<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, June 30, 2007

Tawa naman dyan!
2 entries ang ipinadala ng kapatid ko sa Bitoy's Funniest Home Videos. Sinuwerteng nanalo ang second clip. Sampung libong tumataginting!

'Yung first video tungkol sa mapait na karanasan ng pamangkin kong si Jenny nung Pasko, coming soon pa. Sana manalo ulit.

Watch:

Binalibag Ni Choleng ng 6:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, June 26, 2007

Rock-a-bye, Bobby ...
Hindi po siya tulog ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Wala namang ebidensiya ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Eh ano naman to???

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Halimaw sa The Village???!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, June 25, 2007

61
Simple lang ang gustong birthday celebration ng Mom ko. Basta sama-sama ang pamilya at makitang masaya ang mga apo, okay na sa kanya.

Di puwedeng out-of-town dahil may kanya-kanyang pasok at natapat pang Monday ang birthday kaya nagkasya na lang kami sa Megamall. Masaya din naman dahil halos kumpleto kami. Di lang nakasama ang dalawa kong pamangkin sa Teresa at maaga ang pasok kinabukasan.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Birthday girl with our Little Miss

Nagmeryenda muna sa Chowking, nag-shopping ng konti at nag-bowling na.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Bowling!

Isang taon na rin ang nakaraan mula nang huli kaming mag-bowling kaya lahat kinalawang na. Suwerteng unang tira ko pa lang ay strike na at magaganda pa ang mga balibag kaya ako ang nanalo. Bitin ang isang game pero dahil may kasama kaming mga bata at "arthro" tinapos lang ang isang laro at diretso na kami sa Tiendesitas.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The family that bowled together

Tiendesitas. Daan-daanan lang namin ang sosyal na tiyangge na ito kaya dito napagkasunduang mag-dinner. Mas gusto ng mga boys na sa Food Court with live band na kumain pero nag-Max's na muna kami para makapag-concentrate sa pagkain at para makakain rin ng maayos ang mga bata.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Max's Tiendesitas

Pagkakain, talagang diretso na ng Food Court. Okay ang banda. Magaling ang lead singer na kelots pero yung babae, sawi. Di na nga gumaling kumanta, ang sagwa pang sumayaw. Buti na lang magaling siyang mag-mini skirt.

Nakaanim na beer lang at nagkayayaan nang umuwi pero bago yun, nag-iwan muna kami ng tatak-Lizertiguez sa Tiendesitas.

Yung pamangkin ko na patakbo-takbo sa Food Court, hayun, hinila ng singer, dinala sa stage at pinagsayaw sa saliw ng maharot na kanta ng Black Eyed Peas. Di pa nasiyahan, pati yung isa kong pamangkin, hinila rin sa stage. Mahiyain ang mga bata kaya sumayaw na rin. (Mahiyain talaga sila, promise!)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Rascals jamming with the band

Si Girlie naman, yung bunso namin, isang hila lang ng lead singer, kumanta na. Kse nga, mahiyain. Ang kaso, dahil sinisipon, pagdating sa mataas na part ng Dancing Queen, bigla ba namang ipinasa sa akin ang mike. Buti na lang at kaharap lang ako dahil kinukunan ko ng picture. Dahil mahiyain din akong sobra, kanta din ang Choleng. Palakpakan ang tao. Di ko na gaanong tinapos at baka matabunan pa lead singer. Sayang ang mini skirt.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Girlie belting "Dancing Queen"

Kung merong isang bagay na makakapagpaligaya sa Mom ko, iyun eh makita nyang bida at astig ang mga anak nya sa kantahan kaya tuwang-tuwa ang matanda dahil hindi lang dalawang anak nya ang pinasalubungan ng masigabong palakpalakan, pati dalawa nyang apo. Kundi raw kami kumanta, di siya masaya. Aba at stage grandmother! (Annabelle, ikaw ba yan?)

Umuwing may ngiti sa labi ang lahat at butas ang bulsa naming magkapatid. Di bale, masaya namang lahat. Di kayang bilhin ng salapi yun.

Binalibag Ni Choleng ng 9:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 23, 2007

East Meets West Part II
Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Sa wakas, nakasal na rin sina Chi at Gordon.

Congratulations, Chi. Isa ka nang ganap na Mrs. Browne. Hope by now hindi na dumudugo ang ilong mo sa pakikipag-usap sa mga Irish.

My best wishes, Gordon. Please take good care of Chi. Your turn to "nose bleed." Learn to speak Tagalog, okay? (Chi, ipaliwanag mo ang "nose bleed." He might take it literally.)

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Hay, excited na kami sa magiging baby nyo!

Chi, asan na ang basurero ko!

Binalibag Ni Choleng ng 9:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 22, 2007

And then there were three ...
Parang kelan lang eh dalawa lang sila ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Heto na at nag-email ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Cute nga si Baby David ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Proud Dad!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Congratulations, Wheng and Chard. Hanep, born in the USA!

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Hay naku!
1998 nang sinimulan kong magpatago sa kanya. Lahat sinalpak ko - personal, business, barkada at kung anu-ano pa. Ni sa hinagap, hindi ko naisip na posibleng isang araw manlalaglaglag siya.

At nangyari nga. Nito lang Wednesday night, pagbukas ko may notice na. Halos tatlong buwang palugit para maghakot.

Langya, kung alam ko lang na hahantong sa ganito, ako na lang ang nagtago.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Grabe naman, Yahoo, daan-daang picture ang hahakutin ko. Wa epek naman ang migration!

Binalibag Ni Choleng ng 8:08 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 21, 2007

Hanapin nyo ko!
Namputsa, parang picture sa isang horror film pero family picture namin 'to decades ago.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

May premyo sa makapagtuturo kung nasaan ako. Yun eh kung may maaaninaw kayo.

