<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, February 19, 2005

“LET SLEEPING DOGS LIE…”
Sabi ng caller ko ‘to sa X29. Muntik ko ng matanong, “Sir, are you a dog?”

Binalibag Ni Choleng ng 12:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, February 14, 2005

Better alone than badly accompanied
First Valentine ko na biyuda pero wala rin namang difference. Last year, buhay pa ang namayapa kong asawa pero wala ring kaso k’se mas trip ng damuho na tumambay sa kalye kasama ang mga barkada. Funny, I may be alone now but I don’t feel any depression or sadness at all. If you have a partner but is insignificant, di bale na lang mag-isa, mas masaya pa! Isang malaking tsek kay Candace Bushnell where I got the title of this entry.

Binalibag Ni Choleng ng 5:55 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, February 13, 2005

Pahiramin nyo nga ng ballpen 'to!
Okay na sana dahil nabola ko na ang customer na ito, ibibigay ko na lang ang customer service department number in case he has additional questions or concerns about D--, tama ba namang paghintayin ako para "bumili" ng ballpen sa tindahan??? Valiuuuum!!!

Binalibag Ni Choleng ng 12:34 AM at 3 Nagdilim ang Paningin


I Hate JG!!!
Sunday na naman at nahirapan na naman akong maghagilap ng Ayala bus sa Guadalupe at nung may magdaan, susme, sabit ako sa entrance ng estribo. Naku, mula ng malipat ang DR sa JG, hirap na hirap na ako! Alam ko matagal pa ang mahal na araw pero kalbaryo na kaagad! Hirap ka na nga sa pag-akyat mo sa overpass, tapos tinubuan ka na ng lumot sa EDSA, wala pa ring nagdadaang Ayala bus! Hay, talaga, I hate JG. What? Oo, I hate JG. Isa pa, I hate JG! Dodonyahin ako nung nasa Export Bank pa. Isang sakay lang from Guadalupe, ang baba ko sa tapat na ng Export...sa halagang P6.50! Ngayon, abot na ang dila ko sa kalye dahil sa pagod pag-akyat sa overpass, makikipagpalitan ka pa ng mukha sa mga pasahero ng "tae" bus. Ano kamo ang "tae" bus? Oo, na Love. Ito yung Marikina transit, isang ordinary bus na syang bukod-tanging liner na masigasig na dumadaan sa Ayala ng ganoong kaaga. Hay, wish ko lang talaga mag-shift bid na dahil pangarap kong maging office girl ule, maisuot ang mga "doktora" attires ko at makasakay ng FX na maghahatid sa akin sa Ayala at hindi yung araw-araw na lang ay naninimbang ako sa dilapidated na hagdan ng Guadalupe at sinasamyo ang aroma ng mga kasakay kong dehin goli! Ngaaarssssh!!!

Binalibag Ni Choleng ng 12:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, February 12, 2005

Buhay Tindera
Share ko lang sa inyo ang mga experiences ko sa pagtitinda. Sana mataas pa rin ang pagtingin nyo sa akin after reading this...

****************
Crazy marketing, bata ang sumagot...

Bata: H-h-hello?...

Jayna: Hello! Is your mom there?

Bata: My mom's not here...

Jayna: Okay, we'll be calling again. Please put down the phone down!

Ano daw?

*****************

Bata ulet...mga pasaway eh!

Jayna: What product would you like to order today?

Bata: G-String? Chocolate...

Jayna: (Poised pa rin) What product will you be ordering?

Bata: Do you know Usher???

Jayna: Y-yyyes...

Nahalata yata ng bata na di ako sure sa "yes" ko...

Bata: Is he a singer or a basketball player?

Jayna: I'm sorry but it's not my job to answer questions like that. Are you going to order or not?

Galit? Defensive kse di ko kilala si Usher that time!!!

*****************

Pakyeme pa raw ang customer, ayaw ibigay ang home phone number pero nung bandang huli sabi ng hunghang na kano...

"Nice voice, Jayna...You have my number...call me!"

Asus!!!

*****************

Bigay-todo ang Jayna sa pambobola sa customer kaso walang CC. Banat pa rin...

Jayna: As soon as you have borrowed a card from either a family member or a close friend, please call us back, okay?

Kano: Hey, Jayna, can I ask you a question? (biglang naging bedroom voice)

Jayna: Yes, Sir? (pa-tweetums pa...baka sakaling mag-sign up...)

Kano: What is the color of your underwear?

Obscene caller pala...classmate ni Bob BJ!!! Bwiseeeeet!!!

************************

Eto ang ultimate experience. Crazy Marketing ule...

Kano: Jayna, are you married?

Jayna: Yes, Sir...

Kano: Then go home and f--k your husband and stop calling me!!!

Ay, galit!

sa susunod na yung iba! PROMISE!!!

Binalibag Ni Choleng ng 12:41 AM at 2 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, February 09, 2005

Hay, nagkaBLOG din!
Don't be misled. Ang blog na ito ay hindi tungkol sa kalaswaan kundi tungkol sa akin, sa mga taong nakapaligid sa akin, mga pang-araw-araw kong gawain at kabalahuraan pati na yung mga kuning-kuning sa trabaho. (Pero may kalaswaan din paminsan-minsan…hehehe) Sino naman si Choleng? FYI, wala akong connection kay Chona Mae and I've no intention of stealing the limelight from her kse isa na syang institution (idol!!!). Choleng lang ang tawag sa akin ng mga friends, associates and delegates ko k’se hilig kong maglinis, mag-ayos dahil ayoko ng marumi, ayoko ng putik… gets? Ayoko sanang gumawa ng blog kse tulad nga sabi ko "I don't want to publicize my life" eh kaso pag wala ka palang blog, di ka makaka-comment sa blog ng may blog so heto na. Panalo ba sa titulo??? Thanks to Love for giving me the idea...I love it! O sya, sa susunod na lang ang iba. Dayoff ko na bukas...it's Choleng time!!!

Binalibag Ni Choleng ng 1:29 AM at 2 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com