<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, January 30, 2006

Tsk!
Nakakaaliw yung babaeng katabi ko sa FX. Pagkaarangkadang-arangkada ng sasakyan, inilabas na ang rosaryo. Mula Pamayanang Diego Silang hanggang C5, tangan nya ang rosaryo, bubulong-bulong.

Sa kasamaang palad, barubal ang driver. Brake happy ba. Konting bagay, brake. Brake dito, brake dun. Ayun, ang babaeng nagrorosaryo, sa pagitan ng pagbulong eh may salit na palatak.

Bulong. Palatak. Side comment, "Ano ba naman tong driver na toh!" Bulong. Palatak. Susme, nakaka-concentrate pa kaya siya?

Unang bumaba ang babae sa 6750. Kung natapos nya ang rosaryo, hindi ko alam.

Ang alam ko masungit siya. Magrosaryo ka ba naman sa pampublikong sasakyan, gusto mo mapayapa?

P.S.

Sa hindi nakakaalam kung ano ang palatak, ito yung word na TSK! na kalimitang nakikita sa dialogue area sa komiks. Kamag-anak ng ULK at ARGH. Walang eksaktong translation sa English, pero ayon kay Webster, palatak means to make a clicking sound with the tongue to express interest or concern. Okay na?

Binalibag Ni Choleng ng 12:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, January 23, 2006

Lupang Hinarang
Whew! Akala ko hindi mananalo si Manny Pekyew!

Pano ba naman Lupang Hinirang pa lang hinarang na ng singer. Limang beses nag-"flat" at ang ultimate "flat" eh yung last note. Bad omen!

Isang historical event ang Morales-Pacquiao fight kaya marapat lamang na premyado at de kalidad ang kumanta ng Pambansang Awit. Ang Mexico nga, Grammy-awardee pa tapos yung sa atin pinulot lang kung saan. Ang dami namang magagaling na Pinoy singer (meron di namang naka-base sa Nevada). Ewan ko sa inyo!

Anyway, si Pacquiao din naman daw ang pumili ng kakanta. Malay natin yun ang lucky charm kaya nanaig ang kanyang kamao.

Mabuhay ka, Manny at para sa 'yo, Ms. Bautista ... maglinis ka ng TENGA!!!

P.S.

Mahal ko na si Eric Morales ... que guapo!

Binalibag Ni Choleng ng 11:41 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, January 17, 2006

Ayan na naman sya o ...
01.14.05

A year ago, naikuwento ko ang tungkol sa Pinocchio stuffed toy at isang manikang natagpuan ko sa garden namin, both with my names written on it. (See May 6, 2005 entry entitled Pang-CSI itoh!)

Hindi na nasundan ang ikalawang manika kaya nakalimutan ko na ang tungkol dito pero ngayong umaga lang, muling nabuhay ang misteryo. Isang manika na naman ang nakita ko sa garden at this time, mas nakaka-bother at mas nakakapanindig-balahibo.

Walang paa at kamay ang manika, putikan at nakabulislis ang blouse (See photos). Sa dibdib ng manika, nakasulat ang "Gigi" (palayaw ko).

Nakakaloka talaga! Sino naman kayang sira-ulo ang gagawa nito. Tama! Sira-ulo siya dahil walang taong nasa tamang katinuan ang gagawa ng ganito!

Malaman ko lang kung sino siya, puputulan ko talaga siya!!!

Exhibit A & B

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

Binalibag Ni Choleng ng 2:26 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ano nga kaya?
01.12.05

Napanood nyo na ba ang King Kong? Nakita nyo ba kung paano ipinagwasiwasan at ipinagbalibagan ni King Kong yung bidang babae? Susme, talo pa ang lahat ng rides sa Enchanted Kingdom. Imagine, Anchors Away, Flying Fiesta, Wheel of Fate at Space Shutte combined. Hindi kaya masuka-suka ka na nun?

Sana hindi nila pinatay si King Kong kse pagkakakitaan din eh. Sa'n ka pa, ride all you can sa murang halaga. (Di ba ang galing!)

Ganda sana ng pangalan ... Enchanted King Kong!

Binalibag Ni Choleng ng 2:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


The Rings

01.06.06

A day before our wedding nang bilhin ang singsing. Madalian ang preparation dahil gusto naming itapat ang kasal sa birthday ng Nanay (May 7). Naalala ko pa, para kaming mga batang kinikilig-kilig nang naghahanap ng singsing. (Mas higit ang kilig ko kse tagal ko yatang pinangarap na magsuot ng wedding ring) Nagtatalo pa kami nun k'se gusto ko silver, gusto nya gold. Ang silver daw para sa mga adik-adik (eh sino kaya ang addict?)

Nauwi kami sa gold wedding ring na may silver sa gitna. Compromise.

AAAhhhh ... hanggang ala-ala na lang ang lahat. Wala na ang mga singsing. Nasaan? Binenta ko kanina lang. Buti na lang isang pair ang nasa akin (Bago ko siya nilayasan, hinubad at ibinigay sa akin ng gunggong ang ring nya. Ang tanga! Hindi n'ya alam, pera ang pinakawalan n'ya!) Wala nang dahilan pa para ingatan ko ang mga bagay na nakakapagpaalala ng aking katangahan. 2006 na. Linisin ang dapat linisin.

Meron akong P3,600+ sa wallet. Ano kayang mabili?

Binalibag Ni Choleng ng 1:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Isang Pagbabalik Tanaw

01.02.06

Kaybilis ng panahon. Parang kailan lang 2005 lang, ngayon 2006 na. Ano nga bang mga makabuluhang bagay (at mga walang kuwentang bagay na rin) ang nangyari sa nagdaang taon?

Isa-isahin natin.

1. Salamat sa Metanoia, na-discover ko ang natatago kong talent sa bowling. Kahit papaano, nabahiran ng "sports" ang buhay ko.

2. Matapos ang walang humpay na Movers Program ng DR, finally, napako na rin sa PS Center. Ganunpaman, kakambal na yata ng account na ito ang "movement" kaya napirmi nga ang account, hindi ang mga reps. Ilang linggong hihimpil ang newbies sa DR para magsanay (at mag-internet cafe) tapos ibabalibag sa ibang account.

Note: Bandang September, biglang naging "call center" ang dating "internet cafe" na DR sa pagpasok ng sandamakmak na resellers. (Salamat sa Lead Gen!) Pansamantalang natigil ang regodon ng reps bagkus nangailangan pa.

3. Salamat sa kaepalan ni Binay, ginawang sentro ng aklasan at Gloria Resign Movement ang Ayala corner Paseo de Roxas. Parusa sa working girls, guys and gays.

4. Nakarating ako sa halos dulo ng Pilipinas nang maimbitahan ang Metanoia sa Camiguin, Babuyan Islands.

5. Tumaas na naman ang pamasahe. All time high P2.00 para sa jeep, FX naman from P25.00 naging P30.00.

6. Salamat sa pag-uso ng "rewind" muli kong napanood at napanood hanggang dulo ang Meteor Garden (eh bakit ba, ayoko'ng manood ng cd eh!)

7. Meron akong "stalker" na hanggang ngayon ay nagpapadala pa rin ng manikang walang paa at kamay.

8. May bagong Pope na mula sa Germany. Kahawig daw ni Palpatine.

9. Naghigpit nang dumating si Soxy Topacio. Bawal ang cellphone, bawal ang bag. Clean Desk Policy ... 2 bagay lang ang puwedeng dalhin sa floor. Nag-The Voice si Choleng, ayun, nahabag. Puwede na raw ipasok ang kikay kit at baon. Yung sandwich may palamang cellphone ... ha ha ha!

10. 3 IJAFs, 3 "thank you" letters. Balanse!

11. Dahil sa katangahan, nawala ang cellphone ko nung November 1. A week after, bumili ako ng 6610i pero two weeks later, nanalo naman ako ng 7260 sa DR raffle. Sa'n ka pa? (Simula naman nang manalo ako sa raffle, sunod-sunod ang suwerte. Kahit mini-raffle ng Lovester, wagi pa rin ako! Salamat sa spa, Don.)

12. Mula sa isang reliable source, nalaman kong nakulong ang nasira kong asawa. Illegal possession of drugs daw. Sa kasamaang palad, nakalaya ang hunghang matapos ang tatlong buwan. Napawalang-bisa ang kaso, na-frame up lang daw. Nun ko na-realize ko kung gaano pa rin katindi ang poot ko sa kanya.

13. Isa sa tatlong goals ko ang natupad, ang maging Mighty Moi awardee. Tumataginting na 10 kiyaw kaso dumaan lang sa kamay ko dahil nai-pledge ko kay mudra na iko-contribute ko sa beautification ng aming kusina.

14. Ipinakilala ang My Prime bago matapos ang taon. Wow, paperless PTO! It's about time dahil masyado na tayong atrasado.

15. Ang pinakamakabuluhang bagay na ginawa ko sa taong ito (sa aking palagay): sinimulan ko ang blog na ito. Simpleng skin nung una, pinaganda ni Kenny (Salamat sa yo! Special thanks din kay Madam Etchos para sa mumunting pagkutingting) Nung una puwede kang mag-post kahit kelan mo gusto pero sobrang sumikat ang blogger.com na-access denied tuloy. Mabuti na lang, puwede kang mag-post through email kaya tuloy-tuloy lang ang pagmomonologo ni Choleng sa 2006!

Binalibag Ni Choleng ng 1:13 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Namputsa!!!

12.30.05

Oo na, maganda ang fireworks!

Oo na, masarap ang food sa dampa!

Oo na, masaya'ng sama-sama ang magkakakosa ...

Pero hindi magsayang maglakad mula FILMORE hanggang MACAPAGAL AVENUE!

Nyeta!!! ... @#$%^&*(!!!!

Pagmasdan nyo na lang ang mga larawan ...





(Balik tayo ulit ha ... pag wala ng traffic jam!)

Binalibag Ni Choleng ng 1:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Mewi Kwismas!

Binalibag Ni Choleng ng 12:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, January 09, 2006

Hanep ka, Lito!
12.21.05

Who would have thought na ang jingle para sa suka at toyo eh sisikat?

Iba'ng klase talaga ang utak ni Lito Camo, huling-huli ang kiliti ng masang Pilipino. (Ayan tuloy, madalas ko'ng kanta-kantahin ...)

Buweno, magkapit-kapit kamay tayo at sabay-sabay na awitin ... ang Jumbo Pack!

Papauwi ako galing trabaho
Nang mapadaan ako sa may kanto
Naalala bigla si misis
Nagbilin siya ng suka at toyo

Ano kaya ang pipiliin ko?
Alam ko na Datu Puting Jumbo
Tiyak matutuwa nito si misis
Mas malaki at sulit ang presyo

Chorus:

Jumbo jumbo jumbo pack
Jumbo sulit jumbo pack
Jumbo sa laki jumbo pack
Ang suka't toyong masarap (Datu Puti!)

Tuwang-tuwa ang misis ko
Siguradong may premyo
Masahe bago matulog
At may goodnight kiss pang kasama to

At paggising ko sa umaga
Ang almusal ay handa na
Nagluto siya ng gusto ko
May sawsawang Datu Puti Suka at Toyo

(Repeat chorus 2x)

Kaya si misis sumaya sa Jumbo Pack

Honey, ang sarap ... Kain na tayo

STOP IT!!!

Binalibag Ni Choleng ng 1:28 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ows, talaga???

12.19.05

American style daw ang party kaya walang chairs (meron sa tabi-tabi, nagmukha tuloy JS Prom) pero siguro naman hindi tumatayo ang mga kano ng anim na oras noh!

From Manila Polo Club to Shangri-la Hotel, nauwi sa car park! Na-activate na nga ang rayuma ko sa paa sa sobrang tagal ng pagkakatayo, tumirik pa ang mata namin sa gutom kse kailangan mo'ng pumila ng matagal para lang makakuha ng "isang klase" ng food. Kung gusto mo ng ibang putahe, aba, pumila ka ulit! Kung hindi pa sumingit ang dynamic duo (Park and Jane), hindi pa malalamnan ang tiyan namin!

Hay, imbiyerna talaga! Kung wala lang PS Idol (BTW, I Love Clem ... di ba Irene, Mayie and Ish???), naku baka marami nang nag-uwian!

Sana 'wag nang maulit ang bangungot na ito!

Binalibag Ni Choleng ng 1:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Unforgettable Quotes

11.27.05

"How are you today my friend?"

(Dedicated to Park)

Ordinaryong dialogue pero coming from an Arab ... hanep, tunog terorista! Ask Park. Feeling daw nya susubuan siya ng bomba!

"I have one more daughter and that's it!"

Bulalas ng frustration ... ng pagkainis ni Manang. Ikaw ba naman ang ipa-credit check ang buong miyembro ng pamilya tapos walang pumasa ni isa, sino ba namang di bubula ang bibig.

Hmp! Ba't hindi na lang k'se tanggapin na ang satellite ay para sa mapera at hindi balasubas!

Binalibag Ni Choleng ng 1:14 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com