<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, June 26, 2009

Hihi to Huhu

1958-2009

Kung kailan nagbabalak bumangon at saka pa napahiga ng walang bangunan.

Paalam, MJ. Malaking kawalan bagama't malaki na ang naging kontribusyon mo sa industriya.

Sana nakabangon ka man lamang bago nalugmok. Sana ...

Binalibag Ni Choleng ng 9:47 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 25, 2009

HAPPY BIRTHDAY, MOM!!!

Binalibag Ni Choleng ng 9:47 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 20, 2009

Bata-batuta
Natiyempuhan ko na naman ang batang ginagawang playground ang jeep ng tatay nya.


Photobucket

Hanapin n'yo ang bata.

Binalibag Ni Choleng ng 9:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, June 15, 2009

Swined
Masagwa mang pakinggan pero isang A(H1N1) lang pala ang makakatalo sa sex video scandal nina Dr. Hayden Kho At Katrina.

Tsk, tsk, tsk. Matapos ng babuyan, isa na namang babuyan. Ano ba tayo, Babuyan Islands?


***

Oratio Imperata for Swine Flu

God, Our loving Father we come to you in our need to ask your protection against the Swine flu that has claimed the lives of many in Mexico and has affected many more not only there but in other countries as well.

We ask for your grace for the people tasked with studying the nature and cause of this disease and of stemming the tide of its transmission. Guide the hands and minds of medical experts that they may minister to the sick with competence and compassion, and of those in government and private agencies that must find cure and solution to this disease.

We pray for those afflicted, may they all be restored to health soon.

Grant us the grace always to be filled with hope that you watch over us with love and providence and that your will for us is always good.

We make our prayer through our Lord Jesus Christ your son, who lives and reigns with you and the Holy Spirit, one God forever and ever. Amen

Binalibag Ni Choleng ng 9:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 14, 2009

Dakilang Dramatista
"Puro na lang kayo Mother's Day!" pabirong dabog ni Ama isang linggo bago mag-Father's Day. "Puro na lang Mother's Day, pagdating ng Father's Day, wala na," patuloy n'yang hinampo.

Father's Day ...


Photobucket

Photobucket

Ayan, Dad. Siguro naman hindi na kayo magda-drama. (Tatay man, madrama rin ...)

HAPPY FATHER'S DAY!!!

Binalibag Ni Choleng ng 9:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 13, 2009

Dabar!
Tama ang sabi ni Clio. Masarap nga ang The Bar at hindi lang siya sa Sprite masarap, pineapple juice the best din! Sobrang sarap, ginawa kong softdrinks. Ayun, after 3 tall glasses, plakda. Hanep, walang panama ang sleeping pills!

Paggising ko, masakit ang ulo at t'yan ... takbo sa CR, gumawa ako ng lugaw!

Sabi ng drink moderately eh. Eeeew!

Binalibag Ni Choleng ng 9:41 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 12, 2009

Hotshots over Flowers

Unang bulusok ng Meteor Garden, hindi ko talaga pinanood kahit baliw na baliw ang sambayanan dahil sa tingin ko, napaka-shallow ng series at nababagay lang sa mga jologs. Second time around, pinanood ko na dahil wala akong trabaho noon, daming oras manood ng TV at nagayuma na rin ako ng kabarumbaduhan ni Dao Ming Si aka Jerry Yan.

Ang paghanga'ng yan kay Dao ang siyang dahilan kaya makalipas ang ilang taon, muli kong sinubaybayan ang isang tsinovela -- Hot Shots.

Ay, walang kakupas-kupas si Young Master (yes, yun na lang yata talaga ang role ni Jerry Yan, ang maging 'young master') Ganun pa rin ang mga asta, yung nakikipag-usap ng di nakatingin sa kausap, yung nakakiling ang ulo, mga paanggulong tingin at papoging lakad at fabulous outfits, and'yan pa rin. Hay, mabuti na lang at tapos na ang Hot Shot, matatapos na ang kahibangan ko at kabakyaan but wait ... there's more!

Enter Boys Over Flowers. Hay, kung bakit naman inilipat pa ng time slot, ayan naispatan ko tuloy si Jun Pyo.

Photobucket

Patay tayo d'yan!

... almost peradise ... achimboda deo nunbusin ... ambot sa imo!

Binalibag Ni Choleng ng 9:39 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 11, 2009

Bistekupo of the Week
"Call me if you are bored," sabi ng isang customer sa akin.

‘Yoko nga, nose bleed.

*****

Inalok kong i-transfer ang customer sa technical support, 'wag na raw. Katwiran nya: "My husband just died and I want to try everything on my own."

Sobrang cheesy!

Binalibag Ni Choleng ng 9:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, June 08, 2009

Angels & Demons: Libro vs. Pelikula


Not worth the wait.

Ewan ko ba, 'yung excitement, kaba, pananabik at kung anu-ano pang emosyon na naramdaman ko habang binabasa ang Angels & Demons, wala sa movie version.

Siguro dahil pagod ako at nakatulugan ko lang ang ilan sa mga eksena, mas makulay at mas detalyado ang paglalahad sa libro o dahil nadismaya ako dahil maraming binago at inalis na bahagi.

2002 ko pa nabasa ang libro pero ito ang mga napansin kong pagkakaiba sa movie version:

1. Major ommission. Hindi binanggit sa pelikula na tunay na ama ng camerlengo ang Pope, na 'nabuo' siya mula sa labis na pagmamahalan nina Father at Mother -- pero no touch, test tube baby lang. (iniisip ko tuloy kung pano nakapagbigay ng sperm si Father ... ayoko ng isipin!) Para tuloy naging mababaw ang rason ng camerlengo na kaya n'ya ipinapatay ang Pope dahil sa pagiging bukas ng isip nito sa siyensiya.

2. Tatay ni Vittoria ang dinukitan ng eyeball para maka-access sa CERN at ipuslit ang antimatter pero sa pelikula, partner lang n'ya at Silvano ang pangalan, hindi Leonardo.

3. Sa tuktok ng St. Peter's sinunog ng camerlengo ang sarili n'ya at hindi maeskandalo'ng nagtititili gaya ng sa pelikula.

4. Si Mortati ang naging pope at hindi si Cardinal Baggia 'kse namatay din s'ya sa libro.

5. Ni hindi binanggit sa movie ang romantic involvement nina nina Robert at Vittoria.

6. Pinalabas na nauna ang Da Vinci Code sa Angels & Demons na siyang kabaligtaran.

Teka nga, lagi namang nagiging condensed at may iniiiba sa movie version, bakit pa ako angal nang angal?

Binalibag Ni Choleng ng 12:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 07, 2009

Aso'ng Ngumingiyaw
Palabas na ako ng Mercury Drug, narinig ko'ng sinabi ng isang papasok na guy sa guard:

"Boss, can I left my things here? ..."

Biglang pumailanlang sa utak ko ang kanta ng Banyuhay ni Heber:

... Mayrong isang aso, daig pa ang ulol ... siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol ... katulad ng iba, painglis-inglis pa ... na kung pakikinggan, mali-mali naman ... Wag na lang ...

Ba't naman k'se ini-English pa ang Gardenia, hindi naman carry.

Tagalugin na lang k'se!

Binalibag Ni Choleng ng 11:39 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 06, 2009

Ang handa ni Felle
Sobrang sarap ng handa, eto ang epekto:

Model's name withheld upon request.

Happy birthday, Felle!

Binalibag Ni Choleng ng 9:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 05, 2009

Bistekupo of the Week
Totoo pala na may sulat na 'kahig-manok.' Nangkupo, matutulungan mo kaya ang customer kung ganito ang sulat?

Usap na lang tayo, 'Nay.

Binalibag Ni Choleng ng 11:11 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, June 03, 2009

Dyogabells
Dati na akong nakakakita ng ina'ng nagpapa-breastfeed sa jeep pero kakaiba ang ina'ng ito at sobra akong naabala.

Sukat ba namang magpasuso ng baby n'ya for all the world to see? Wala namang masama'ng kandiliin ang anak pero nakabuyangyang ang papaya n'ya ... este, dibdib at 'di man lang tinakpan ng panyo o bimpo man lang tulad ng ginagawa ng karamihan.

Dahil walang takip, tuwing hihinto ang baby sa 'pagtoma' at saglit na bibitiw sa 'tsupon,' ayun, instant breast exposure. Bale ba eh sexy si mother, di kagandahan pero maputi, makinis at maganda ang hugis ng melon ... este, boobs.

Enjoy na enjoy siguro ang mga kasakay kong barako.

Fiesta!

Binalibag Ni Choleng ng 11:26 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com