<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, November 22, 2006

Salamat Sa Midyas!
11.20.06

Morales before the fight:

AKO TATAPOS ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Morales after the fight:

AKO NATAPOS ...

Photobucket - Video and Image Hosting

TAPOS!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

Bow ako sa yo, Manny!

Photobucket - Video and Image Hosting

Pero mas mahal ko si Morales. May kinabukasan pa siya ... sa Hollywood.

Morales, te quiero!

Binalibag Ni Choleng ng 9:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Naka!
11.16.06

Choleng: May I have the toll free number that you dialled to reach me?

Customer: One eight hundred, two hundred, zero something one four.

Sows, may number ba na "something?"

Ewan ko sa yo, Manang!

Binalibag Ni Choleng ng 9:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Kinuyog na Kaarawan

11.11.06

Sa wakas nakabalik ang alibughang anak sa pamilya!

Ilang taon ding hindi ko naiselebra ang aking kaarawan at hindi rin nakakasama sa gimik ng Kuyog dahil talagang hindi swak sa schedule ko kaya tuwang-tuwa ako at muli ko silang makasama.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
Top: Kuyog! Bottom: Kuyog "barakos"

Ang Kuyog ay ang barkadahang nabuo nung "telecommunicators" pa kami ng dati ay namamayagpag na Pocketbell. Telecommunicators, oo. Kami yung mga nagkabali-baligtad ang mga daliri sa pagtipa ng messages ng mga caller. Bakit KUYOG? Tagalog word ito ng swarm as in swarm of bees. Gets? Dapat lang!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kuyog during the 2-in-1 birthday celebration

Namatay at tuluyan mang naglaho ang pagers at nasa iba't-iba'ng kumpanya na kami (karamihan ay nasa call center din); ang telecommunicators ay napalitan ng eReps/agents at spokening dollars na; medyo nadagdagan ng timbang at nanaba, numipis ang buhok at nagkaka-wrinkles na ang karamihan; nadagdagan ng anak ang may anak, nawalan at muling nagkaroon ng dyowa ang iba at nagkaasawa't nakipaghiwalay na ang isa (teka, ako yun ah!), pero nanatiling solid pa rin ang kuyog. Kuyog nga eh.

Photobucket - Video and Image Hosting
Imee with the Kuyog kids

Walang pinagbago kahit ilang taon akong nawala. Andun pa rin ang mga tradisyong tatak-Kuyog. Anu-ano yun? Eto:

Joint Celebration. Dahil busy sa sari-sariling career at nagkikita-kita lang tuwing may okasyon, pinagsasabay-sabay na ang celebration que binyag, Christmas party pero mas madalas ang sa birthday. Merong 3 in 1, merong 2 in 1 at solo celebration lang kung wala kang kasabay sa buwan na yun. Dati naghihiwalay pa kami ni Toyang pero this year, 2 in 1 kami.

Photobucket - Video and Image Hosting
With co-birthday celebrator Toyang

Patak-Patak. Ito yung pagtsi-chip in sa kung magkano man ang halaga ng gift. Minsan sa dami ng naghahati at mura ng gift, tig-P30 na lang ang partihan. Akalain nyong managers na ang ilan pero nakikipatak-patak pa rin. Panalo!

Photobucket - Video and Image Hosting
Reyna ng Patak-patak Imee. Galing k'se sa Math

Gift Request. Ito eh karaniwang ginagawa ng matigas ang mukhang Kuyog (like me.) Bago pa man makabili ng gift eh magre-request na ang may birthday ng gusto kaya naman sa mismong araw ng celebration, dahil alam na kung ano ang gift, ang thrill na lang eh kung ano ang magiging gift wrap at kung magkano ang partihan.

Speaking of partihan, panay ang angal ng master shoppers (Ella and Imee) dahil bukod sa mahal ang ni-request ko, nahirapan pa silang maghagilap ng copy. Ilang National Bookstore yata ang itinumba nila makahanap lang. (Ay, love nila ako talaga.) Sa isip-isip siguro nila, bakit nakabalik-balik pa ako... hehehe... Sensiya na, bumabawi lang sa tagal ng pagkawala ko sa inyo.

Photobucket - Video and Image Hosting
With Master Shopper Ella (my Pac-ner in crime)

Harry Potter Book 5 (Half-Blood Prince) ang ni-request ko at dahil sabay pa kaming nag-celebrate ni Toyang na pantulog naman ang gift, medyo malaki ang partihan. Panay tuloy ang parinig ni Ella na dapat mabusog ang lahat para makabawi sa hirap at gastos.



Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting


Birthday presents ... pantulog for Toyang, Harry Potter for me... ahuhuhu! ... Ganda!

Para sa taong ito, isa pang tradisyon ang nadagdag sa nakakaloka na naming tradisyon. Sa'n ka nakakita ng birthday celebrant na nagpagawa ng sariling birthday cake n'ya? Dito lang sa Kuyog!

Birthday cake BEFORE ...

Photobucket - Video and Image Hosting

... and AFTER ... Whoaah!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

Natupad naman ang wish ni Ella na gumapang ang lahat sa kabusugan dahil bumaha ng handa at di lang yun, may take-out pa. Another only-in-kuyog tradition.

Hay, Christmas party na ang susunod naming pagkikita at dahil Kuyog, another set tradition. Kung anu-ano yun, that's another story.

Binalibag Ni Choleng ng 9:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Feeling Patient

11.07.06

Ito ang view mula sa kinaroroonan ko ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Nasa office ba ako? HINDI! Nasa mall? LALONG HINDI ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Naka-duster ba ako? Hindi ah. Hospital gown yan. Hospital ... hospital?

Yes, nasa hospital ako. Medical City to be exact. Ganda dito. Ang linis, ganda ng facilities, ang babait ng doctors and nurses ... parang HOME away from HOME ... alam ko pang-hotel lang ang phrase na yan pero mukha naman talagang hotel ang Medical City.

Ano kamo, kung ako ba ang pasyente? Tong lusog kong to. 'Yang luwang ng tawa kong yan, ako ang pasyente? Hindi po ako. Nagpa-pictorial lang ako. (Mag-trip ba!)

Photobucket - Video and Image Hosting

Eto ang tunay na pasyente, Mommy ko, nagmumuni-muni kung paano mababayaran ang 32 kiyaw ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Loko lang po. Totoong 32 kiyaw ang bill ng Mom ko sa dalawang araw na paglagi nya sa hospital pero salamat sa Maxicare, P120 lang ang cashout namin.

Whew! Mabuhay ang HMO!




Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ooops!

11.07.08

Sa dinami-dami ng mai-"screenshot" sa akin eh bakit yung Jollibee Scandal pa at sa dinami-dami ng eksena sa video, bakit ang na-capture pa eh yung aktong iniaangat ni Jollibee ang palda ni Twirly.

Oh, my God! Nakakahiya! Gusto kong lumubog sa lupa!

Sa mga hindi nakaka-relate sa sinasabi ko, puntahan ang link na ito:

http://www.technorepublic.com/?p=118

Oh, tuwang-tuwa kayo noh? Oo, nakakatuwa pero yung makunan ng ebidensiya at mabuking na nagbubukas ako ng ganyang site eh Minus 10 points sa Gryffindor!

Anyway, hayaan nyo akong makabawi. Magmalinis naman tayo. Eto ang nakalap kong reaksiyon ng management sa nasabing "eskandalo." Basahin at namnamin...

Dear Parents,

We regret to inform you that a video depicting our well-loved Jollibee mascots in a distasteful situation is now circulating online. The material is obviously no more than someone’s idea of a senseless amusement. Yet we cannot ignore the equally obvious risk of its effect on our children.

Jollibee created the mascot for kids, their wholesome fun and carefree innocence. We’ve worked hard and unceasingly for the mascot to earn your kids’ trust and love. It would be so sad to have all this swept away by one mindless prank.


We will not let this pass, neither will we let it happen again. Be assured we are taking all necessary steps to bring the culprits into account. One thing we know we can count on is your support in countering this threat.

Please help us spread the word that this corrupting material should not be passed on any further. This simple act of control will go a long way in protecting our children.
We apologize for any offense this incident may have caused, and thank you for your understanding and cooperation.


Sincerely,

JOHN VICTOR TENCE
VP Corporate Human Resources
Jollibee Foods Corporation

Iba't-ibang opinyon, iba't-ibang reaksiyon. Maraming natuwa, "cute" daw. Hindi lang pambata si Jollibee, pangmatanda na rin at kung anu-ano pa.

Oo cute nga at oo, naging R18 si Jollibee pero may katwiran namang maghuramentado ang management dahil pinaghirapan nga namang hubugin ang wholesome image ni Jollibee tapos bababuyin lang. Di bale sana kung baboy si Jollibee kaso isa siyang bubuyog! (Nyeeh!)