Binalibag Ni Choleng ng 7:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 17, 2007

Cool Dude ... este Dad
Kung ano ako ngayon, gawa n'ya ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

HAPPY FATHER'S DAY!!!

Pinaka-COOL na Dad at 60!

Binalibag Ni Choleng ng 6:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 15, 2007

The Thrill of Trillanes
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Astig. Sagad ang tapang, hindi susuko.

Mismo!

Walang makinarya, dinaan lang sa manaka-nakang press releases, kakarampot na flyers at Friendster pero pasok sa Senado.

Ngayon napatunayan ang power ng Friendster.

Mabuhay!

Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 14, 2007

Naiwan ... Nang-iwan ...
Thank God, ini-hold ang account transfer ng tropang Toad. Kailangan daw k'se ng mga agents na "highly-skilled" ang account ni Mr. Punctuation Mark kaya pinahinto ang transfer at interview.

Huh! Buti naman nagkahuwisyo!

Bilang tribute, masdan ang iba't-ibang mukha ng mga "highly-skilled" na kumag:

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Bobby - Kape, Sir?
April - Pagod sa nursing exam. Yes, batch nila yung nag-retake
Julius - ... kanina lang malakas pa sya ...
Gerald - Napuyat sa pagtitimpla ng gatas ng anak
Cris - Ayan, kuha ang view ... puwera muka!
Kaye - Ganda pa rin kahit tulog!!!
Fidel - Career!
Cris - Napapikit lang yan!
Ruby - From Ruby to Chelsea ... bongga!
Kaye - Diyosa sa piling mga mga buwitre.
Toots - Kelan ka pa nagkaganyan?
Karen - Nagsasayaw ka ba?

Sadly, kung may naiwan, may nang-iwan. Isa na si Kathy, napagod sa pagiging bola ng pingpong. Nakakahilo rin naman.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kathy signing her adieu letter

Well, well, well. Sa galing ni Kathy, di naman madedehado. Masakit man sa loob pero nauunawaan ko kung bakit kinailangang umalis. Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin.

Kse naman eh!

Binalibag Ni Choleng ng 7:28 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Tan-tan-tanan ...

Parang kelan lang, eto sila ... nakantyawang mag-laplapalooza sa Gerry's Grill ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kanina, may ipinakita sa akin ang Ricardo... Engagement ring!

Hayy, to be young and in love ... teka mali. To be in love lang.

Super happy for you both. So kelan ang mahabang dulang, Rico?

Binalibag Ni Choleng ng 7:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, June 12, 2007

Taktak o Takbo?
Dahil sa restructuring sa mansiyon, wala raw opening na Mayordoma Trainee. OIC lang.

Options:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket1. Gumawa ng application form, mag-apply sa ibang mansiyon.

2. Ipagpatuloy ang pagiging Mayordoma OIC pero OTY galore at walang kasiguraduhan kung hanggang kelan.

3. Bumalik sa pagiging katulong.

Maginhawa sana kung babalik na katulong, makakabalik sa servant's quarters kapag "01" na pero mawawala naman ang ilang pribilehiyo tulad ng pagpapasok ng Tetris at bayong sa mansiyon bukod pa sa pagiging mahigpit ni Pekto na bantay-sarado talaga ang oras. Pati pagwiwi mo, bilang.

Hati ang isip ko. Kasalanan ni Pekto.

"Tanda-tanda mo na, magkakatulong ka pa," - Mommy

Binalibag Ni Choleng ng 8:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 10, 2007

Eviction Fever
100 lang daw ang ititira.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketKakalungkot pero dapat noon pa ginawa. Dalawang taon ko nang tinatanong kung bakit ginagawang tambayan at tambakan ang DR, ngayon napansin din. Aba, oras na para mapakinabangan ang mga naiinip na bata.

Ang masama nga lang, damay sa exodus ang inugat na. Ultimo'ng All Stars, di pinatawad. I wonder kung ano'ng reaction ni Toad? Bahala na.

Unang namaalam ang BRabbit. Di naman talaga kasama sa profiling pero nag-volunteer, ayun napadali ang pagtalon. Ilang appraisals ding inaasam-asam ang big "O" pero kapos, hanggang AA lang. Sana makamit na sa piling ni Mobi.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa ngayon, hindi ko sigurado kung ang kuneho ay masusundan pa ng kuneho. Ewan ko. Bahala na. What will be, will be. Tanggapin ang mangyayari pero sana lang sa ikabubuti ng lahat.

Para sa tanging nakakaintindi ng mga jargon ko, tanging nakakaalam ng Dimasalang at ang sikat na "di ko akalain," hopia Tipas, bibingkang abnoy at nakakatawag sa akin ng pagkalutong-lutong na "tatanga-tanga," may the force be with you.

Mami-miss ka ng VivaJaynas, especially ng mangkukulam.

Who's next?

Binalibag Ni Choleng ng 6:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 07, 2007

Kung nag-leave lang ako ...
Narating at na-enjoy ko sana ang makapigil-hiningang view ng Sagada ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakapag-jacket kahit summer ...

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakatapak sa St. Mary's ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakapag-relax-relax sa retreat house ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Naka-jamming ang mga ataol ... (ngiiih!)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakapanguweba (di ko pa na-try to) ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakapag-rappel (di ko pa rin nararanasan to ) ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakapambulabog sa ulog (alam ko kapag ready to mate na ang natives, dito ginagawa ang "baby" nila ... ahehe ...)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakadalaw sa Bontoc Museum ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nakasalamuha ang mga katutubo ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

At higit sa lahat, kasama dapat ako dito ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ah basta! Next year, dapat kasama na ako.

Binalibag Ni Choleng ng 5:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com