<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, December 07, 2005

I DON'T WATCH LOCAL CHANNELS ...
I go there
11.26.05

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com


Hindi ko ginustong pumunta. Wala pa kseng bakanteng mesa sa Gerry's Grill kaya habang naghihintay, naisipan naming dalawin ang Pinoy Big Brother house (Teka, Choleng. Bakit ba defensive ka?)

Panalo, parang may prayer rally pala sa labas ng bahay ni Kuya. Daming nakatanghod na tao, hindi mo alam kung ano ang tinatanghuran. Hindi naman puwedeng lumabas ang mga housemates, di ba?

In fairness, mistulang tourist spot ang bahay ni Kuya. Kodakang umaatikabo sa harap ng house, pati higanteng tarpaulin poster ng housemates, di rin pinatawad.

Okay na rin na nakarating ako dito. IN ako kahit papaano.

Sabi sa inyo nagpapanggap lang ako!

Binalibag Ni Choleng ng 12:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, December 06, 2005

Tawang Kalabaw
11.25.05

Kung ano'ng lakas ng ngawa ko nung mawala ang cellphone ko, siya namang taginting ng halakhak ko ngayon. Imagine, matapos ang mahigit tatlong dekada, nanalo rin ako sa raffle at grand prize pa... isang nagmamagandang Nokia 7260!

Image hosted by Photobucket.com I won! I won! ... Hindi ako makapaniwala!!!


Napakagandang birthday gift nito ... new cellphone immediately after I lost my T610! Tingnan mo nga naman. Wala naman akong bagua!

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

The Winning Ticket



Salamat sa mapagpalang kamay na bumunot ng tiket ko. I love you all!!!

Binalibag Ni Choleng ng 2:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Tayo na sa Greenhills
11.23.05

Ilang taon din ako'ng nagtrabaho sa Cubao pero ni minsan, hindi ko tinangkang silipin ang mannequin show ng COD. Hindi ko kse feel yung tumanghod, tumingala at magka-stiff neck sa panonood ng palabas. Feeling ko sayang lang ang oras ko at ang lahat ay isang malaking ka-cheap-an!

A year ago, isang tradition ang sinimulan ang family ko. Aksidente lang. Pagkatapos ng birthday dinner ko, since maaga pa naman, napagkasunduang pumunta ng Greenhills dahil bukambibig nga ang mannequin show doon. Ito rin daw yung mga manikin na galing sa COD.

Una kong mapanood ang show, na-realize ko na ang dami ko palang sinayang na panahon. Ang dami ko palang na-miss. Maganda at nakaaliw naman ang show at nasaan naman ang ka-cheap-an? WALA!!! Maarte lang ako!

Last year, native ang theme. Tagalog ang medium, Gary V pa ang narrator. Story ng isang balik-bayang lubhang naaliw sa paraan ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. (Ewan ko lang kung bakit may palo-sebo. Alam ko pang-fiesta lang ito) Sa taong ito, English na ang medium, story ng isang batang naligaw sa circus na sarado na for 50 years pero himalang nagkaroon ng buhay at isa-isang nag-"show" ang mga taga-circus.

Tingin ko, mas kuwela ang show last year, mas maganda at higit na nakakatuwa. Hanggang makauwi, hindi ko maisip kung ano ang gustong palabasin ng scriptwriter at sapilitang pinag-connect ang circus sa Christmas. Parang pilit na pilit ang pagkaka-segue. Masabi lang na may koneksiyon ang Pasko sa circus at tama ba namang ang church ay nasa ibabaw ng tolda ng belly dancer? (Bwa ha ha!)

Punta na lang kayo sa Greenhills para malaman nyo ang sinasabi ko. Habang nandun, puwede ring mag-shopping at makihalubilo sa mga nag-aalok ng "DVD... DVD..."

Binalibag Ni Choleng ng 2:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com