BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN AT SAMUT-SARING TRAIN OF THOUGHT
Sunday, December 30, 2007
Homily, Family and Epiphany
Ilang taon na ring kami ang choir sa lingguhang misa ni Father Nolan sa Megamall pero ngayon lang kami nilibre sa dinner ng masayahing pari.
Si Father Nolan ay Spiritual Director ng Theology Department sa San Carlos seminary at celebrator ng 6:30 mass sa Megamall kung saan kami ang choir.
Isang long table ang pina-reserve para sa amin sa Max's Megamall. Bandang gitna ng mesa ang inilaan namin para kay Father at sa dalawang kasamang sakristan pero sa kabisera siya pumuwesto, malapit sa akin, kaya kami ang nagka-chikahan.
Sa pagitan ng pagpangos ng manok, napag-usapan ang homily nya hinggil sa pagiging tila "uso" ng hiwalayan ng mag-asawa, na siguraduhin ng mga magulang na maipaliwanag ng maayos sa mga anak ang tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil kung hindi, iisipin ng mga anak na "okay lang" ang nangyari.
Dahil hiwalayan ang usapan, nakalkal na naman ang kuwento ko. Ayon kay Father, kailangan namin ng "closure." Ako na raw ang mag-initiate ng pagkikita namin para matapos na. Sabi pa ni Father, makaka-move on lang ako kung matututo akong magpatawad. Gusto kong sabihing "easy for you to say, Father, dahil hindi naman kayo ang ginago," pero sinarili ko na lang.
On a lighter note, may trivia na binanggit sa amin si Father hinggil sa tatlong haring Mago. Hindi naman daw sa sabsaban dinalaw ng Three Kings si Jesus kundi sa bahay -- at 2 years old na raw si Jesus nun.
Huwaat? Anong ginagawa ng tatlong hari sa Belen kung ganun?
Kaloka!
Father, I extremely enjoyed our chat. Pag-iisipan ko ang "closure" at "forgiveness" na sinasabi nyo.
Siguro nga tama si Father. Sobrang tagal na, kailangang magkaalaman kung ano ang magiging reaction ko -- kung gusto ko ba siyang tarakan ng ice pick sakaling magkita kami.
Binalibag Ni Choleng ng 7:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, December 29, 2007
Metzry Christmas
Matagal ding hindi ako nakakasama sa choir dahil conflict ang schedule sa trabaho. Suwerte namang natapat ang Christmas Party sa wala akong pasok kaya nakasama ako sa gulo.
Kainan

Videoke Session

Exchange gift ...

... Ooops, di pala exchange gift ... The dreaded but much-awaited GIFT GRABBING!
Sa hindi familiar sa gift-grabbing, eto yun.
Step 1: Tumagay.


Step 2: Tunggain. Bottom's up dapat!

Step 3: Magbukas ng gift.

Kung hindi trip, mang-agaw o dili kaya ay muling tumagay.
Hik!

Parlor games
Do You Love me?


Yes, Phillip. We Love you!

Ayoko sa paa mo, may alipunga! (sige, Phillip. Kiss!)

Pray over ba yan, Ransel?

