BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, September 27, 2011
Kapit-tuko!
Yabang-yabang ko pa’ng binuksan ang payong paglabas ng opisina. Sabi ko sa sarili ko, heavy duty yata ang payong ko kaya kayang-kaya nito ang malakas na hangin pero nawala ang kumpiyansa ko nang nasa center island na ako ng Ayala. Sobrang lakas pala ng hangin! Yung halos liparin na ako … ‘tong lusog kong to!!! Sapilitan kong sinara ang payong ko pero effort at nang finally eh maisara ko na eh bali-bali na ang tadyang ng pinakamamahal kong payong.
Akala ko hindi na ako makakatawid sa sobrang lakas ng hangin pero naglakas-loob akong tumawid dahil sobrang nabubugbog na ako ng malakas na hangin at katawa-tawa ang hitsura kong tila tuko na nakakapit sa stop light. Mukha akong buruka nang makapasok sa RCBC pero medyo na-relieve na rin dahil nakatakas ako sa malakas na hangin pero saglit lang ang relief ko dahil nakita kong sa HV de la Costa entrance/exit ay may bumubugang kulay-abong usok na sinabayan pa ng tunog ng tila papa-take off na eroplano. Take-off??? Natigilan ako sabay namutla. Oh My God,may magka-crash yatang eroplano! Pero marami kaming nakatayo at tila natutulala sa lakas ng hangin pero di naman nagpa-panic ang iba so inisip ko na lang na baka may ibang pinanggagalingan ang usok.
Ilang beses akong nag-attempt lumabas ng RCBC pero pakiramdam ko liliparin lang ako. Mga 15 minutes pa siguro bago ako nagkalakas ng loob na lumabas dahil tila humina ang hangin. Nagmamadali akong sumakay ng FX paputang Bagong Ilog saka ko napansin na dito lang sa bahagi'ng ito ng Makati malakas ang hangin. Along Buendia eh normal lang.
Walang kaabog-abog, nag-intro ang "Il Signore" kaya biglang upo ang ibang Metz, naiwang nakatayo ang trio.
Kanta siConradng first part habang nagki-keyboard, bongga taga-hawak ng mike siChua Ken Tekaka Jayem; kanta naman ako ng second part, pasok siEmil. Bandang gitna, nawalan ng audio ang keyboard pero kanta pa rin ... sige kanta ... puro boses lang namin ang umalingawngaw sa apat na sulok ng chapel. 3/4 ng kanta, naisaksak na ang nahugot na kable kaya biglang nagka-accompaniment pero parang walang nangyari ... kanta lang ... kanta ... huh? si Jayem ... pinagpatuloy na ang part ni Mr. C ... naglalakad na kumanta pabalik sa puwesto namin ni Emil. "Il Signore" the concert version. 'Yan ang Metanoia Choir, mga trooper talaga. Love it!!!
Para sa hindi nakakaalam, eto yung original ng kantang "pinaglaruan" namin. Sorry po, di namin sinasadya. Kasalanan ng parukyano ... hehehe ...
Nadagdagan man ang edad, bilbil, waistline at karanasan, isa lang ang hindi nabago. Kami pa rin ang makukulit na Journ '88.
L-R: Lea, Verni, Che, Joanne, Me and Riza
Nakakalungkot malaman na nanatili palang in-touch ang lahat ng ka-batch ko (7 lang kami sa klase, honorary Journ si Lea)to the point na inaanak nila ang kanilang mga anak-anak samantalang ako ay tila bulang nawala sa sirkulasyon. Sadya bang naging abala ako sa landas kong tinahak kung kaya't nakalimutan ko na ang nakaraan? Anuman ang dahilan, masaya ako at muli nila akong natagpuan ... salamat sa FB at kay Katarina Sy, ang sex symbol ng grupo.
Sige, Katarina. Kain lang!
Ngayong muli kaming nagkita-kita, sisiguraduhin kong hindi na muling malagot ang lubid ng komunikasyon. Ngayon ko naramdaman na masarap palang makipag-usap sa mga kauri, yung katulad mo ang lengguwahe.
The pozzocola sisters with Inang
Lea, salamat sa iyo pati na rin kay Inang para sa pag-sponsor sa reunion. Dahil matagal akong nawala, ako naman ang susunod na host.