BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, February 29, 2008
Leap Year, Amnesia Atbp.
Kasabihang kapag leap year ay babae na ang nanliligaw, nagpo-propose at maraming lalakeng napipikot.
Pikot ang tawag sa sapilitang pagpapakasal ng lalake sa isang babae o mas kilala sa tawag na "shotgun wedding."
Ang masasabi ko lang sa mga lalakeng diumano eh napikot sila -- neknek n'yo!
The mere fact na pumatol si lalake sa nanuksong babae, walang pilitang nangyari. Hirap sa ibang lalake, matakaw sa "laman!" Titikim tapos kapag nabulilyaso, sasabihin pinikot sila.
Ewan ko sa inyo!
Tindi ng amnesia ng Pinoy!
Parang kailan lang nung Edsa 2 lang eh "Erap resign" ang sigaw ng masa at naluklok nga si Tita Glo, akalain mong ngayon eh kasama na siya sa interfaith rally, mabangong-mabango sa tao, at rubbing elbows pa with Edsa 1 star Tita Cory.
Sala sa init, sala sa lamig. Kahit naman sinong nasa puwesto, hindi naman perpekto.
"Marcos resign!"
"Cory! Cory!"
"Erap resign!"
"Patalsikin si Gloria ..."
Ewan ko sa inyo!
Binalibag Ni Choleng ng 4:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, February 28, 2008
Siya kaya?
17 lang pero kahanga-hanga. Kinabog ang ibang contestants. Wala pang kinantang sablay.
Pero bakit repertoire nya "And I Am Telling You?"
Hmm ... hmm ..
Mrs. Dex Archuleta, isa kaya siyang Davina?
Binalibag Ni Choleng ng 4:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, February 24, 2008
Si Boy Dura
Marami namang bakante sa bukana ng bus pero puro aisle. Ayoko sa aisle dahil may phobia na ako sa pag-upo dito, nakonyatan na ako dati.
Nakarating ako sa ikalawang hanay mula sa hulihan sa paghahanap ng bakanteng hindi aisle. Wala rin naman akong nakita, no choice, naupo ako sa bakanteng upuan. Aisle din!
"Pfoo!"
Napatingin ako sa katapat kong mama. Tama ba yung nakita ko na dumura siya? Tumingin ako sa sahig ng bus. Namputsa, dumura nga! Dumura sa aircon bus ang gago.
Ang baboy!
Akala ko huli na yun pero muling tumikhim ang mama.
"Pfoo!"
Langya, ni wala pang kape ang sikmura ko, dura agad ang nakikita ko. Tiningnan ko ng matalim si Dura. Deadma, muli siyang nag-ehem.
"Pfoo!"
Kahit umaarangkada ang bus, tumayo ako at lumipat ng ibang upuan. Di bale nang nagmamantika at maitim ang batok ng mamang katabi ko, wala namang plema.
Yuck! Isang karimarimarim at kasulasulasok na umaga!
Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, February 23, 2008
A.T.L.
Meet our new ATL ...
Never a dull moment ...
Productive ...
Masayahin. Pagmulat ng mata, nakangiti agad.
No wonder 100% lagi ang eval. Di ba, Det?
Our new ATL (Ay, Tulog Lagi!)
Binalibag Ni Choleng ng 8:14 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, February 22, 2008
Happy birthday, Ama!
Clockwise: Birthday boy with his new bling-bling (Dude!); Family Strike
at SM Bowling Center; Fiesta at Barrio Fiesta; Si Girlie, ang taya;
Cabusora's and Vince-Cruz's; Seafood feast, tribu style
Binalibag Ni Choleng ng 7:09 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, February 18, 2008
Kami na ulit
Binabawi ko na ang sinabi ko.
Hindi naman pala lahat ng cool off, nauuwi sa breakup. Meron din naman palang nauuntog at nagigising sa katotohan.
Yes, matapos bulabugin ang aming mundo; matapos ng kutakutakot na drama, roller coaster na emosyon at madalas na pagpapalit ng schedule na tila lang nagpapalit ng salawal, nagbalik ang Spacecom.
Markkkk??
Guwarrk!!!
Binalibag Ni Choleng ng 6:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, February 15, 2008
Wata-what?
What a big upset!
Asang-asa ako at kampante sa panalo ng mga "Filipino boys" sa Amazing Race Asia dahil mantakin nyo naman, sa history ng buong Amazing Race (orig or Asia), sina Marc at Rovilson na yata ang may pinakaraming leg na napanalunan.
Marc and Rovilson dominated 67% of the race
Nang dahil sa watawat (na mahirap na task talaga kung hindi ka matandain), mula sa kanilang palagiang pamamayagpag, naungusan pa sila ng antipatikang mga Malaysians at lumagapak sa ikatlong puwesto. 'Pag ganyan naman ang task (ayusin in chronological order ang flags ng mga country na napuntahan nila), it's pays to have a nerd in the team, tulad ng mga Singaporeans.
AR Asia 2 players
Oh, well. Third is better than bokya tulad ng nangyari sa Filipina participants last year. Job well done naman ang mga boys. Hindi lang sila basta lumaban, ipinakita nila na puwedeng singitan ng laro ang laro. Very entertaining!