Bitin ang party pero kailangang tapusin dahil library lang naman ng St. Peter Parish ang venue namin. Nakakahiyang magpa-morning-an.
Emil and the rest of the organizers, salamat at hindi nyo ako nakalimutang imbitahin kahit MIA ako. Ikamamatay ko siguro kung hindi ako naging bahagi ng okasyon.
Philip, okay ang mga parlor games. Sana lang hindi nagba-backfire sa yo ang mga games.
Richard and Pao, thanks sa transpo. Kung wala kayo, mapapaaga ang Mahal na Araw ko dahil papasanin ko ang Karavision.
Boatman, thanks sa aluminum baunan. Buti na lang walang nag-grab at walang nakapansin na itinago ko!
Father Nick, thanks for the accommodation. Sa uulitin.
Metz, hope to spend more time with you. Wag sanang kumontra ang schedule ko.
Thank you. Thank you. Ang babait ninyo, Thank you!
Binalibag Ni Choleng ng 7:10 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, December 28, 2007
SSS
Mahaba ang pila sa sinehan sa Market Market pero tiniyaga namin ng mga utol ko sa kagustuhang mapanood ang sequel sa iniyakan kong Kasal, Kasali, Kasalo.
Tipikal na Part 2, hindi kagandahan tulad ng Part 1. Walang gaanong emosyon na naantig sa akin, walang gaanong conflict at medyo mababaw ang plot pero dahil paborito ko si Ryan A, puwede na rin.
Kung magkaka-Part 3, parang nakakasawa na pero sa takbo ng istorya na tila pinaglilihian ni Angie si Bronson, tila magkakaroon. Mas may twist kapag ang anak nina Jed at Angie ay kamukha ni Bronson.
Angie + Jed = Bronson? Yan ang magandang abangan.
At least kung mana kay Bronson, hindi na magwawarla ang lola at sasabihing, “Bakit pinapalaki ninyong Bisaya ang apo ko?" (Ayaw ni Nene Pimentel ng ganyan!)
Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, December 24, 2007
Paskong Himig
Last minute Noche Buena shopping. Hangos ako sa Building A ng Megamall, nagmamadali para makahabol ng cake sa Red Ribbon.
Ano't nakita ko na may pagtatanghal pala ang mga choir sa lobby.

Una napatanga lang ako. Ilang sandali, may nabakanteng upuan, umupo ako at ayun, napasarap na ng panonood. (Goodbye, cake!)
Ang gagaling ng choir! Halos lahat ng kinanta nila, alam ko ... Joy to the World ... Angels We Have Heard On High ... Diwa ng Pasko ... Carol of the Bells ... Gloria ... African Noel ... We Wish You A Merry Christmas ...
Nalungkot tuloy ako dahil ngayong Pasko, hindi ako gaanong nakapag-choir gawa ng trabaho. Mahirap talagang magsilbi sa dalawang panginoon.
6 PM tapos ang show. Saka ko muling naalala ang tunay kong pakay. Ang cake!
Takbo ako sa sa Red Ribbon kaso, ubos na. Purnada ang cake.
Di bale, nabusog naman ang tenga ko. (tengahin ko muka ko!)
Binalibag Ni Choleng ng 8:02 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, December 20, 2007
Jaundice
Nagpa-check up si Mudra dahil sa paninilaw ng kamay. Inisip naming baka pumalya ang atay dahil sa sandamakmak na gamot na iniinom pero awa naman ng Diyos, paglabas ng findings walang findings. (Wahaha!) Normal ang liver, not enlarged ... Suma total, wala'ng diprensyang nakita.
Ilang araw ding ikinaligalig ni Mudra ang kanyang kalagayan nya kaya ng malamang okay ang liver nya, hala, nagyayang kumain sa Chowking, the official meal provider of the senior citizen ... Yehey!

Tuwang-tuwa sa galak

Yes, nagpakuha pa sa Christmas tree!

Sipat-sipatin ba uli ang lab result?
So ano'ng sabi ng Doctor sa paninilaw ng kamay? Deadma lang daw.
Ganun??? Hindi naman kaya dahil sa adik siya sa papaya? (Papaya! ... Tso roo roo roo root ... Tso roo roo roo root ... )
Ewan!
Binalibag Ni Choleng ng 8:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, December 16, 2007
Bonj Voyage!
7 PM pa raw available ang mga Guerrero kaya napagpasyahang sa haybol muna nina Ed sa P. Tuazon simulan ang happening para mahaba-haba ang inuman ika nga.

Panalo si Ligaya, bitbit ang dambuhalang cassette at mahiwagang Karavision. Bongga ang kantahan!

Balak sanang huwag nang lumipat pa sa Galas dahil nagkakasarapan na ng kantahan kaso nakapaghanda na pala sina Maru at Pabo kaya lipat kami sa Guerrero's. (Takot lang namin kay Pabo!)

