BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, February 26, 2010
AI Naku!!!
Minsan hindi ko maintindihan ang mga judge ng American Idol.
Hindi baguhin ang rendition, tatawagin kang copy cat … you’re trying to sound like the original .. karaoke. Kapag naman nag-attempt na ibahin, verge of stupid.
Sobra akong na-impress sa rendition ni Todrick Hall ng Since You’ve Been Gone ni Kelly Clarkson. From pop rock to R&B to the point na makikilala mo lang ang kanta pagdating sa chorus, inakala kong hahanga ang mga judges dahil naging orihinal at creative sya pero laking gulat ko nang laitin siya. Ganun din ang ginawa kay Jermaine Sellers.
Bagama't hindi pa tapos ang renovation ng kusina at lahat ng gamit ay nasa terrace pa, nairaos pa rin ang ang tradition at naiselebra ng birthday ng Daddy sa Megamall.
Mini salo-salo sa make-shift kusina
Meryenda-all-you-can at Dad's bago mag-bowling
Nakakalungkot na tuwing may okasyon lang kami kumpleto pero ganun talaga ang buhay. Savorthe moment na lang.
A. Venue Hall ang rampa ko on a Saturday evening bilang pagsuporta sa pambato ng APS na si Js Calpito sa Contact Center Icons 2010 (saka takot ko lang kay Chie). Planong full force sana ang mga Idols dahil balak mag-sing along pagkatapos ng contest, pero sa kasamaang-palad, kami lang ni Jomar (ODB) ang nakarating. Hindi naman ako nagsisisi sa pagpunta dahil sobrang nag-enjoy ako sa panonood.
Michael Jackson ang theme ng patimpalak na nahati sa dalawang kategorya -- song at dance. Suwerteng naabutan namin ang number ni Jas kaya nakapalakpak, sigaw at wagayway pa ng lobo pero sawing-palad namang hindi napanood ang ibang kalahok.
Mula sa hindi ko matandaan na bilang ng representative mula sa iba't-ibang call centers, pumili ng finalists at di na ako nagulat na kasama si Jas k'se angat talaga ang boses. Hindi ko man narinig kumanta lahat sa unang round, sapol naman ang performance ng lahat ng finalists.
Base sa kalibre ng mga boses, sabi ko kung hindi first, second si Jas. Ilang beses na rin akong nakapaghurado sa mga singing contests kaya medyo may pulso na ako sa larangan. Bagama't maganda ang areglo at rendition ni Jas ng I Just Can't Stop Loving You, may kabilisan ang tempo ng kaya hindi gaanong nakapaghagod ng kanta. Suwabe at malinis naman ang Gone Too Soon ng taga-CPMJ (Michael yata pangalan ... grabe, na-move ako sa kantan n'ya).
Nang lumabas ang resulta, laking gulat ko nang mag-champion ang inaasahan kong 3rd place but then again, talaga namang ganyan sa mga contests. Judges lagi ang nasusunod at hindi ako judge para umepal kaya tanggapin ko na lang ang resulta.
Marcus of GenPact
Anyway, para maging ikatlo mula sa sandamakmak na kalaban ay isa nang napakalaking karangalan. Tanong ko nga sa sarili ko: kung sakaling may ganito pang patimpalak sa isang taon at ako ang ipadala, makasungkit din kaya ako ng premyo? Makakayanan ko ba ang pressure?
Ay, huwag munang isipin ang bagay na wala namang katiyakan. Basta, isang bonggang-bonggang congratulations sa yo, Jas. Para sa akin, ikaw ang winner(cliche?)
Araw ng mga Puso at kung karamihan ay mga mahal sa buhay ang kasama, basura, abubot at alikabok ang ka-date ko. Pagagandahin k'se ang kusina, pipinturahan at lalagyan ng tiles kaya naman sa terrace muna kami magkukusina habang isinasagawa ang renovation.
Kusinang inabandona
Kusina sa Terasa
Salamat sa katas ng Idol at tulong-pinansiyal ng Bistek sa mga na-Ondoy, natuloy din ang matagal na naming binabalak na pagpapaganda ng kusina. Medyo hassle lang pero talagang ganun. Tiis-ganda wika nga.
Matapos kong masugid na subaybayan ang regional auditions at Hollywood week, sila ang bet kong pumasok sa Top 2o ng AI Season 9. Walang babae? Wala akong napansing may uumph, hindi ko sila feel.
Clockwise: Tyler Grady, Alex Lambert, Andrew Garcia and the oh-lala Casey James
Unang public appearance ng Idols Top 3 after SMX, global launch ng Happy World*.
Originally, pinaghanda kami nina Chie and Anz ng tig-isang inspirational song tapos ipinaaral ang mala-Batibot na Happy World song. Walang problema sa tig-isang kanta, ang mabigat yung Batibot. Kinausap namin si Gab para damayan kami ... este, tugtugan pero may available naman palang study tape at Minus One(mastered in London, huh!) kaya absuwelto ang mokong sa pagkanta ng Theme Song.
Ilang oras bago magsimula ang launch sa PSC lobby, sinabihan kaming hindi na kakanta ng inspirational song bagkus yung Happy World Song na lang at saka Taking Chances (ayaw ni Manong Rajiv, baka nga naman makalimutan ang tunay na dahilan ng okasyon kung mag-mini-concert kami)
Ha ... ha ... talagang walang kawala sa Batibot.
Okay naman ang performance kahit na share-a-mic k'me (iisa lang ang microphone, kumusta naman). Tingin ko pa nga, mas maganda ang rendition namin ng Taking Chances ditokumpara sa SMX pero ang nakakatuwa yung Happy World Song. Dahil kulang sa practice at talaga namang tamad na tamad naming aralin, natapos yung kanta ng di namin nalalaman. Ang saya-saya!
Sobrang napantastikuhan ako sa performance ni Pink sa Grammy Awards.
Nakakabilib ... napaka-artistic at markado talaga! Sa sobrang galing nga, nakalimutan ko na 'yung production number ni Beyonce. Panis!
Pa'no ba namang hindi ka hahanga sa babaeng ito -- kahit nakatiwarik, pinaikot-ikot, nilublob sa tubig at ipinagwasiwasan na, pareho pa rin ang quality ng voice.