Sa Season 3, sana singgaling at sing-yummy din nila!
Slurpees
Pero sayang talaga!!! Sana si Marc na lang ang nag-road block!
Binalibag Ni Choleng ng 8:39 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, February 14, 2008
Multi-colored Valentine's Day ... A Repost
Unang inilathala: Balentayms 2006
Katuwaan lang, gumawa ng color coding si Leo (of LeonKing Fame) para sa Valentine's Day. (Mahilig talaga siya sa multi-colored na bagay lalong-lalo na kapag cherry balls.)
Ang usapan huwag ipagsabi sa iba para kung anumang color ang suot nila sa Araw ng mga Puso ay may kahulugan.
Eto yung color coding:
RED para sa happy na ang lovelife, happy pa rin ang sex life
GREEN para sa walang lovelife pero may sex life
BLACK para sa walang lovelife at nalulungkot sa hubad na katotohanan
VIOLET para sa may mga lovelife nga pero battered naman
BLUE para sa naghahanap ng lovelife
WHITE para sa mga walang lovelife pero masaya naman
YELLOW para sa may lovelife nga pero hindi tinitigasan
Valentine's Day na ngayon. Ano'ng kulay ang suot nyo? Ako white.
May angal?
Binalibag Ni Choleng ng 6:13 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, February 13, 2008
AI Seven
Mabuti naman at binago ang mechanics ng Hollywood audition.
Bukod sa inalis na ang nakapa-unfair na group performances, binigyan pa ng pagkakataon ang mga contestants na humawak ng instruments at ang pinakamaganda, yung mga tsugi sa unang round, may second and third round pa para makabawi.
Aba, sapat na ang two rounds para makabawi at maipakita ng isang performer kung ano'ng meron siya. Kung magaling talaga, hindi kailangan ng maraming round para kuminang.
Nagtataka lang ako kung bakit may mga pinalulusot silang hindi kagalingan at may sinisipang magaling naman. Well, hindi nga pala singing contest ang AI kundi charm contest with good singing voice as bonus.
'Pag American Idol, hindi nawawalan ng dugong Pinoy. Season 3, nakalusot sina Camille Velasco na sa palagay ko ay mas magaling pa sa naging Top 3 na si Jasmine Trias. Season 5, nakapasok sa Top 24 si Jose 'Sway' Penala pero sablay agad, ganun din si AJ Tabaldo sa Season 6.
This year, nakakarimarim man ang audition ng kabayang Renaldo Lopez, ibinangon naman ni Ramiele Malubay ang bandila ng Pilipinas.
Malubey!!!
(Uy, si Simon may crush!)
Binalibag Ni Choleng ng 5:16 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, February 11, 2008
Z.T.E.
Z - obra na!
T - ama na!
E - wan ko sa inyo!
Huwaaat??? Yung kapatid ni Jun Lozada, VP namin dati sa Pocketbell. VCIL, sassy as ever!
Binalibag Ni Choleng ng 5:44 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, February 10, 2008
Happy Birthday, Ella and Theck!
Ang birthday dinner na di ko napuntahan ...
Kailangan nakabalandra ang pangalan, Ella?
Dahil nakatulog ako ...
Kuyog @ Trinoma
Sensiya na, Kuyog. Hirap maging salagubang!
Binalibag Ni Choleng ng 5:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, February 09, 2008
Breakthrough Performers
Most Improved Supervisor for 2007 ...
... and longest OIC in the history of PS.
Salamat sa recognition at salamat sa mga bumoto!
Kudos also to the following:
Best Performance by a Duo
Best Solo Performer
Congratulations to all of us!
Binalibag Ni Choleng ng 5:07 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, February 03, 2008
Mga Ahas!
Share ko lang yung sulat na pinaikot ng kapatid ko sa email:
Yesterday, February 3, 2008 at around 1:00PM, our family store was ransacked by our 2 stay-in houseboys getting away with a huge amount of money (approx 100k). This may be a terrible thing to start the year but then we are still thankful that no one among my family was hurt.
The case has been filed in Taguig Police Station and warrant of arrest will be issued in a few weeks.
I would like to seek your assistance just in case, by luck or by chance, you know the person whose picture appears below.
His name is Ryan Dag-uman, hometown is in Brgy Hinapo, Tomas Oppus Southern Leyte. The other culprit is Ruel Esaga but we unfortunately were not able to retrieve any picture when we searched their room adjacent to our house.
If by chance you or your friends know these scoundrels, please inform me so that we can pursue the culprits.
Thank you very much and God bless always
************
Nang mabasa ko ang text ng kapatid ko na nilooban ang tindahan namin, naiyak ako.
Nakakasama ng loob kase binigyan mo na nga ng trabaho, pabahay, pakain ... hindi mo na itinuring na iba tapos ganito pa ang kapalit.
Mga ahas!
Alam ko suntok sa buwan ang paghahabla namin. Siguro nasa Leyte na ang dalawa, nagpapasasa sa pinaghirapan ng mga magulang ko. Sakali mang hindi sila madakip pa, meron namang Diyos na sisingil sa kanila.
Mga ahas!
Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin