BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, April 27, 2010
Nose Bleed
Kasasampa ko pa lang ng jeep at pumupuwesto pa lang ng upo nang walang anu-ano ay nag-landing ang siko ng lalakeng katabi ko sa ilong ko.
'Pag nga naman sinusuwerte ka!
"Aray ko," angal ko sabay sapo sa balangusan. Pakiramdam ko ay napigtal ang ilong ko sa mukha sa sobrang sakit.
"Sorry, sorry ..." sabi ng lalake na sa tantiya ko ay sa call center din nagtarabaho. Long hair ang gago, naka-loose shirt at maong pants, malaking tao at matipuno ang katawan na tila nagdyi-gym. Kaya naman pala parang tinamaan ng palo-palo ang balangusan ko.
Hindi ko nagawang magalit dahil aksidente naman. 'Di na lang ako umimik bagkus kinuha ang panyo sa bag ko, idinampi sa butas ng ilong para tingnan kung nagdugo. Salamat sa Diyos at hindi.
Tumalikod ang lalake at ipinagpatuloy ang nabalam na pagkalkal sa hindi ko malamang parte ng damit n'ya ... tila may dinudukot sa bulsa o may inaayos sa tapat ng noches n'ya ... ay! hindi ko alam. Basta ang likot-likot n'ya!
Mamang long hair, medyo ingat-ingat lang ang kilos. Ang laki mong tao para maglilikot sa jeep. Kung anuman yang kinakalkal mo, ayusin bago umalis ng bahay ng hindi makasunganga ng katabi.
Buset!!!
Binalibag Ni Choleng ng 5:41 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, April 18, 2010
Frankie!!!
Hay naku, Chihuahua ang gusto ko, bakit askal na naman ang bago naming alaga?
Binalibag Ni Choleng ng 5:44 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, April 15, 2010
Deployed!
My new chamber
Hindi pa nagkasya si Akon na ako ang tagamasid ng Bistek mula sa Command Center, ipinagpilitan pa talaga'ng malipat ako sa floor, kapiling ng Ops.
Hindi naman nila ako masyadong gusto ano?
Heto ako ngayon, maganda nga at flat screen ang monitors at hindi na 'box' ang gamit pero doble stress naman dahil dinig at ramdam ko ang bawa't daing at reaksiyon ng mga ahente sa nakahihilo at animo-regodong pagpapalit-palit ng skills nila. May mga panahon ding kahit hindi na saklaw ng gawain ko ay nagagawa ko na rin dahil ako ang laging nakabalagbag.
Hay, miss ko ang katiwasayan ng home base pero wala akong magagawa. Trabaho lang, walang personalan.
No Akon, no bacon.
Binalibag Ni Choleng ng 5:43 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin