<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, February 15, 2006

Um, Loko!
Isang mapayapang umaga ...

Kano: Listen, I'm a very irate customer. My TV has not been working for days now, I missed my football games and I'm really upset ... Blah ... Blah... Blah... Can you help me?

Choleng: (In a sweet but sarcastic tone) Oh yes, sir. I can help you by giving you the right number to call.

Customer: Huh?!$% (Sigh) What is it?

Loko, eh di para kang baga na binuhusan ng tubig.

Binalibag Ni Choleng ng 1:31 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, February 13, 2006

Multi-colored Valentine's Day
Katuwaan lang, gumawa ng color coding si Leo (of LeonKing Fame) para sa Valentine's Day. (Mahilig talaga siya sa multi-colored na bagay lalong-lalo na kapag cherry balls.) Ang usapan huwag ipagsabi sa iba para kung anumang color ang suot nila sa Araw ng mga Puso ay may kahulugan.

Eto yung color coding:

RED para sa happy na ang lovelife, happy pa rin ang sex life
GREEN para sa walang lovelife pero may sex life
BLACK para sa walang lovelife at nalulungkot sa hubad na katotohanan
VIOLET para sa may mga lovelife nga pero battered naman
BLUE para sa naghahanap ng lovelife
WHITE para sa mga walang lovelife pero masaya naman
YELLOW para sa may lovelife nga pero hindi tinitigasan

Valentine's Day na ngayon. Ano'ng kulay ang suot nyo? Ako dilaw. May angal?

Happy Valentine's Day to All!!!

Binalibag Ni Choleng ng 11:39 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, February 06, 2006

KAWAWA-wee
Kagimbal-gimbal ang stampede na nangyari sa dapat sana ay masayang anniversary ng Wowowee.

Unang anibersaryo pa naman pero 74 ang patay at maraming sugatan dahil lamang sa kagustuhan ng mga kawawang nilalang na manalo ng tricycle, jeep, bahay at lupa pati na rin salapi.

The way I see it, wala ring dapat sisihin sa nangyari kundi ang host na si Willie. Ikaw ba naman ang araw-araw na ipasok sa kukote ng manonood at ikondisyon ang kanilang mga utak sa paulit-ulit na pagsabi ng mga palasak na phrases.

"Ang show na ito ay para sa mahihirap..."

"Lahat ng ginagawa namin ay para sa inyo..."

"Gusto naming mapasaya ang mga mahihirap..."

Mild brainwashing ang tawag dyan. Pampataas ng rating. Pangkuha ng simpatiya.

Sa isang banda, kagustuhan din naman ng mga tao na makipagsiksikan sa ULTRA. Sa hirap ng buhay, sino ba naman ang ayaw na magkaroon ng tricycle, jeep, house and lot at limpak-limpak na salapi?

Kapag hirap ng buhay ang pinag-uusapan, mapapasok na naman sa usapan si Tita Glo. So, may kasalanan din ang pangulo sa nangyari. Kung hindi ba naman naghihirap ang Pilipinas, hindi na sana dinumog ang ULTRA, wala sanang stampede na nangyari.

Hay, para tayong naghahanap ng karayom sa dayami. Mahirap tukuyin kung sino ang salarin. Isipin na lang natin na talagang nakatakdang mangyari ang lahat. Isang eye-opener na rin na walang madaling paraan para magkapera at hindi dapat iasa ang kapalaran sa mga game shows.

Binalibag Ni Choleng ng 1:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, February 02, 2006

Isang Minutong Landian
Marami na ngang tawag, wala na nga siyang silbi dahil DTV talaga ang pakay pero magiliw ko pa rin siyang kinausap. (Maganda k'se ang boses.) Itago na lang natin siya sa pangalang Kano.

Kano: ... so where are you?

Choleng: Anaheim, California, Sir.

Kano: Really, you're in California? So how's the weather?

(Nyeta, kailangan bang laging itatanong yun? Hindi naman ako taga-PAGASA!)

Choleng: Oh, just fine. How about your area?

Kano: Oh, I'm in Minnesota ... just fine ... I've never been to California.

(Sa isip ko lang, pareho tayo, Sir. Hindi ka lang marunong magpanggap.)

Kano: So, how old are you?

(Eto na!)

Choleng: I'm 38.

Kano: Are you married?

Choleng: Yes, sir.

Kano: Oh... I'm 49 and looking for a wife.

Choleng: Wrong number!

Tawa ang Kano sabay nagpaalam.

Hay, kung hindi lang naka-record ang calls kinuha ko na ang handle nya para maka-chat. Baka success story pa.

Binalibag Ni Choleng ng 1:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Magkape kayo!
Nakakaaliw na subaybayan ang American Idol. Ang dami mong makikitang makakapal at matitigas ang mukha, mga may tililing at kulang ng turnilyo sa ulo. Pumila ba, makipagsiksikan at maghintay ng matagal makaharap lang ang tatlong "mangangatay" sa paniwalang sila na ang susunod sa yapak ni Kelly, Reuben, Fantasia and Carrie.

Mga hunghang at ilusyunado!

May isang guy, ilang voice daw ang kaya nyang gawin. Bass, baritone kahit tenor at soprano carry nya. Nung kumanta na, susme, isa lang ang boses nya. Pangit na boses!

"I've been singing since I was 3," sabi nang isa. Ganun? Hindi kaya ABCD yung kinakanta nya?

Kaboses daw siya ni Aretha Franklin. Heller, you sound like Urethra Franklin! Pang-INIDORO!

Kaboses daw nya si Clay ... Clay? Oo nga, mukha siyang PUTIK!

Kaboses daw nila ang kung sino-sino'ng singers. Whatever! Hindi naman bawal mangarap eh.

Meron ding mga kapamilya na bulag sa katotohanan. Wala namang mali sa pagsuporta pero mali na bigyan sila ng "false hope", wika nga ni Simon. Akala tuloy ng contestant, ang galing-galing nya. May isang ina ng isang contestant kinikilabutan daw siya tuwing maririning nyang kumanta ang anak nya. Nakakakilabot nga kse sintunado!

Sinabi na ng tatlong mangangatay na off key sila, na hindi para sa kanila ang musika, ibaling na lang ang atensiyon sa ibang bagay pero ayaw maniwala ng iba.

Classic example yung psychic kuno na taga-Las Vegas. Inalipusta na nga last year, bumalik pa ulit ngayon, karay naman ang kapatid. Wala kaya silang friends, associates and delegates na nagpapamata sa kanila na "music is not for them?"

Hay, mga ineng, totoy, ate at kuya, nagkalat ang Star Bucks, Seattle's Best at kung anu-ano pang kapehan dyan. MAGKAPE KAYO para kabahan man lang ng konti!

Binalibag Ni Choleng ng 1:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com