BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, April 25, 2006
Babuyang di nababoy
Hindi ko na gaanong ikukuwento ang naging buhay namin sa Camiguin, isa sa mga isla ng Babuyan Islands, dahil natalakay ko na yan dati. Wala rin namang ga'nong ipinagbago sa isla maliban sa pagkakaroon ng Smart cell site.
Hayaan nyo na lang ang mga larawan ang mangusap at magkuwento ng mga naging kaganapan sa isla sa loob ng halos tatlong araw.
Picture taken during Doc Sheila's Dental Mission. One woman show ito kasi siya lang ang dentist sa Metanoia Choir. Assistant ang iba. Ano'ng ginawa ng walang magawa? Eto ...
Makabuluhan, ano po?
After the dental mission, sugod kami sa bukuhan. My God, bottomless buko ang drama. Sa sobrang pagka-full tank ng urethra ko, mabaliw-baliw akong nagtatakbo pabalik ng kumbento. Sobrang ihing-ihi na ako!
Next day, island hopping naman ang drama. Yes, magpayong tayo!
First stop, Sisip Island. Mainit ang bumubukal na tubig sa bato at amoy septic tank... este, sulphur. Susme, nag-amoy imburnal kami'ng lahat!
Next stop, Magas-asok Island. Nope, hindi hearththrob ang nasa picture kundi si Father Auckhs na nag-imbita sa amin sa Camiguin.
Ito ang the best! Pinon Island. Puro kambing lang ang nandito. Sarap kumanta ng "The hills are alive .... with the sound of music ... aaahhh..." Puwede ring "High on a hill was a lonely goatherdLay ee odl lay ee odl lay hee hoo..."
Final destination, Pamoctan Island. Kahit tirik na ang mata namin sa gutom, di namin maiwasang di mamangha sa isla. Sing-linaw ng mineral water ang tubig!
Sa sobrang ganda ng place, na-inspire kaming kumanta. Ano'ng sinabi ni Regine?
O di ba ang ganda ng Babuyan Islands? Ano'ng sinabi ng Bora at Galera? Oo nga't Babuyan, hindi naman binaboy!
Ano pang hinihintay nyo? Go na tayo dito!
Dali lang pumunta. Sampung oras lang mula Manila hanggang Aparri via bus (P840 fare sa EMC) tapos apat na oras na bangkang motor hanggang isla Camiguin (P200-P250). Kung gusto nyong mas madali, puwede ring mag-plane hanggang Batanes tapos boat ride ng 13 hours.
Take your pick.
Binalibag Ni Choleng ng 2:36 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, April 19, 2006
Camiguin, eto na naman kami!!!
Mamayang gabi na ang alis ng choir namin patungong Camiguin, Babuyan Islands para sa isang outreach.
Naku, ilang araw kong ring di masisilayan ang Makati Skyline, di malalanghap ang pollution ng Edsa, di matitikman ang paborito kong burgers, salad at pizza at di makakatipa sa computer pero okay na rin yung paminsan-minsan eh ilalayo mo ang sarili sa kabihasnan.
Kapag nakita mo na ang asul na asul na dagat at mala-asin na buhangin ng Camiguin, makakalimutan mo ang lahat.
Binalibag Ni Choleng ng 2:03 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, April 11, 2006
Mga Mang Jose
Maalala ko nga pala, nais kong magpasalamat sa dalawang Tagapagaligtas-ah.
Kung hindi dahil sa inyo, isa na naman akong maggugulay. (Isa dapat ako sa ililipat sa 5:00 AM pero dahil inako nila, hindi natuloy ...)
Salamat Doc and Park, mga tunay na Mang Jose, parang mga Daimos ...
Hindi nga lang sila naningil pagkatapos ...
Binalibag Ni Choleng ng 6:31 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, April 10, 2006
Palaspasin kaya kita!
Gaya ng kalakaran, unique ang homily tuwing Palm Sunday mass kase mala-poetry reading ang dating. (Kung palasimba kayo, I'm sure familiar kayo dito.)
Yung pari, siya ang babasa ng part ni Jesus; may lectors naman na assigned maging Pilato, maging narrator at siyempre kaming choir ang Bayan.
Bago magsimula ang misa, lumapit sa amin (choir) ang isang lector at sinabi,
"Alam nyo na ha, kayo ang Bayan ... galingan n'yo ha... kailangan malakas saka may convection."
Ano raw?
(Lord, forgive me. Talagang hindi ako makatiis!)
Binalibag Ni Choleng ng 6:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, April 05, 2006
Alam mo Power Ranger ...
Hindi ako mahilig mag-ACW.
Para sa mga hindi familiar sa call center jargon, ACW means After Call Work. Isa'ng button sa Lucent o Avaya na puwedeng pindutin during or after a call para kung may documentation ka'ng gagawin (o kung anu-anong cherfer) matatapos mo ng wala kang kakaba-kaba'ng may papasok na tawag.
Okay din ang button na 'to. Pang-para-paraan. Pang-pahinga. Paborito ng pagong.
Ako naman eh hindi gawing magpipindot nito. Bakit ko naman kakailanganin eh 65 wpm ang typing speed ko (dati akong typist sa Legarda) bukod pa sa DALAWANG TAON na ako dito kaya alam ko ang dapat gawin, eh kaso kamag-anak ni Kuya Cesar ang mga PCs dito sa JG kaya kailangan talagang mag-ACW at hintaying mag-resolve ang tool bago tumanggap ng bagong tawag dahil kung hindi, madi-disconnect ang tool. (CMS Watcher, alam mo ba yan?)
High blood ka na nga sa kabagalan ng PCs, kunsumisyon pa sa CMS watcher na flag nang flag. Mantakin nyo ba namang tatlong beses akong na-flag kanina (at sa tatlong magkakasunod na tawag pa ha!) Ang nakakainis pa, kung kailan naka-avail ka na at saka ka ipa-flag! Hindi lang naman ako ang naka-After Call, di ba?
Kung sino ka mang Hudas, Barabbas at Hestas ka, alam mo ba na hindi real time ang CMS at wag naman nating karirin dahil wala namang queue!
Malaman ko lang kung sino ka gagawin kitang palawit ng helicopter o di kaya eh ipapako kita sa tore ng PBCom!
Binalibag Ni Choleng ng 6:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, April 04, 2006
Star Warts Part II
03.31.06
Sa pagkakalam ko cauterization ang gagawin sa akin ... meaning papahiran ng cream ang affected area para pang-anesthesia ...
Pero hindi naman kasama sa usapan na tadtarin ako ng scotch tape!
Nyeta, hindi ko maigalaw ang bibig ko at maipaling ang leeg ko (pero nakangiti pa sa picture, huh!) ... tsura ng suman!
Pati si Park hindi nakayanan ang sarili ...
Halos magkandagulong sa katatawa...
Freddie Krueger, is that you???
Ano, gusto nyo ring magpa-cauterize?
P.S.
Special thanks to Maxicare, Dra. A (whose cleavage I think will put Ara Mina to shame) and of course, salamat din kay Park Q para sa pakikiramay sa karumal-dumal kong hitsura ... Oh my gaaaahd!
Binalibag Ni Choleng ng 6:30 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin