BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, October 31, 2007
Ow-One ko sa yo!
"0-1!"
Subukan mong isigaw ito sa floor at garantisadong magtitinginan lahat sa Avaya.
0-1. Ibig sabihin "1 minute after ng duty." Hudyat ng pag-uwi at pagkalas sa mala-kadenang headset. Kalayaan.
Naging biruan ng sumigaw ng 0-1 kahit matagal pa ang logout. Test of alertness.
Yung iba sa gulat dahil napapatulog na o sobrang enganged sa "underground" activities (personal window po) o dahil sa kaatatang umuwi, napapa-log out ng wala sa oras. Mapa-logout man, balik agad sa phone ang nabiktima pero ibang klase ang nangyari sa isang biktimang itago na lang natin sa pangalang Rico.
Bandang 3:35, napansing nawawala si Rico. "Asan na si Rico?' tanong ng ka-shift nya. 4 PM pa ang out nya pero nakita raw lumabas, kasabay ng nga nag-out ng 3:00 PM.
Tinext ko: "Umuwi ka na?"
Sagot naman: "Yup, bakit?"
Hindi ko agad nasagot dahil nagwiwi ako pero tumawag ang mokong.
"Bakit?" confident na tanong.
"Anong schedule mo?"
Saglit na katahimikan.
"Paksyet! Akala ko 3:00 ang out ko ... bumalik kaya ako dyan?"
"Asan ka na na?"
"MRT."
Kinarir ang pag-uwi!
Yan ang hirap nang nasosobrahan sa letsugas.
Binalibag Ni Choleng ng 5:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, October 28, 2007
Piss the Chef
Recipe for the day:
Beef Labo-labo at siningang na tilapia.
Beef Labo-Labo? Ano yun?
Ito yung beef strips pero ang hiwa ng patatas, carrots at bell pepper eh pang-picadillo, mukhang menudo pero lasang kaldereta.
Yan ang nangyayari kapag walang koordinasyon ang cook at tagapamalengke.
Nasusulat na yan sa recipe book ni Rosario Cuenca.
Ysay, ikaw ba yan???
Binalibag Ni Choleng ng 5:33 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, October 27, 2007
Vote Wisely Ka Dyan!
Last day pala ng pangangampanya kaya tsura ng fiesta sa barangay namin. Kaliwa't-kanan ang banda ng musiko at drum and bugle.
Wala akong masabi. Tinalo pa ang nakaraang Senatorial elections sa ingay, init at KALAT!!!
Career!
Pati pamangkin kong walang kamuwang-muwang, tigas ng pangangampanya para sa Lolo nya. (lobo lang naman ang habol)
Sa ganitong pagkakataon na nagkakamukhaan, pihadong maiisantabi ang "vote wisely." Tiyak na mamamayagpag ang Kamag-anak Incorporated at lulutang ang "utang na loob" at "pakikisama."
Pinoy eh!
Binalibag Ni Choleng ng 8:00 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, October 25, 2007
Comparative Mode
Makati Skyline vs Makati Med
JG vs PSC
Hay, we are soooo back!
***********************************
Staring at Makati Med, hindi ko maubos-maisip kung bakit mahal sila maningil.
Picture speaks for itself.
Langya, parang eksena sa The Grudge.
Binalibag Ni Choleng ng 6:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, October 22, 2007
Gintong Aral
Ang cuticle remover, pang-alis ng cuticle ... hindi nail polish.
Sayang ang P10, Haydee.
Binalibag Ni Choleng ng 7:27 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, October 21, 2007
Model Wannabe
Okay na sana ang posing ng very much willing na talent ko.
Kaso litaw ang panty.
Sablay!
Binalibag Ni Choleng ng 7:21 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, October 20, 2007
After the blast
Kesehodang kabobomba pa lang ng G2, kasusunog ng G4 at naglisaw pa ang mga bumbero sa Park Square 2, gora pa rin kami ni old buddy Park sa Greenbelt para manood ng Stardust.
"Kung oras mo na, oras mo na," katwiran ni Park.
May takot din naman kaya Waltermart ang puntirya namin para malayo sa aksiyon kaso ikalawang linggo na ng movie kaya hindi na showing. G1 ang lagpak namin.
Greenbelt 1.
Worth the risk at paranoia ang Stardust. Maganda ang movie, light but entertaining. Hindi comedy pero nakakatawa. Super gorgeous si Michelle at todo kuwela si Robert de Niro at ang mga "slaughtered princes." Para sa isang star, tila hindi bagay ang tuyot na Claire Daines. Sana mas fresh looking ang kinuha nila. Yung todo radiant like Marimar. (Ngek!)
Not sure kung hanggang kailan pa showing sa sinehan ang Stardust pero kung hindi abutan, ano'ng ginagawa ng tyangge at walang kamatayang DVDs (ooops ... sorry, Chairman Edu.)
Pero iba pa rin ang wide screen.
Binalibag Ni Choleng ng 7:23 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, October 19, 2007
Mga Pagsabog
Bomba sa Glorietta
LPG daw mula sa bodega ng Luk Yuen ang sumabog. Tindi namang LPG yan at nakabutas ng bubong, nakapatay ng 8 katao at higit 100 ang nasugatan.
Maraming nag-text. Nangumusta at nagpasalamat nang malamang safe ako. Hilig ko kseng mag-mall at ruta ko pa naman ang G2.
Nakup! Nakakatakot na namang mag-mall, lie low muna.
Bomba sa Ysabella
Tila nasabugan ng bomba si Ysay nang malamang ang kakambal na si Albert at hindi si Andrew ang kaulayaw nya. Sa pagkaloka, nagtatakbo at nabundol ng sasakyan. Tila mamamatay pa yata.
Don't tell me may kakambal din si Ysay!
Jologs ko!
Binalibag Ni Choleng ng 8:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, October 18, 2007
PSC, we're back!!!
Subali't wala na ang dating ningning, taginting at dating ...
Binalibag Ni Choleng ng 8:27 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, October 10, 2007
Especially Pekyew
Buti na lang naimbento na ang phrase na "you know ..." Kung hindi, wala nang nasabi si Manny sa interview ng mga kano.
You know.
In fairness, wala siyang interpreter. Bawa't tanong, sagot.
Ang tanong, tama ba ang sagot?
Inisnab ni Manny ang heroes welcome na hinanda ni Mayor Lim.
Siyempre, pinabaklas mo ang Knockout sa Baywalk gusto mo matuwa sa yo.
Balugbugin ka nyan makita mo.
Binalibag Ni Choleng ng 4:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, October 08, 2007
Yehey! Magaling na si Nino!!!
Nadaan sa TLC, panalangin at konting moral support!
"Nino, labanan mo yan. Kumain ka ... kailangang lumaban ka ..."
Opo, isa syang Kangadog pero ganyan ko siyang kausapin.
Pang-Maala-Ala Mo Kaya.
Binalibag Ni Choleng ng 4:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, October 07, 2007
Usapang Borlog
Gawain ko nang matulog sa biyahe nang hindi lumalampas pero tila iba ang pagkakatapat-tapat ng mga bituin ngayong araw.
Sa lalim ng tulog ko, imbes na sa simbahan ng Pasig ako bumaba, sa palengke ng Pasig ako humantong dahil dun lang ako nagising. Hindi naman ako na-late sa trabaho pero sobrang hassle na maghintay ng sasakyan sa palengke. Bukod sa paglalakad sa mamasa-masa at maputik-putik na kalye, nakipagpalitan pa ako ng mukha sa mga namamalengke. Kung kelan pa naman puro ruffles ang blouse ko at pa-cleavage pa!
Talaga naman!
Gabi. Ipinahamak na naman ako ng pagkaantukin ko. 9:00 PM pa ang team building ng mga bisor sa Red Box kaya umuwi muna ako para magpahinga. Ang kaso, yung higa ko ng 6 PM, akalain nyong 12 MN na ako nagising. Ayun, hindi ako nakasama!
Ayos!
*****
Kadalasan kung ano'ng bawal, siyang masarap gawin. Gaya ng pagtulog.
Buti pa ang isang ito, madasalin.
Taimtim ... Teka ...
Ngeh! Tulog din pala ...
Hay naku! Isa lang ang hindi natulog today.
Si Barrera!
Ipiktib talaga ang midyas ng Pambansang Kamao. Panalo!
Binalibag Ni Choleng ng 7:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin