<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, November 20, 2005

Ano ba yan???
Maraming nati-TV Patrol na nasagasaan ng kotse, nabangga ng truck, nakaladkad ng tren, natuhog ng bakal matapos tumilapon sa motorcyle, (Gross!!! Sensya na, epekto ito ng kapapanood ng Happy Tree Friends!) pero nakarinig na ba kayo ng nasagasaan ng side car?

BABAE NASAGASAAN NG SIDE CAR!

Ang sagwa! Lalo na kung ang babae pala ay AKO!

Namputsa k'seng mga mama yun, walang patumanggang itinulak ang side car nila eh may kargada tapos patalabis yung kalye (dun sa bandang Trace College, malapit sa jeepney terminal ng Guadalupe-LRT) kaya dire-diretso ang side car, direct hit ang aantok-antok na si Choleng. Ay, nagising ang natutulog kong diwa, napatalon ako sabay sigaw ng, "Teka lang!"

Whew! Buti na lang last millimeter of a second eh nakaiwas ako ... kung hindi, kalunos-lunos at kahiya-hiya ang kalagayan ko.

Wala na akong mukhang ihaharap sa tao... susubelle na lang!

Binalibag Ni Choleng ng 9:36 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 06, 2005

Sex Toy Ka Dyan!
Maryosep, na-penetrate na ng kampon ni Bin Laden ang hotline!

"Thank you for calling, may I have the operator code of the product you are calling to order?"

Silence.

"Hello?"

Silence pa rin.

Ibababa ko na sana ang telepono, may nagsalita in Arabic accent, "I do not have an operator code ... "

"What product would you like to order today?"

"Do you sell sex toys?"

"No, Sir! We do not sell sex toys." (Galit na)

"I want sex toys! This is Ahmad Akbar (ito ang dinig ko) I am a terrorist..."

"Sir, we have a caller ID, I'm going give your number to my supervisor!"

"Go ahead... I want sex toys!"

(Galit na!) "Sir, I'll put down the phone now. We're wasting time." BAGAG!

Namputsa. Certified OCM na ako ... Obscene Caller Magnet!

Binalibag Ni Choleng ng 11:59 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, November 01, 2005

Ungal Baka
Familiar ba kayo sa phrase na ito? UNGAL BAKA ... isang figure of speech na kalimitang ginagamit sa pagsasalarawan ng isang taong bigay todo ang iyak … yun bang parang namatayan … o nawalan ng cellphone!

Hindi ko akalaing mag-ungal baka ako, unang araw pa naman ng buwan at Araw pa ng mga Patay pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ang TANGA-TANGA KO!

Bakit kasi sasaglit lang naman ako sa sementeryo eh nagdala pa ako ng cellphone?

Bakit naman sa dinami-dami ng bulsa ng 6-pocket ko'ng suot courtesy of Jane Tabuzo collection eh sa pinakamababaw na bulsa ko pa inilagay?

Bakit hindi ko man lang tiningnan ang upuan ng jeep na sinakyan ko bago ako bumaba?

Bakit kasi 1:00 p.m. ang shift ko for that day imbes na 6:00 a.m.?

Ang daming bakit at sana pero tulad nga ng sabi ng aking ina, nakatakda talagang mangyari ang lahat kaya tanggapin ko na lang ng maluwag ang lahat.

ANO PA NGA BANG MAGAGAWA KO???

Sa isang banda, hindi naman gaanong kamahalan ang Ericsson T610 pero kumpara sa 3210 at 8210 eh bongga na rin. Besides, ito ang unang pinundar ko matapos makatakas sa impiyerno. Tsk, tsk, tsk ... ibebenta ko pa naman sana (nai-post na nga sa Bidshot, wala ng alang pumatos dahil namahalan yata sa turing ko) kumita pa sana ako ng P4,000-6,000!

Ang talagang nakakahinayang eh ang SIM na gamit ko mula pa year 2000! Paano na ang circle of friends ko through the years? Pano na ang mga memorable texts, cute na pictures ng mga pamangkin ko at ang mga hubad na larawan ng kalalakihan na naka-save dun? (Biro lang!)

Oh, well. Nalampasan ko nga ang isang matinding unos, ito pa kaya! Mickey Mouse lang to!

P.S.

8210 ang gamit ko ngayon pero bakit ba? Basta may talk and text, tuloy ang ligaya!

Binalibag Ni Choleng ng 8:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com