BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, April 30, 2011
'Tong galing na to tsugi?
I don't know what's wrong with you, America, but you got it wrong again. Casey Abrams may look old but he's new. He could have been the first jazzist American Idol and a damn good stand-up bass player at that. What the ...
Matapos ang madugong pagpaplano, konting tampuhan, balitaktakan at dramahan sa FB, natuloy din ang pagpunta ng Metanoia Choir(o Metz -- kami yun!) sa kasal ng ka-Metz na si Edmar sa San Narciso, Quezon.
Dahil may trabaho ang ibang miyembro at sa kasawiang-palad ay hindi pinayagang mag-leave, sina Emil at Lea naman ay kaalis pa lamang papunta sa lupain ng mga kangaroo, kami lang nina Conrad, magdyowang Pao at Chad, Michael at si Jun lang ang nakasama.
Ayos! Isang MD cum pianist cum tenor, 2 tenors, 1 bass at 2 altos. Asan ang soprano?
Problema ba yun? Once a Metz, always a Metz. Hindi uurong kahit dehado. Medyo madugo pero kinaya. Papaano? Eh di naghalinhinan kami ni Pao sa pagso-soprano. Soprano siya sa alam niya, ganun din naman ako. Pag parehong hindi namin alam ang soprano eh di puro alto. Hahaha!
Acceptable naman ang pagkakakanta namin at kung hindi man perpekto, ang pinakamahalaga ay napagbigyan at napaligaya namin ang bagong Mr. and Mrs. Lizardo. Saka inaral ko naman yung soprano part ng mga crucial songs katulad ng Pananatili at One Hand, One Heart kaya okay pa rin.
Sulit naman ang pagdayo namin sa Quezon dahil siniguro ng mag-asawa na komportable kami sa bahay nila, masarap ang food, enjoy sa karaoke night pati na rin sa Talisay Beach.Instant summer outing ng Metz, saan ka pa!
Isang hindi makakalimutang bahagi sa kasaysayan ng Metz lalong-lalo na siguro si Michael na pinagnasaan ng isang chararat ... hahaha!
O heto ang mga naging kaganapan. Nandyan ang chararat, hanapin nyo na lang. Congratulations and best wishes, Edmar and Rojie. Such an honor to be part of this monumental event.
"Miss, d'yan ka na lang sa estribo para makauwi ka na," sabi ng driver sa paparating na pasahero. 11:45 PM na kase, matagal pa bago mapuno ang kasunod na jeep.
"Ayaw mo, di huwag!" bulalas ng driver ng tila di siya pinansin ng babae.
Mamang driver, okay ka lang? Babae yan papasakayin mo sa estribo?
Clockwise: Roel, Chie, Me and Anz. Nasayaran na naman ng Starbucks ang simmura namin. Thanks, Roel. Starbucks, kailan pa ipinagbawal ang pagkain ng carbonara? Bakit, may tinda ba kayong ganyan? Hmp!