Bonj, salamat at pag-uukol mo ng panahon (at treat) sa amin. Bili ka na ng Karavision para makangawa ka dyan sa SG.
Pabo and Maru, salamat sa accommodation. Feels like home tuwing pumupunta kme dyan.
Ed, finally nakarating din ako sa condo nyo. Next time, haba-habaan natin ang kantahan.
Ligaya, kahanga-hanga ang effort sa pagbitbit ng sound system. Next time wag kalimutan ang RC, ha!

KOC, hanggang sa muling pagkikita. Happy ako at kahit papaano, nagkita tayo this Christmas season. Sana sa susunod kumpleto tayo.
Merry Christmas, y'all!
Binalibag Ni Choleng ng 5:56 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, December 15, 2007
Giveaways
Walang pinagkaiba ang taunang Christmas party ng Kuyog. Punong-puno ng kainan, tawanan, kulitan at laitan.
Highlight ng party ang exchange gift at giveways. Naku, taon-taon talagang pinaghihirapan at pinag-iisipang mabuti ang giveaway dahil kapag maraming naging kapareho, maba-ban (o dili kaya'y malalait!).
Through the years, ilang items na ang na-ban. Ipinagbawal ang mug, bimpo, keychain at last year, coin purse naman. Meron din namang best giveaway kung saan ang mahiwagang kubyertos ni Jojo ang nanalo noong isang taon. Bling-bling ni Theck ang panalo this year,
Best giveaway

Ano ang banned this year?
Ito:

Hala, ano kaya ang banned sa susunod na taon?
Binalibag Ni Choleng ng 5:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, December 14, 2007
Istokwa
Sige lang, magpaalam kayo. Ayos lang naman basta ikaliligaya nyo.
Pakatandaan lamang.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, kung matinik ay malalim.
Ang lumalakad ng mabilis ay nadadapa.
Binalibag Ni Choleng ng 5:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, December 13, 2007
Balls ... we have it!
Siguro kung may Best Christmas Decor, panalo na kami!

Mapapa-taena ka sa ganda!

Panalo ang design! Simple pero sosyal!

Isa na namang obra ni The Hell.
Sana bakla rin ako.
Binalibag Ni Choleng ng 7:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, December 11, 2007
Zip it!
Namputsang buhay to. Nawasak na nga ang zipper ng slacks ko, may bonus pang "unfortunate events."
Lunch time, lumabas ako ng office para bumili ng pants dahil ilang oras na kayang sisilip-silip ang puson ko at nagbabadyang umalagwa sa sirang zipper. Mall sana ang puntirya ko o Paseo Center kaso traffic, mainit at good luck naman sa akin kung makabalik ako agad eh Christmas rush.
Sa ukay-ukay malapit sa Tropical Hut ako pumunta. Ikot. Tingin. Ikot. Sinisipat ko ang isang slacks nang lumapit sa akin ang isang babae at nagtanong kung may size yung hawak-hawak na damit. Taka ako. Bakit kaya ako tinanong nito? Nilibot ko ang paningin ko. Langya! Puro pala nakaitim na shirt ang sales ladies tulad ko.
At napagkamalan pa akong sales lady!
Dali-dali akong lumabas ng ukay ukay. Mahirap na, baka muling mapagkamalan. Bumalik ako ng opisina at nagtapi na lang ng kumot.
After shift, dumiretso na ako ng SM Makati para mag-Christmas shopping at bumili na rin ng pants. Nakabili naman ako pero napagpasyahan kong ipagpatuloy ang pamimili at pag-uwi na lang isuot ang pants para makatipid ng oras. Nakaraos naman ako ng pamimili na shopping bags ang siyang pangtakip sa puson ko.
Pauwi, dumaan ako ng CR. Ilang hakbang papasok, narinig ko sa nakasalubong kong lalake:
"Yung babae bukas ang zipper."
Oo na!! Magpapalit na nga eh nakita pa.
Buset!
Binalibag Ni Choleng ng 5:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, December 10, 2007
Mula sa lupain ng Merlion
Salamat sa kapatid na Bonj, muling nagkasama-sama ang alyansang KOC-COF at muling nasayaran ng mamahaling pizza ang kumakalam naming sikmura.
F4 waiting for the VIPs
a
Dramatic entrance (Ligaya, buksan mo ang pinto!)

Ang sarap ng pansit luglog! (Huy, Charlie Chan pasta yan, Choleng!)


Bangka as ever si SG. Bonj, walang ganyan sa SG.

From Gerber to YC. Ollie's first solid meal after the accident. Hinay-hinay, Ollie. Baka mabaklas ang bakod mo.

Hay, iba talaga ang tropang KOC-COF. Bihira mang magkita-kita pero kapag muling nagsama, parang hindi pinaghiwalay ng panahon. Kayo na ang halos labing-isang taon nang magkakabarkada!
Bonj, salamat sa treat at salamat na rin sa pagsamsam sa tropa. Hopefully muli tayong magkita bago ka umalis.
Ed, panalo ka talagang coordinator. Dahil dyan, planuhin na ang susunod na kitakits.
Binalibag Ni Choleng ng 5:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, December 09, 2007
SUPTUKan na lang tayo!
3 PM ang out ko pero may SUPTOK ng 8 PM kaya marami-raming oras akong kailangang patayin. 5 PM lumabas muna ako ng office, nag-Christmas shopping till 7 PM tapos balik sa office para sa SUPTOK till 10 PM. Hindi pa dun nagtapos ang lahat, may Red Box hanggang 12 midnight. Nakarating ng house ng 1 AM, tulog ng 1:30 gising ulit ng 3:30 AM para sa 6 AM na duty.
Bangenge.
'Wag kayong loloko-loko, bigla na lang akong mananakmal!
Binalibag Ni Choleng ng 5:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, December 06, 2007
Gate crashers
Tila wala sa panahon pero napapanahon.
Company Christmas Party ng kapatid ko sa SMX, Mall of Asia. Laking gulat nila sa kinalabasan ng ilang larawan sa digicam:
Picture 1:

Promise, wala raw mga bata sa party!
Picture 2:

At sino naman yung serbidora sa likuran?
Picture 3:

Hindi kaya long lost boyfriend nya ito?
Sabi ng Dad ko, super-imposed daw yung picture sa huling dalawang larawan pero sa panahong uso na ang digicam, tila imposibleng mangyari at papaano maipapaliwanag ang mga orbs sa unang larawan?
Ah ewan. Basta tumayo ang balahibo ko nang makita ko ang mga larawan.
Binalibag Ni Choleng ng 5:41 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, December 04, 2007
Pizza Delivery
Pizza ang naisipan naming meryenda. Pa-deliver na lang daw sa Don Vicente's Pizza, sabi ng bayaw kong katu-katulong sa pagkakabit ng linoleum.
Ang Don Vicente's ang pinakabonggang pizzeria sa Sta. Ana, kapit-barrio namin.
Tumawag naman ako.
"Dun Visinti's Pitsa, gud apternun!"
Sabi ko pa-deliver ako. Ano raw name ko. "Gigi," sabi ko. Address daw. "Colonel M. Estacio Street," sabi ko.
Dumating naman ang delivery after 10 minutes.
Naloka kami sa delivery receipt:

Jeje?
Kernel M. Estacio?
Sure, why not.
Binalibag Ni Choleng ng 11:31 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, December 01, 2007
Heto na naman ang masayang panahon ...
General cleaning ... palit ng kurtina ... linis ng sandamakmak na electric fan ... assemble ng Christmas Tree at Belen ...


Masakit sa likod, masakit sa katawan, nakakapagod pero pag task complete, sulit silang pagmasdan ... (buti na lang may Flanax!)


Binalibag Ni Choleng ng 5:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin