<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, December 30, 2007

Homily, Family and Epiphany
Ilang taon na ring kami ang choir sa lingguhang misa ni Father Nolan sa Megamall pero ngayon lang kami nilibre sa dinner ng masayahing pari.

PhotobucketSi Father Nolan ay Spiritual Director ng Theology Department sa San Carlos seminary at celebrator ng 6:30 mass sa Megamall kung saan kami ang choir.

Isang long table ang pina-reserve para sa amin sa Max's Megamall. Bandang gitna ng mesa ang inilaan namin para kay Father at sa dalawang kasamang sakristan pero sa kabisera siya pumuwesto, malapit sa akin, kaya kami ang nagka-chikahan.

Sa pagitan ng pagpangos ng manok, napag-usapan ang homily nya hinggil sa pagiging tila "uso" ng hiwalayan ng mag-asawa, na siguraduhin ng mga magulang na maipaliwanag ng maayos sa mga anak ang tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil kung hindi, iisipin ng mga anak na "okay lang" ang nangyari.

Dahil hiwalayan ang usapan, nakalkal na naman ang kuwento ko. Ayon kay Father, kailangan namin ng "closure." Ako na raw ang mag-initiate ng pagkikita namin para matapos na. Sabi pa ni Father, makaka-move on lang ako kung matututo akong magpatawad. Gusto kong sabihing "easy for you to say, Father, dahil hindi naman kayo ang ginago," pero sinarili ko na lang.

PhotobucketOn a lighter note, may trivia na binanggit sa amin si Father hinggil sa tatlong haring Mago. Hindi naman daw sa sabsaban dinalaw ng Three Kings si Jesus kundi sa bahay -- at 2 years old na raw si Jesus nun.

Huwaat? Anong ginagawa ng tatlong hari sa Belen kung ganun?

Kaloka!

Father, I extremely enjoyed our chat. Pag-iisipan ko ang "closure" at "forgiveness" na sinasabi nyo.

Siguro nga tama si Father. Sobrang tagal na, kailangang magkaalaman kung ano ang magiging reaction ko -- kung gusto ko ba siyang tarakan ng ice pick sakaling magkita kami.

Binalibag Ni Choleng ng 7:12 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, December 29, 2007

Metzry Christmas
Matagal ding hindi ako nakakasama sa choir dahil conflict ang schedule sa trabaho. Suwerte namang natapat ang Christmas Party sa wala akong pasok kaya nakasama ako sa gulo.

Kainan

Photobucket

Videoke Session

Photobucket

Exchange gift ...

Photobucket

... Ooops, di pala exchange gift ... The dreaded but much-awaited GIFT GRABBING!

Sa hindi familiar sa gift-grabbing, eto yun.

Step 1: Tumagay.

PhotobucketPhotobucket

Step 2: Tunggain. Bottom's up dapat!

Photobucket

Step 3: Magbukas ng gift.

Photobucket

Kung hindi trip, mang-agaw o dili kaya ay muling tumagay.

Hik!

Photobucket

Parlor games

Do You Love me?

PhotobucketPhotobucket

Yes, Phillip. We Love you!

Photobucket

Ayoko sa paa mo, may alipunga! (sige, Phillip. Kiss!)

Photobucket

Pray over ba yan, Ransel?

Photobucket

Bitin ang party pero kailangang tapusin dahil library lang naman ng St. Peter Parish ang venue namin. Nakakahiyang magpa-morning-an.

Emil and the rest of the organizers, salamat at hindi nyo ako nakalimutang imbitahin kahit MIA ako. Ikamamatay ko siguro kung hindi ako naging bahagi ng okasyon.

Philip, okay ang mga parlor games. Sana lang hindi nagba-backfire sa yo ang mga games.

Richard and Pao, thanks sa transpo. Kung wala kayo, mapapaaga ang Mahal na Araw ko dahil papasanin ko ang Karavision.

Boatman, thanks sa aluminum baunan. Buti na lang walang nag-grab at walang nakapansin na itinago ko!

Father Nick, thanks for the accommodation. Sa uulitin.

Metz, hope to spend more time with you. Wag sanang kumontra ang schedule ko.

Thank you. Thank you. Ang babait ninyo, Thank you!

Binalibag Ni Choleng ng 7:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, December 28, 2007

SSS
PhotobucketMahaba ang pila sa sinehan sa Market Market pero tiniyaga namin ng mga utol ko sa kagustuhang mapanood ang sequel sa iniyakan kong Kasal, Kasali, Kasalo.

Tipikal na Part 2, hindi kagandahan tulad ng Part 1. Walang gaanong emosyon na naantig sa akin, walang gaanong conflict at medyo mababaw ang plot pero dahil paborito ko si Ryan A, puwede na rin.

Kung magkaka-Part 3, parang nakakasawa na pero sa takbo ng istorya na tila pinaglilihian ni Angie si Bronson, tila magkakaroon. Mas may twist kapag ang anak nina Jed at Angie ay kamukha ni Bronson.

Angie + Jed = Bronson? Yan ang magandang abangan.

At least kung mana kay Bronson, hindi na magwawarla ang lola at sasabihing, “Bakit pinapalaki ninyong Bisaya ang apo ko?" (Ayaw ni Nene Pimentel ng ganyan!)

Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, December 25, 2007

Maligayang Pasko Po!
PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket

Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, December 24, 2007

Paskong Himig
Last minute Noche Buena shopping. Hangos ako sa Building A ng Megamall, nagmamadali para makahabol ng cake sa Red Ribbon.

Ano't nakita ko na may pagtatanghal pala ang mga choir sa lobby.

Photobucket

Una napatanga lang ako. Ilang sandali, may nabakanteng upuan, umupo ako at ayun, napasarap na ng panonood. (Goodbye, cake!)

Ang gagaling ng choir! Halos lahat ng kinanta nila, alam ko ... Joy to the World ... Angels We Have Heard On High ... Diwa ng Pasko ... Carol of the Bells ... Gloria ... African Noel ... We Wish You A Merry Christmas ...

Nalungkot tuloy ako dahil ngayong Pasko, hindi ako gaanong nakapag-choir gawa ng trabaho. Mahirap talagang magsilbi sa dalawang panginoon.

6 PM tapos ang show. Saka ko muling naalala ang tunay kong pakay. Ang cake!

Takbo ako sa sa Red Ribbon kaso, ubos na. Purnada ang cake.

Di bale, nabusog naman ang tenga ko. (tengahin ko muka ko!)

Binalibag Ni Choleng ng 8:02 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, December 21, 2007

Bamboozled
Oo na, palpak ang food. (Lamang tyan din naman!)

Photobucket

Oo na, makapanindig-balahibo ang CR ng FAT!

fat

Oo na magulo ang registration ... magulo ang program ... dami'ng hindi maganda pero napatawad ko lahat dahil so far, ito na ang THE BEST Christmas party na binigay ng PS gawa ng mga entertainers.

Bamboo, aangal ka pa?

PhotobucketPhotobucket

Dynamic performance ... awesome stage presence ... magnificent musicians!

Photobucket

Yummy band members!

PhotobucketPhotobucket

Kuwela at makukulit ... Hay, kasuwerteng mga security! (Ako na lang dyan!)

Photobucket

Okay din si master tanggero Chito Miranda!

Photobucket

... ang pa-tweetums ni Kyla, ang may kalaswaang hirit ng Kamikaze at panalong hataw ng Up Dharma Down ...

... higit sa lahat, kakaloka ang walang humpay na kodakan!

Photobucket
DR Peeps

Photobucket
Lovah-lovah

Angal pa ba ako? May Bamboo na eh. WALA!!!

Photobucket

Wala! Wala! Wala!

Photos courtesy of Park Quilling and Monkey Boy

Binalibag Ni Choleng ng 6:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, December 20, 2007

Jaundice
Nagpa-check up si Mudra dahil sa paninilaw ng kamay. Inisip naming baka pumalya ang atay dahil sa sandamakmak na gamot na iniinom pero awa naman ng Diyos, paglabas ng findings walang findings. (Wahaha!) Normal ang liver, not enlarged ... Suma total, wala'ng diprensyang nakita.

Ilang araw ding ikinaligalig ni Mudra ang kanyang kalagayan nya kaya ng malamang okay ang liver nya, hala, nagyayang kumain sa Chowking, the official meal provider of the senior citizen ... Yehey!

Photobucket
Tuwang-tuwa sa galak

Photobucket
Yes, nagpakuha pa sa Christmas tree!

Photobucket
Sipat-sipatin ba uli ang lab result?

So ano'ng sabi ng Doctor sa paninilaw ng kamay? Deadma lang daw.

Ganun??? Hindi naman kaya dahil sa adik siya sa papaya? (Papaya! ... Tso roo roo roo root ... Tso roo roo roo root ... )

Ewan!

Binalibag Ni Choleng ng 8:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, December 16, 2007

Bonj Voyage!
7 PM pa raw available ang mga Guerrero kaya napagpasyahang sa haybol muna nina Ed sa P. Tuazon simulan ang happening para mahaba-haba ang inuman ika nga.

Photobucket

Panalo si Ligaya, bitbit ang dambuhalang cassette at mahiwagang Karavision. Bongga ang kantahan!

Photobucket

Balak sanang huwag nang lumipat pa sa Galas dahil nagkakasarapan na ng kantahan kaso nakapaghanda na pala sina Maru at Pabo kaya lipat kami sa Guerrero's. (Takot lang namin kay Pabo!)

Photobucket

Bonj, salamat at pag-uukol mo ng panahon (at treat) sa amin. Bili ka na ng Karavision para makangawa ka dyan sa SG.

Pabo and Maru, salamat sa accommodation. Feels like home tuwing pumupunta kme dyan.

Ed, finally nakarating din ako sa condo nyo. Next time, haba-habaan natin ang kantahan.

Ligaya, kahanga-hanga ang effort sa pagbitbit ng sound system. Next time wag kalimutan ang RC, ha!

Photobucket

KOC, hanggang sa muling pagkikita. Happy ako at kahit papaano, nagkita tayo this Christmas season. Sana sa susunod kumpleto tayo.

Merry Christmas, y'all!

Binalibag Ni Choleng ng 5:56 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, December 15, 2007

Giveaways
Walang pinagkaiba ang taunang Christmas party ng Kuyog. Punong-puno ng kainan, tawanan, kulitan at laitan.

Highlight ng party ang exchange gift at giveways. Naku, taon-taon talagang pinaghihirapan at pinag-iisipang mabuti ang giveaway dahil kapag maraming naging kapareho, maba-ban (o dili kaya'y malalait!).

Through the years, ilang items na ang na-ban. Ipinagbawal ang mug, bimpo, keychain at last year, coin purse naman. Meron din namang best giveaway kung saan ang mahiwagang kubyertos ni Jojo ang nanalo noong isang taon. Bling-bling ni Theck ang panalo this year,

Best giveaway

Photobucket

Ano ang banned this year?

Ito:

Photobucket

Hala, ano kaya ang banned sa susunod na taon?

Binalibag Ni Choleng ng 5:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com