<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, March 13, 2011

Some good things never last


Courtesy of Conrad Mananes

Binalibag Ni Choleng ng 12:01 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, March 12, 2011

Isang Araw sa Palengke
Magkano sa kamatis?" tanong ko sa nakatalikod na tindera.

"Sampu lang, Kuya."

Hmp! 'Kaya nga ba ayokong mamalengke!

Binalibag Ni Choleng ng 8:14 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 11, 2011

Eight point eight

Tsunami engulfing Sendai, Honshu, Japan after an 8.8 magnitude earthquake.

Patnubayan nawa ng Panginoon ang mga Hapones pati na rin ang kababayan nating nasa Japan.  Sa mga nawalan ng mahal sa buhay, nawa'y magaan nilang matanggap ang matinding dagok na ito sa kanilang buhay at bigyan ng lakas na loob na ipagpatuloy ang pagnanasang mabuhay sa kabila ng kalunos-lunos na kalagayan.

Binalibag Ni Choleng ng 12:35 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 08, 2011

Rammed!
Baby Ghelay

Grabe, naatrasan ng dump truck ang alaga naming si Baby Ghelay!

Sobrang matarik k'se yung tulay papasok sa lugar namin kung kaya't kahit nalampasan na ng Daddy ko ang nakasalubong na sasakyan at pababa na siya ng tulay, kinulang naman ng buwelo ang dump truck kung kaya't sumadsad ang rear part nito sa front door ng Adventure, driver's side.

Wasak na wasak ang pinto ... as in nabutas!  Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang Daddy ko at kung hindi, pakakainin ko ng manibela ang driver ng dump truck.  Kung bakit k'se mabigat ang dalang graba, hindi muna hinintay na makalayu-layo ang Dad ko bago umarangkada paakyat ng tulay.  Hayan tuloy magagastusan sila.

Bagama't nagkaayos ang magkabilang panig, papapalitan ang pinto at ibabalik sa dati nitong ganda, hindi na sana nangyari ang sakuna kung pinairal ang pagiging maingat.  Hay, talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi at haste makes waste!

Thanks be to God at hindi nasapol ang Dad ko at kung nagkataon, merong isang nilalang na nagmeryenda ng manibela.

Binalibag Ni Choleng ng 8:13 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com