<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, August 30, 2010

Liwaliwan ... Palawan!

Locations: Dangkalan Beach Resort, Iwahig Penal Farm, Crocodile Farm, Little Tagaytay (Mitra Ranch), Disneyland (Baker's Hill), Sabang, Taraw Restaurant, Ka Lui, Underground River, Honda Bay, Snake Island, Pambato Island and Pandan Island

Highlights:

  • Papuntang Palawan, muntik nang mag-backout si Mudra dahil biglang sinamaan ng pakiramdam. Parang masusuka na ewan. Kabahan ba?
  • Natalsikan ng tubig-alat ang tatatlong buwan kong E52. Na-corrode ang board. Ayos!
  • Bumili ng condom si Mudra, pangtakip sa namamaga'ng kuko gawa ng ingrown. Kaya nyo yun?
  • Oo nga't umalis kami ng Palawan ahead of ETD pero na-delay naman ang pag-land sa Manila dahil sa sobrang lakas ng ulan. 20 minuto kaming nagpaikot-ikot sa ere. Kabadong-kabado ako k'se ganyang-ganyan yung nangyari sa Aircrash Investigation. Magla-landing na lang, nag-crash pa dahil sa pagtambay sa ere. Later on, inamin ng Dad ko na kinabahan daw siya. Bagama't ilang taon na siyang nagbibiyahe, ngayon lang siya nakaranas ng ganito.

Anyway, all's well that ends well. Ngayong natikman na nina Mudra at Pudra ang magbiyahe, sama na raw sila palagi. Bora naman daw.

Ayan eh!

Binalibag Ni Choleng ng 5:13 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, August 23, 2010

Isang Malaking Dagok kay PNoy at sa mga Pinoy

Wala na ba talaga tayong karapatang bumangon? Talaga bang hanggang upo na lang tayo at kamalas-malasan, baka mauwi na sa paggapang?

Hindi pa nga nag-iinit ang puwet ni PNoy sa upuan, heto at problema na kaagad at sangkot pa ang mga banyaga.



Hindi na nga tayo makaahon-ahon sa sandamakmak na utang, heto at gastos na naman. Hindi naman sa ako'y umaangal pero natural, gagastos tayo sa pagpapagamot, pagpapabalik sa sariling bansa, pagpapalibing ng mga namayapa at pag-iimbestiga sa naging kaganapan. Bukod pa diyan, sira na naman ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo.

Malamang sa malamang, kasalanan ng isa, iindahin ng buong bansa. Nawa'y maging bukas ng isip ng madla.

Binalibag Ni Choleng ng 5:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, August 18, 2010

Bagong Baby
Matapos ang ilang galong dugo, pawis at luha at pagtutulong-tulong ng pamilya, heto na si Baby Ghelay:

BG being blessed by Fr. Bong, Girlie's classmate

Post-blessing pose

Ayos, binyagan na. Pwede nang irampa!!!

Binalibag Ni Choleng ng 5:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com