Kung bakit naman kse kinunan pa ng video. Puwede namang gumawa ng kabulastugan ng walang bakas ah. Normal lang naman na maging playful at times pero bago gawin ang isang bagay, dapat isipin muna ang kahihinatnan.

Which brings us back to the original topic. Oo nga naman. Dapat nag-iisip muna si Choleng bago binuksan ang link. Ayan, ang dami tuloy nagkakadagulong sa katatawa.

Puwede lumubog na lang ako sa lupa?

Binalibag Ni Choleng ng 8:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Time Out Muna ng Party Timers

11.03.06

Ilang linggong pagpaplano na may kasamang udlot, finally, natuloy din ang team building ng Party Timers ni Dennis na ginanap sa palasyo ng mga Cabigao.

Perfect ang haybol nina Jeff! Maluwag, maaliwalas, hindi bawal mag-ingay at champion ang sumalubong sa amin ... maputi, maharot at naglalaway sa tuwa! Sino, di si Taco, ang chikadorang aso!

Oo na, hindi nila ako ka-team eh sa inimbitahan ako pati na rin sina ka-fANNAtic Mich, Julius and Bobby eh di join na. Hirap tumanggi sa grasya nakakalabo ng mata.

Buti na lang sumama kami kse bumaha ng pagkain, alak, sigarilyo at musika (kulang na lang babae) pero dahil hindi naman ako umiinom at naninigarilyo, sa musika at pagkain na lang ako nagpakasasa.

Astig palang maggitara ni Jeff at sa tingin ko, lamang siya ng isang case na beer kina Bobby, Dennis and Julius. (Inom pa para makahabol!) Hindi nakahirit ang mga "song birds" dahil puro "bago" ang tinirang jam songs -- bago as in bago sa pandinig pero luma na sa totoong buhay.

Dahil music lover ako (at oo na, kapanahunan ko ang mga kanta) familiar sa akin ang mga songs kaso alam nyo naman ang sakit ko na bobo sa lyrics kaya di rin ako nakaporma. The rest of the team (hindi ka kasama Fidel) eh karamihan Generation XYZ kaya totally hindi nila alam ang mga kanta kaya payo ko lang, mga iha, mga iho, simulan nang makinig sa kadyot lang o kaya RJ para maging familiar sa mga kanta, okay? (... hehehe...)

Tama na nga pangungulit. Masdan na lang ang ilan sa mga larawan. Oo ilan lang dahil blog ito, hindi photobucket. Kung gusto'ng makita ang kabuuan, habulin si Mich:

Cast and crew ... (Pansinin ang larawan sa background. Looks family? Hindi si Agent X44 yan ... yan ang erpats ni Jeff na naging isang public servant.)

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

It's a girl thing ... Jerome, sabi ko girl thing. 'Lis dyan! Clio? D'yan ka lang.

Photobucket - Video and Image Hosting

Going Bananas, PS Edition ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Star of the Night ... Chloie Hernandez ... (at ang mahiwagang talampas!)

Photobucket - Video and Image Hosting

Best in Emotion (pag-emote sa Taglish) ... Chloie and Mich ...

Photobucket - Video and Image Hosting

The Real star of the night ... ang tomador na si Taco! (O di ba, ang puti nya? Hulaan kung kanino ang kuko ... may libreng cuticle remover sa makakahula ...)

Photobucket - Video and Image Hosting

Jeff, thanks for the accommodation. Sayang, we didn't get to meet your family. Next time.

Dennis and the rest of Party Timers, salamat sa invitation at wish ko lang sa susunod eh iba na ang pangalan ng team nyo.

Hanggang sa susunod na jamming. Next time magdadala na ako ng songbook para hindi ko na i-massacre ang kanta!

Promise, next time, hindi na ako maagang uuwi ... para merong "guidance councilor."

(Akala mo Dennis, ikaw lang ha!)

Binalibag Ni Choleng ng 6:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Araw ng mga Patay, Todos Los Santos ... whatever!

Photobucket - Video and Image HostingKung paanong naging Undas ang Spanish word na Honras na honors naman sa Ingles, hindi ko na alam at wag na nating problemahin kung bakit dahil patay na ang mga may kagagawan. Ang importante, isa siyang holiday, may dagdag na 30% sa mga may pasok at nagkakasama-sama pa ang pamilya.

Ilang taon na rin akong nagtatrabaho sa call center kaya sanay na akong pumasok nang holiday pero sa taong ito, suwerteng rest day ko natapat ang Undas kaya hindi ko man nakuha ang extra pay, at least naka-jamming ko naman ang pamilya ko.

Kakaiba ang Undas namin ngayong taon dahil after so many years, sabay-sabay kaming pumunta sa sementeryo. Dati, shifting ang pagpunta dahil hindi maiwanan ang tindahan. Sa wakas napagtanto ng mga folks ko na puwede namang magsara ng tindahan para makibahagi naman sa okasyon. (Naisip din!)

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
(L) Mom and Dad (R) Tet, Ellen, Jenny and Hajii

Hindi naman kami yung pamilyang kina-career ang Undas na mega-dala pa ng tolda, pagkain, sound system, dining table and all. Basta makadalaw kami, makapaglagay ng bulaklak, makatirik ng kandila at makatambay ng ilang oras sa puntod ni Ignacia at Cirilo (lola't lolo ko), puwede na yun. Alam naman naming pare-pareho na wala na sila dun noh!

Photobucket - Video and Image HostingDon't get us wrong.

Pinapahalagahan naman namin ang namayapang mag-asawa pero hindi sa paraang bunsod ng tradisyon. Ang Undas, minsan isang taon lang at aminin man natin o hindi, madalas eh nakakalimutang ang mga namayapa ang sentro ng okasyon. Ay, sila pa nga rin naman ang sentro kase yung nitsong bagong linis at pintura, ginagawang upuan, higaan, tulugan, sugalan at patungan ng pagkain (aminin!)

Para sa pamilya ko, higit na ikaliligaya ng mga namayapa kung araw-araw silang ipagdarasal ... na sana maligaya sila saan man sila nandodoon. Yan ang tunay na honras!

Anyway, tama na nga ang effect. Unang-unang ginawa ko pagkaayos ng flowers at pagkakatirik ng kandila eh ipakilala sa mga pamangkin ko ang namayapang grand grandparents nila sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga pangalang nakasulat sa lapida. Baby ba kse sila nung mamatay si Ignacia at lalong hindi nila kilala si Cirilo dahil hindi pa nagliligawan ang Mama at Papa nila eh sumakabilang-buhay na ito.

Nang finally eh makabisa na ng mga pobre kong pamangkin ang tongue-twister na mga pangalan, sinimulan na ang paglalaro ng baraha saan pa kundi sa ibabaw ng nitso. (saan pa nga ba!)

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
(L) Teejay and MJ with future Sacristan Kiko
(R) Mom w/ Nanang Guring, Ignacia's sister

Habang abala ang mga bata, kami naman eh chika galore sa bawat mapadaang kakilala at kamag-anak at nang wala nang makausap eh napag-ukulan naman namin ng pansin ang kapit-nitso (watta term!) namin.

Ang kapit-nitso namin eh may dalawampung taon nang walang dumadalaw at diumano eh nasa US na ang kaanak. Tuklap-tuklap na ang pintura at unti-unti nang nauubos ang "bahagi ng katawan" ng nakapakong Jesus Christ pero himalang hindi tinitibag ng simbahan. Ay, panigurado updated ang bayad sa renta.

Una kong makita ang imahen sa ulunan ng nitso, kumpleto pa siya pero eto na siya ngayon:

Photobucket - Video and Image Hosting
Dilapidated and all

Kalunos-lunos hindi po ba pero wala kaming magawa taon-taon kundi bisitahin kung anong bahagi ng imahen ang "nawawala." (Pag-trip-an ba!)

Bandang 6:00 PM nilisan namin ang sementeryo. Bagama't sa susunod na taon muli ang balik namin sa sementeryo, makakasiguro naman ang mag-asawa na lagi silang bahagi ng aming mga panalangin.

Damay na rin yung sa kapit-nitso.

Binalibag Ni Choleng ng 6:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, November 13, 2006

Who's your Mummy?
Isa sa kanila ang salarin ...

Mich or Kaye?

Photobucket - Video and Image Hosting

Mona, Cha o dili kaya ay sina Vins at Ricardo?

Photobucket - Video and Image Hosting

Eto na siya nang magpalit ng anyo ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Hulaan kung sino ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Mummy ba to o takas sa ospital? Guard, pakidampot!

Binalibag Ni Choleng ng 10:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com