaya okay lang. Sus, ano'ng aasahan sa 4 na araw na practice? Salamat sa APS Dancers, medyo natakpan yung inadequecies namin.

Aminin, sa anim na taon ng APS Idol, ngayon lang nangyaring nagsama-sama ang present at past Idols sa isang production number. Sabagay, yung batch namin (Idols 09) ang nagpasimula ng mga production number a la Asap na 'yan. Kudos kay Chie para sa magagandang song selection at sa pag-iisip ng pagpapahirap na ito. Joke.

Photobucket

Food, food, glorious food: Mantakin nyo yun! Mula 3 PM hanggang matapos ang opening number (mga 9 PM na yata), wala kaming meryenda ni hapunan. Tubig lang. Hirap k'seng kumanta ng full tank kaya naman pagkababang-pagkababa ng stage, takbo na kami ni Anz sa buffet table. Lumpia, pasta, sweets ... lapa galore kami. Hay, hirap maging singer!

Photobucket

Back-to-back-to-back-to-back: Nagsisisi ako at nagparampa-rampa pa ako bago yung number naming tatlo nina Anz and Chie. By the time k'se na kami na, masakit na ang paa ko at nataong naiba ang plano at the spur of the moment.

Plano kse eh parang yung ginawa namin nung opening ng Idols 2010 -- unang aakyat si Chie, si Anz tapos ako pero kung bakit nung aakyat na si Chie, sinabi nyang samahan namin siya eh naisip ko'ng magandang idea yun. Parang SOP lang: nagchichikahan sina Jaya at Ogie Alcasid sa likod habang ngumangawa si Regine. Drama!

Natapos na si Chie, kalagitnaan ng kanta ni Anz, naisip kong hindi brilliant na idea yung umakyat kami agad sa stage dahil sa sobrang sakit na ng mga paa ko (taas ba naman ng takong eh!). 'Nung turn ko na, gusto ng pulikatin ng paa ko! Ewan kung may nakahalata pero sa makakapanood ng video sa ibaba, mapapansin ninyong ilang beses kong pinalipat-lipat ang microphone sa kanan at kaliwang kamay ko. Alam ko malayo ang paa sa kamay pero pakiramdam ko, gumapang yung ngalay hanggang braso at kamay ko at noong oras na yun, wala na akong ibang hiling kundi matapos na ang number namin at makaupo na ako sa couch na nasa makipot na dressing room.


The video sans Chie. Nagyosi kse yung videographer (Oo, Salvador ikaw yun) Missed Tin.

Nakaraos din naman ang segment namin at talagang nagtatakbo ako sa dressing room pagkatapos. Kung may baon lang akong sinelas, sinuot ko na sa sobrang ngalay at pamimitig ng paa ko.

Dahil tapos na ang number namin, malaya kaming nakakagala, nakakain ng gusto at nakapanood ang presentation ng finalists. Magagaling ang mga kalahok mapa-kanta o sayaw pero bandang huli, TH2 ang tinanghal na champion sa sayaw, Mitch naman sa kanta (tama ang hula namin nina Chie and Anz!)

Photobucket

The Dance Idols - TH 2 Team

Photobucket

Song Idol Winners L-R: JR (Runner-up), Mitch (Champion), Tere (4th runner-up), Danica and Anz

Issue: Bagama't masaya kami para sa mga nanalo, ang biglaang desisyon ni Aparup na dagdagan ng limpak-limpak ang premyo ng mga mananalo ay nagdulot sa aming mga Idols Circle (Ako, Chie, Anz, Jayron and Danica lalong-lalo na si Jas dahil gamit na gamit daw siya ng kumpanya) ng hinanakit at panlulumo.

Naiintindihan namin na maganda ang kanyang hangarin, kung natuwa ba siya o na-overwhelm dahil unang beses s'yang dumalo sa finals ng Idol kung kaya siya nagdesisyon ng ganoon pero sana, naisip rin nya ang implikasyon nito sa amin. Di bale sana kung wala na kami sa kumpanya pero heto pa rin kami, nananatiling mabubuting empleyado at aktibo sa mga programa ng kumpanya. Ayan nga o, nag-production number pa, muling naglaan ng oras para sa kumpanya!

Mula Season 1 hanggang 5, the prize has always been P10,000 (non-taxable) para sa champion plus trophy. Kung iisipin na halos pinasuot kami sa butas ng karayom nung panahon namin dahil 3 kanta ang inaral (Common Song, Judge's Choice and Collaboration Song. I think mahirap din ang pinagdaanan ng batch nina Jaz, Danice and Jayron) kumpara sa isang contest piece lang sa kasalukuyang season ng Idol na sila pa ang pumili, nakakasama talaga ng loob.

"Boycott," sigaw ni Jas at yun din ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, puro lukot ang mukha namin ng oras na 'yun.

Kunsabagay, tapos na ang termino namin. Siguro naman hindi na kami aabalahin pa dahil may bago nang batch ... at mas malaki pa ang premyo! (Oo na, bitter na kami kung bitter)

Anyway, mapait man sa Idols Circle ang naganap na kontrobersiya, wala kaming magagawa kundi pumutak at sumama ang loob. Ang utos ng hari ay hindi nababali. Malas lang namin, hindi kami ngayon sumali.

Basta huwag na nila kaming asahang tatapak pa sa entablado ng mga susunod na programa ng kumpanya.

Bago magsilab ang post na ito ... Picture, picture pa:

Photobucket

Idols 2009

Photobucket

With 60% of Idols 2010: JR, MJ and Tet

Photobucket

Danica, MJ, Anz and Dennard

Photobucket

With TTEM beauties Joan and Maris (wala kaming picture together ni Lovely)

Photobucket

With WFM Family Madana, Lori and Kate

Photobucket

Bistek Family

Photobucket

Reunited with Manager Xiao

Binalibag Ni Choleng ng 8:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, December 04, 2010

Pasko Na!
Kahit ano'ng busy ko sa Idols rehearsals, naisingit ko pa rin ang pagkakabit ng Christmas Decor. Medyo late na pero habol pa rin. Salamat sa tulong ni Inay at ng bro-in-law kong si Hajii.


Whew!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, December 03, 2010

Heto na naman po kami
Sounds exciting!

APS Idols mula Batch 4 to 6 sa isang production number ala Asap XV. Pinakamasaklap, sa Linggo na ang Year-end Party meaning 4 na araw lang ang rehearsal.

4 na araw? Akala ko pa naman dahil tapos na ang term namin hindi na masyadong ngarag this year pero parang mas ngarag pa pala.

Hay naku, Pumasok sana sa makakalimutin kong kukote ang mga songs especially yung La Diva segment namin nina Chie and Jas. Best of My Love? Best of our luck!

Binalibag Ni Choleng ng 8:09 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com