BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, February 26, 2011
Gora, gora gora!
Lagare ako ngayong araw na 'to pero okay lang dahil huling araw ng pasok. Finally, weekend na!
First stop: Wake of Ella's brother. Ang kamatayan ay isang bagay na hindi inaasahan pero medyo bothered lang ako dahil puro mga barkada ko ang namamatayan.
A few weeks back, nasa San Roque, Marikina ako dahil sa biglaang pagkamatay ng ama ni Wheng o Manika para sa aming KOC ...
|
With Manika sa wake. Nakakalungkot na kung hindi pa may pumapanaw, hindi pa magkikita-kita pero ganun talaga ang buhay.
|
|
Taga-San Roque din naman si Ka-Metz na Conrad kaya sinamahan na ako sa wake. Thanks, Mr. C |
... tapos heto ako ngayon sa Tandang Sora, kuya naman ng ka-Kuyog na Ella, same nature of death ng Papa ni Manila, atake o aneurysm din.
|
While waiting for Ella sa Puregold, Commonwealth |
Naiyak ang nanay ni Ella nang makita ako. Marahil nababagbag ang kalooban dahil sa pakikiramay naming mga barkada o di makapaniwalang maraming kaibigan ang anak (joke!). Bandang 11:00, nagpaalam na ako para sa susunod na appointment.
Next stop, facial kay Dra. Diwi. Mabilis ang Taguiglink bus kaya nakapag-grocery pa ako at nabili ang wheat bread ng Mom ko sa Megamall bago pumunta kay Dra. Diwi (lagare talaga?) Mabilis lang naman akong na-facial, 2:00 PM nasa bahay na ako.
Final gora, Manika's birthday bash. Syempre, natulog muna ako bago pumunta sa party. Nakaapat na oras din. Bandang 7:00, lumarga na ako, nakapaligo pero walang hilamos dahil bagong facial nga.
Bagama't nagluluksa ang pamilya sanhi ng paglisan ng haligi ng tahanan, life goes on. Salo-salo upang ipagdiwang ang birthday ni Manika. Samantalahin habang nandito sila sa Pilipinas dahil ilang linggo lang, babalik na siya sa California kung saan sila naka-base ng asawang si Richard at dalawang anak.
|
L-R: Papa Bo, Me, Manila, Jomarie, Maru and Match. Sayang, wala ang ibang KOC. |
|
Ang babae sa buhay ni Dioms |
Bandang 12:00, naghiwa-hiwalay na kami. Kaya pa? Ito na yata ang pinaka-hectic kong Sabado pero okay lang. At least, napagbigyan ko ang lahat pati na rin ang aking sarili.
Thank God, makakatulog na ako. Whew!
Binalibag Ni Choleng ng 8:11 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin