<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, June 26, 2005

Di pa naging totoo!
Magkahalong emosyon ang naramdaman ko. Nalulungkot ba ako? Maiiyak ba ako? Matagal-tagal ko'ng inasam pero ngayong nandito na, nakakapangalog din ng tuhod.

Nag-text sa akin ang Ditse, patay na raw si Tony, liver cirrhosis. Ilang minuto bago nag-sink in.

Si Tony, patay na... malaya na ako... wala na ang madilim na anino sa aking nakaraan. Affidavit lang tapos Death Certificate ang attachment, he's totally out of my system! Ang problema, papaano ako makakakuha ng kopya ng Death Certificate? Kailangang pumunta ako sa lamay? Ano? Sinumpa ko'ng di yayapak sa Bambang mula ng umistokwa ako. Hay, pa'no ba to?

Bago ko maisip kung ano ang gagawin, isang ingay ang pumunit sa katahimikan.

Tididididiiiit...tididididiiiit...tidididiiiit!!!

Namputsa, PANAGINIP LANG PALA! Bumangon ako para tadyakan ang alarm clock.

Binalibag Ni Choleng ng 9:58 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 25, 2005

Kyonda!
Birthday ngayon ng Mom ko, ang pinaka-cool na ina sa buong mundo.

Cool talaga sya dahil kahit nasa bahay lang, di mo sya makikitang walang make-up at ang kilay, tsura ng sampayan ng damit sa nipis ... 'di nawawalan ng eyeliner! Laging naka-batik duster at kung ano ang kulay nito, s'yang kulay ng bracelet.

Sa totoo lang, di namin alam ang tunay na edad n'ya k'se ayaw n'yang sabihin pero alam ko mga 56 na s'ya. Pinagpipilitan ng bunso kong kapatid na 60 na sya para maging head of the family na ang status ng utol ko at tuloy mai-apply na rin Senior Citizen Card pero tigas sa pag-iling ang Mom ko. Matagal pa raw! Sayang din k'se ang 20% discount sa sandamakmak na gamot na tinitira n'ya araw-araw pag may OSCA card sya.

Anyway, sino'ng ina ang matutuwa pag tinawag s'yang KYONDA? Meron, ang Mommy ko. Tawa pa nang tawa yun pag tinawag syang kyonda ...dahil totoo naman daw.

Biruan nga namin lately, supply the missing word. Sasabihin ko, "Mommy, mabagal ka ng umakyat sa hagdan dahil ikaw ay isang..." then she would shout ..."KYONDA!"

"Mommy, nirarayuma ka na dahil ikaw ay isang..." sigaw uli sya, "KYONDA!"

Sa'n ka pa!

Binalibag Ni Choleng ng 9:54 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 23, 2005

Na naman???
Natulog lang ako paggising ko P7.50 na ang pamasahe! Ano ba yan? Kelan pa nangyari ito? Ba't di ko man lang nabalitaan? Ay, oo nga pala. 'Di ako nanonood ng balita at ni hindi nagbabasa ng dyaryo. Hay, hirap ng huli sa balita, napag-iiwanan.

Ano pa bang magagawa natin? May choice ba tayo? Kaya ba naman nating maglakad na lang mula bahay hanggang work? Kung pwede lang gumamit ng floo powder, portkey, mag-teleport o kahit sana man lang puwede'ng gamitin 'yung mga flying saucer na nasa Star Wars eh di tipid na tayo.

Hay, sarap mangarap. Ganun daw yun, nagiging mapangarapin ang tao kapag nasa krisis. Ganun naimbento si Superman.

Binalibag Ni Choleng ng 10:34 PM at 2 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, June 22, 2005

We're On Strike!
Kami lang ni Alma dapat ang mag-i-strike pero naisipan din naming magyaya ng ibang kapamilya. The more, the merrier syempre. Teka, di strike sa trabaho 'to... bowling po ang tinutukoy ko. Awa ng Diyos, may sumama pang tatlo: Drake, Totus and Mayie.

Kahit 5 lang kami, gumawa rin kami ng ingay sa SM Bowling Center sa Megamall (Syempre, kasama ako!) Puro mga newbies kaya di maiwasang mapunta sa kanal ang tira ng iba but in the end, ang obvious na mananalo ang nanalo.

Totus, congratulations! Kunwari pang di ka marunong eh ang ganda ng form mo.

Alma, for the first time, babaeng-babae ka sa paningin ko. Napakayumi mo'ng maghagis ng bola.

Mayie, isa kang mangkukulam! Ano ba'ng power meron ka at yung bola mo diretso ang gulong tapos biglang-liko!

Finally, Drake, buti naman nakabawi ka sa pangalawang game kung hindi, ipagkakalat ko (tulad ng ginawa kong pagkakalat dati na sintunado ka) na isa kang Canal King!

Sana mas maraming sumama next time. Yung may mga coupons dyan para sa discounted games sa SM Bowling Center pahingi na!

P.S.
Salamat sa coupons, Agnes and Karla!

Binalibag Ni Choleng ng 9:48 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, June 21, 2005

Ang Bayong
Mag-iisang taon na akong maggugulay at sa araw-araw na pag-oobserba ko sa mga nakakasakay ko sa jeep, isang bagay ang napansin ko.

Since madaling-araw nga, karamihan ng pasahero papunta ng palengke at may dalang bayong. Pero kailangan bang kung ano ang laki ng puson, yun din ang laki ng bayong?

Promise, majority ng may dalang bayong pag madaling-araw malulusog!

Hindi po ako nangdadaot (dahil isa rin akong hippo), obserbasyon po laang!

Binalibag Ni Choleng ng 9:52 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, June 20, 2005

Tie down will tie you down
Sabi ko sa Indian customer, (MB daw ang name n'ya, for all I know, Mahatma Buddha ang name n'ya):

"Great promotion, isn't it?"

Dead air...10...9...8...7...6...5...4...3...2...1

"MB...hello MB?" (Hindi Garci)

Namputsa, nagmukha ako'ng tanga!

Binalibag Ni Choleng ng 10:31 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 18, 2005

To err is human, to get even divine
Di ko na maalala kung saan ko nabasa o narinig ang binarubal na kasabihang ito ni Alexander Pope pero kuwela di ba? Kung makakabangon lang siguro sa hukay si Mr. Pope para sapakin ang bumalahura dito, ginawa na nya.

Pero nakakatawa naman talaga. Himig biro pero totoo.

Di ba ang sarap naman talagang maghiganti sa mga taong umagrabyado sa 'yo? 'Yun nga lang nangyari sa akin, ilang beses ko nang gustong hagisan ng granada ang bahay ng nasira kong asawa pero naisip-isip ko, ano namang mapapala ko? Bukod sa maraming madadamay, bulilyaso pa ako.

Which reminds me of another great saying from Francis Bacon:

"Vindictive people live the lives of witches."

Everytime you feel like seeking revenge, isipin nyo na lang ang kasabihang ito at syempre, magdasal din.

Mas trip kong maging banal kaysa maging bruha.

Binalibag Ni Choleng ng 9:04 PM at 1 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 17, 2005

Dapat laging handa
Sarap ng siesta ko pero naudlot ng gisingin ako ng Daddy ko para magpasama sa doctor. Inaatake na naman ng migraine. Hay, pasaway k'se sinabi ng bawal ang yosi at kape, ratsada pa rin. Anyway, 'wag na nating sermunan ang Dad ko kse wala naman syang access sa blog ko and besides, Father's Day sa Sunday, tantanan naman natin sya.

Nung nasa clinic na kme, matapos ng kung anu-ano'ng kuning-kuning ng doctor, pinadapa ang Dad ko at may i-inject sa wetpax. Medyo dyahe dahil nakita ko, luma ang brief ng Dad ko, luma to the point na malapit ng maging bacon. Sinermunan ko tuloy nung pauwi pero nangatwiran pa ang matanda, "Di naman bacon, ah!" Oo nga naman di pa bacon pero papunta na dun. ( Naku, ang mga datan talaga kahit may bago yung luma ang sinusuot!)

Naisip-isip ko tuloy, dapat pala lagi tayong handa. Dapat araw-araw, kesehodang pupunta ka ng office o matutulog ka lang, maganda ang underwear mo dahil minsan mapagbiro ang tadhana. Kung kailan gula-gulanit ang suot mo at saka pa madi-display. Minus 10!

Binalibag Ni Choleng ng 11:19 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, June 15, 2005

Team Building
Image hosted by Photobucket.com

Ang saya-saya ng Lovester team building! Talagang nag-overheat ang microphone ng Red Box! Magsama-sama ba naman ang mga sugapa sa Karaoke!



Love and Lester, I love your rendition of Bring me to Life! I'll email HR para pag may program, opening number kayo! Lester, ipagpatuloy mo ang career na yan. Malayo ang mararating mo (samahan pa ng giling).

Drake, binabawi ko na ang pinagkalat ko na sintunado ka. 'Pag pala Walking away, Wherever You Will Go at Broken Sonnet, ang kinakanta mo panalong-panalo ka!

Karla, sana di bumaba ang matres mo sa pagkanta ng "You ought to know."

Totus, aayaw-ayaw ka pang kumanta "Ako'y Sa 'Yo at Ikaw'y Sa Akin" lang pala ang gusto mong tirahin.

Pau, isa kang tunay na stockholder ng Red Box. Alam mo na kung bakit.

Alma, thanks for coming kahit na rest day mo tapos lakas pa ng ulan. It's worth the byahe naman, di ba?

Manny, ang galing mong kumanta...ay sumimangot ka nga lang pala. (Peace tayo!) Thanks for coming. Sana nag-enjoy si "'hal".

Tungkol naman sa sarili ko, kayo na lang ang bahala. Alangan namang sabihin ko na ang galing-galing ko noh!

Hanggang sa susunod na Team Building. Sa mga hindi nakasama, kahabag-habag kayo.

Binalibag Ni Choleng ng 8:52 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 12, 2005

Ang blog
Yaman din lamang at Araw ng Kalayaan ngayon, pag-usapan natin ang kalayaan pero hindi ang kalayaang hinggil sa bayan dahil hindi naman ako makabayan (sorry, Andres!) kundi kalayaan sa pamamahayag. Ang kalayaan sa pamamahayag naman na gusto kong talakayin ay hindi ukol sa pahayagan o radyo kundi sa kinababaliwan ngayon ng bayan na blog. Opo, blog. (Namputsa, ang dami pang pasakalye, blog lang pala ang pag-uusapan!)

Nakakatuwa'ng isipin na dahil sa blog, naipapahayag ng isang tao ang nilalaman ng kanyang isipan at naipakikita rin ang hilatsa ng kanyang pagkatao. Kelan nga ba nagsimula ito? Ewan ko. Ang una kong nakitaan ng blog eh si Tauf aka Panibugho at si Camille Borja. Kung pa'no ito nag-boom sa DR, hindi ko alam. Basta nasumpungan ko na lang ang sarili kong nakikibasa ng blog ng may blog at ngayon nga ay may blog na rin. Tinangay ng anod, 'ika nga ('di ba, Bullex?)

Masarap din naman ang may blog kse kahit ano'ng maisipan mo, pwede mong isulat. May kalayaan 'ika nga, walang R at PG puro GP. Ilang takatak lang, nai-express mo na ang iyong niloloob. Di mo na kailangan ng pen and paper at di pa kakalyuhin ang kamay mo. I bet inggit na inggit sa atin ang mga "bloggers" nung unang panahon tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio k'se sila, kailangan pang isawsaw ang pakpak ng manok sa tinta para magsulat at kung di ba naman pang-extra challenge, gasera lang ang ilaw. Sa'n ka pa!

Marami ang atubiling mag-blog dahil "di raw sila marunong magsulat". Oweno? Sabi nga ng Journalism professor kong si Gary Satre (ano na kaya ang nangyari kay kano) "You should write to express and not to impress."

Tama s'ya kaya yun ang ginagawa kong pamantayan sa pagsusulat na syang dapat nyo ring gawin. 'Di mo naman kailangang maging Dan Brown o Quijano de Manila para mag-blog. Basta kung ano ang gustong sabihin, isulat lang. Malaya tayo, noh!

Binalibag Ni Choleng ng 11:15 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 11, 2005

Ano'ng nangyayari sa 'Pinas?
Nawindang ang diwa ko kanina. Imagine, 4:30 a.m. ang daming nakabalagbag na militar sa Edsa-Guadalupe, may nakahilata sa bangketa, may natutulog sa military bus, naghambalang ang mga sasakyan at nakaumang din ang OB Van ng Kapuso at Kapamilya sa gate ng San Carlos Seminary.

Isip ko, ano'ng nangyayari? Magkaka-coup d' etat na ba? Sa takot ko, di ko na nahintay pa ang Tae Bus o ang bus ng crush kong kunduktor. Pumara na ako ng taxi at sa driver ko nalaman na nasa San Carlos pala si Ong. Ong? Sino siya? Tinanong ko uli si Manong. Ah, sya pala yung nagsiwalat ng audio ni Tita Glo.

Hirap pala ng walang alam at walang pakialam. Na-guilty ako. Kaya ko lang napapanood ang TV Patrol kse hinihintay ko ang Meteor Garden. May time ako sa mga singkit, sa may kapararakan wala akong panahon.

Senya na, mas malakas talaga ang gayuma ni Dao.

Binalibag Ni Choleng ng 5:29 PM at 2 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 10, 2005

Hoy, mga LALAKE!
Pwede ba pakihanda ang pamasahe nyo bago kayo sumakay ng jeep, FX or bus? Hindi yung kung kelan kayo nakaupo saka kayo maglililiyad dyan at mega-effort para dukutin ang pera sa bulsa. Buti kung laging maluwag ang sasakyan or lalake din ang katabi nyo eh papaano kung well-endowed na katulad ko? Alam nyo ba na sa paggalaw-galaw nyo dyan eh may nasasaling kayo na di dapat salingin? (Noli Me Tangere!)

Susme, ilang beses na akong nagpigil na sumigaw ng "Mama, DKNY!" Ano'ng DKNY? Di po yung designer ... Dede Ko Na Yan!

You may not know it pero nakakaistorbo. Mag-isip-isip ang mga tinamaan.

Binalibag Ni Choleng ng 5:27 PM at 4 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 09, 2005

Strike 2!
For the second time nag-bowling kme ng Metanoia sa Megamall. Nasarapan kaya naulit at sa tingin ko, mauulit at mauulit pa (parang droga noh?). Mabuti rin sa isang banda dahil kahit papaano, may bahid ng sports ang buhay ko at hindi puro mike na lang ang hawak ko (di wireless ha!).

Nakakatuwa dahil nanumbalik ang hilig ko sa sports. Simula nang bumakat ang mukha ko sa bola ng volleyball nung elementary pa ako, isinumpa ko na ang sports. Kahit ano'ng bola, wala akong hilig (puwera lang yun...joke!) dahil alam kong wala akong pag-asa dito.

Proud ako sa sarili ko dahil kahit papaano, may bago akong ginawa sa buhay ko. For someone na mahilig sa routine at takot sumubok ng bago, this is a welcome relief.

Bowling tayo? P50 lang sa Megamall.

Binalibag Ni Choleng ng 5:24 PM at 1 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com