BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, March 31, 2007
Bon Voyage, Kokak!
Wala namang may birthday pero nagtawag ng FGT si Kiko sa Bahay ni Kuya. Parang despedida pala kay Mrs. Sonia Gregson a.k.a. Ate a.k.a. Kokak.
Potluck
Walang pinagbago kay Ate. Maliit pa rin, payat at palangiti. Mas masaya kung kasama nya ang asawang si Mr. Gregson pero pabor na rin dahil kung kasama yun, malamang dumugo ang ilong namin sa kai-Ingles.
Sonia with Kiko's girls
Mula sa Kuyog Family, happy trip Ate at sa muli mong pagbabalik sa Pinas, sana meron ka nang kilik na Baby Gregson!
Binalibag Ni Choleng ng 12:10 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, March 30, 2007
Gusto ko ng Time Turner!
... para magawa ko ang LAHAT ng dapat kong gawin!
Sana panaginip lang ang lahat.
Binalibag Ni Choleng ng 7:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, March 27, 2007
Ang Obra ni Koya
Nakakatatlong linggo na ako as OIC at medyo nakakasanayan ko na ang lahat - ang mangarag, magutom, mauhaw, magpigil ng ihi pati na rin Level 2 at kung anu-ano pang pagpipigil.
Ang tanging konsolasyon lang sa biglang pagbabago ng buhay ko ay ang ka-team ko na ilang taon ko na ring kasama kaya nagkakaalaman na ng likaw ng kani-kaniyang bituka.
Teka, bago magkabukuhan, tunghayan nyo na lang ang larawan sa baba na siya naman talagang bida sa entry na to.
Walang kasawa-sawa sa kaguguhit si Kuya Jolios. Kahit burahin, gagawa at gagawa ulit kaya naman naisipan kong kunan ng larawan para man lang ma-immortalize ang obra ni Julius.
Masdan ...
White Board Marker on White Board, Jaynamites by JuicePogi
Meron kayo nyan???
Dagdag obra ...
Ang Musa at ang Aparisyon via 7260 ni Choleng
More to come.
Binalibag Ni Choleng ng 10:18 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, March 25, 2007
Series of unfortunate events ... pa rin???
Wala naman akong balat sa puwet pero ewan ko ba at pagbalik ko sa trabaho mula rest day eh kutakutakot na kamalasan ang inabot ko.
Thursday. Ngarag dahil kagagaling ko lang sa dalawang araw na pahinga at wala pa ako sa katinuan. Ang daming dapat gawin - coaching (dapat matapos dahil 3 ang rest day kinabukasan), printing, admin ... sandamakmak na email na kailangang basahin at namnamin. 6 PM na nang matapos ako. Tama si Ed, para akong nasa minahan. Hala, trabaho ... wapak!!!
Friday. Katuturo pa lang sa akin mag-archive ng mails sa Outlook ano ba't nung hapon eh nag-crash ang PC?
Ewan ko ba, saglit lang akong humarap sa south, pagbalik ng paningin ko sa PC, ano ba't HP logo na ang bumulaga sa akin at nang i-restart ko, hala ayaw mag-reboot. Nakauwi na ako, tsugi pa rin ang computer at kinabukasan ko lang nalaman na bumigay ang hard drive at burado ang LAHAT ng files at kahit maglupasay pa ako at maghagdan mula Ground Floor hanggang ika-31 palapag ng JG, wala na talagang magagawa.
Just great! Sana hindi na lang ako nag-archive, disin sana'y hindi "kinain" ang mails ko. Ganda, mga 200 pa yata yung hindi ko nababasa!
Saturday. Okay, ayos na ang PC. Set up ulit. Archive ulit (walang kadala-dala!) Set up ... set up ... Ganda, pagka-set ko ng archive, nag-down ang outlook at isa pang ganda, down ang A_alyti_s! So saang palad ng langit ako kukuha ng data para sa hourly report at paano ko maipapadala? Telepathy? Hilig pa namang magwarla ng kliyente at mag-i-email ng messages na lima ang exclamation point at anim ang question mark (oo, bilang siya!)
Awa naman ng Diyos, nalusutan ko ang lahat at salamat naman, walang anomalya ngayong Sunday. Tinantanan din ako ng aberya. Aba! Even God rested on the 7th day.
Binalibag Ni Choleng ng 7:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, March 21, 2007
Anak ng pitumpu't-pitong puting put ... este tupa!
Buong akala ko kapag naayos na ang correction of name ko matatapos na ang kalbaryo ko pero tuloy-tuloy pa rin ang series of unfortunate events ko.
The day after maibigay sa akin ang Certificate of Finality, ito yung dokumentong nagpapatunay na inaprubahan ng korte na palitan ng Z ang S sa maiden name ko, sa sobrang pagkaatat dinala ko kaagad kay LD, taga-Travel Desk (TD) para umandar naman ang processing ng passport ko. Hindi raw puwede na photocopy kaya iniwan ko ang original.
A few days after, heto't nag-text ang LD. Nasa DFA siya at authenticated birth certificate with annotation naman ang hinihingi ng mga ulangya. Akalain nyong di pa talaga nasiyahan sa pinadala kong sertipiko.
Anak ng tootcha naman!
O sya, kailangan daw eh di lakarin. Nilakad ko ... mali, dinaliri ko pala dahil sa e-Census ako nag-order ng copy. Ayoko na kseng makipagpalitan ng mukha sa NSO. Ayokong pumila!
3 days after, heto at dumating na ang authenticated birth certificate. Ganda, walang pinagbago. Ganun pa rin. Mali at ... walang annotation!
Sinugod ko ang Local Civil Registry ng Taguig para tanungin kung kailan maa-update ang NSO records ko pero ako pa ang napahiya. Yun palang dokumento dapat dinala ko sa NSO East Ave. para ma-implement ang correction. Yung lagay na yun eh sa Legal Department lang pala nagpaikot-ikot at hindi pa nakakaabot sa records.
Huwaaat???
Kasalanan ko rin, iniasa ko sa bayaw ko ang pagkuha ng dokumento. Nagprisinta kseng siya na lang ang kukuha dahil dadaan din lang naman sa City Hall. Ang kaso, basta na lang binigay sa kanya. Walang binigay na anumang instruction kung anong gagawin sa dokumento - kung itatago ba, ipe-frame, ipangdadampot ng tae o ano. Hay! Kung ako ba naman ang personal na kumuha, eh di naitanong ko kung ano ang dapat gawin.
Ngayon, eto ang malaking problema. Wala sa akin ang dokumento kundi nasa travel agency. Tutulungan naman daw ako ni LD na mabawi ang papeles pero wish ko lang bilisan para di matapos na ang problema ko.
I swear, kapag nagka-passport na ako pasasabugin ko ang Civil Registry sa amin!
Binalibag Ni Choleng ng 5:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, March 15, 2007
Biatch!
Sarap ng kuwentuhan namin ni Ria sa Jollibee Philam nang isang babaeng ang mukha ay tila lukot na piso ang padabog na inilapag ang dalang bag sa karatig naming mesa, hawak ng kanang kamay ang tray na may softdrinks at spaghetti.
"Nobody helped me," angal nya at dahil sa isang kamay lang ang hawak sa tray, natumba po ang coke, naligwakan ang bagelya ni Ria.
Ang bruha, ni hindi man lang nag-sorry bagkus patuloy na nagpuputak. Tinarayan ang crew, di man lang daw siya tinulungan.
Ah, Miss. Jollibee ang kinainan mo, hindi Manila Hotel.
Naku, pasalamat ka at hindi butangera si Ria at kung hindi, di ka lang mukhang lukot na piso ... mukha ka pang atis na binato sa pader.
Umayos ka!
Binalibag Ni Choleng ng 6:24 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, March 13, 2007
East Meets West
I'm so happy for my friend Chichay at sa fiance nyang si Gordon. Imagine, pareho silang matapos ang isang dekada eh muling "nakabuo!"
Chi and Gordon a la Brad and Angelina
Yes, magkaka-baby na sila!
Made in UK
Chi and Gordon, congratulations. I'm sure it's going to be a beautiful baby dahil never pang nagmintis ang combination ng East at West.
Tindi ng kamandag mo, Gordon. You're the man! (Ha ha ha, buti na lang di nya naiintindihan to!)
P.S.
Congratulations din sa pagdadalang-tuta ng isa ko pang tropa na nasa Chino CA naman, Wheng. First baby naman. Ay ito hindi East Meets West (although mukha silang Koreano si Richard) kundi Made In the West naman.
Made in the USA
Buntis din si Gwen na nasa Guam. Oist, made in the US of A din.
Congrats sa inyo at ingat-ingat!
Binalibag Ni Choleng ng 8:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, March 12, 2007
Team Name
Wala pa ako sa position, matagal nang biruan na kung magiging supervisor ako, ang team name eh Viva Jayna (thanks to JM), Band Jayna sabi ni Dennis at di ko matandaan kung sino ang maysabing GinaBongga (Bobby, ikaw ba?); Gina's Callers naman sabi ni Richie at kung anu-ano pang word play sa malaswa kong pangalan.
Pabiro kong sinasabi palagi na hindi ako mag-a-apply para hindi nila maisakatuparan ang pambabarubal sa pangalan ko pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Heto na ... heto na ... heto naaaaa ... awwww!!! Kailangan ko ng team name!
Ganda sana ng mga suggestions at may pahabol pa si Vins - Jayna's Belles, sabi ko paano naman ang mga "balls?" Alangan namang Jayna's belles and balls?
Hay, lahat ng suggestions hindi puwede at baka ma-MTRCB. Lahat kse tunog malaswa ... tunog "flower."
Isip ng pang-GP. JAYNAmix sabi ni Bobby, JAYNAmites! sabi ni Angel.
We settled for the latter. JAYNAmites! ... word play for dynamite ... pasabog ... ng dyoga!
Ganun din, malaswa pa rin.
Binalibag Ni Choleng ng 7:50 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, March 11, 2007
From ZERO to HILO
Nakakataba ng puso na maraming natutuwa (at excited) sa pagkahirang sa akin bilang isang Supervisor OIC pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa rin ang tumatanggap na lang ng tawag.
Oo, tatlong taong mahigit nang ganito ang ginagawa ko pero surprisingly, hindi pa rin ako nagsasawa. Pag siguro nagkakaedad na, bumabaw ang kaligayahan at nababawasan ang pagiging maambisyon pero ... nandyan na yan. Pinagkatiwalaan ako at kahiyaan namang ako pa ang kauna-unahang OIC na tinanggihan ang appointment. Besides, iniatang sa akin ang responsibilidad dahil tiwala sila sa kakayahan ko. Kung sila nga nagtiwala sa akin, abah! dapat magtiwala din ako sa sarili ko. Hanep sa words of encouragement noh!
Ungas!
Sa totoong buhay, ikalawang araw nang manhid ang utak ko at tila may nakadagang bato sa sikmura ko. Tila ibig kong masuka palagi! Tensiyonada! Kapag pala matagal kang pabandying-bandying, tapos bigla kang tatambakan ng kutakut-takot na kaalaman at gawain, ganito ang mangyayari.
Information overload. Parang gustong mag-short ng fuse ko! Ang daming kailangang malaman at para sa katulad kong gustong matutunan kaagad ang lahat overnight, that spells S-T-R-E-S-S.
Ambisyosa ko naman k'se. Eversince ganyan ako. Gusto simula pa lang okay na, ayos na, tapos na pero ano ako, KABUTE na maulanan at makidlatan lang eh uusbong na?
Okay, reality check, no can do borrow one from two. S'ya ... s'ya (Padilla), I'll try to take my time and relax. Hinga ng malalim. Pasasaan ba't matututunan mo ring lahat kaya hinay-hinay lang, Choleng.
Pero teka, mag-isa lang daw akong morning sup sa Friday tapos deadline ng weekly report eh Saturday ... waaah ... Leo! (Whitelighter ko!)
P.S.
A million thanks to Anna, Dennis, Vulva at sa lahat-lahat na para sa walang-sawa at taos-pusong pagtulong sa akin. Salamat din sa mga bumoto ... hehehe.
Leo, salamat ha! Promise, pagsigaw ko ng P***ang I** darating ka?
Binalibag Ni Choleng ng 6:40 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, March 07, 2007
BP ko!
Matagal bago naproseso ang correction of name ko kaya ayun, spoiled na ang passport application, ayon kay LD ng Travel Desk.
Back to square one.
Pampalubag-loob, hindi naman daw totally magsisimula ako sa kamot (start from scratch in English ... acheche!). Basta maibigay ang correction of name papers saka P750 ayos na. Hindi na kailangang muling mag-submit ng NSO authenticated documents. Hmp! Napunta lang sa buwitre ang nauna kong P750. Sayang!
Sabi ni LD, madali na lang daw this time dahil nasa DFA na yung iba kong dokumento.
Harinawa dahil ilang litrong dugo ko na ang naubos dahil lang sa passport.
Binalibag Ni Choleng ng 6:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, March 06, 2007
Usapang S, Z at Kotong
January 12 ako nagpunta sa Local Civil Registry ng Taguig para magpa-correction of name pero sabi ng thundercats in charge, i-antedate daw ng January 2 para mapabilis pero balewala rin.
January 17 sinimulan ang processing, February 2 nakarating sa NSO at February 16 na-process. Kanina lang nakuha at kung hindi pa pinuntahan ng bayaw ko, hindi pa mapapasaakin ang dokumento. Kanina nga lang daw minakinilya.
Hmmm ... so mga 20 days ang biyahe mula NSO hanggang Taguig City Hall. Teka, QC lang galing di ba, hindi naman Timbuktu?
Usad pagong na proseso, to think na P1,500 ang binayaran ko mapalitan lang ng Z ang S.
Sa totoong buhay, P1,000 lang ang nakasulat sa resibo at yung P500, personal kong iniabot sa head ng records. Pambayad daw sa pagpapa-photocopy, notaryo at kung anu-anong kuning-kuning na alam kong hindi naman aabutin ng ganung halaga pero di na lang ako umangal at di nagtanong dahil desperado akong maayos ang record ko para maayos ang passport ko para makasama ako sa rampa sa Singapore. (Whew!) Alam ko, simpleng pangongotong yon.
Salamat na rin dahil sa awa ng Diyos, matapos ang ilang buwang paghihintay, naayos rin!
Legal na legal na ang pagiging LIZERTIGUEZ ko ...
Malinaw na malinaw ...
REMARKS: Child's, father's and informant's last name from "LISERTIGUEZ" to "LIZERTIGUEZ" in the birth certificate bearing registry number 894 is hereby approved by CCR on January 17, 2007 and affirmed by CRG on 02 February 2007 pursuant to PET.NO.CCE-007-2007.
Kaso huli na. Baka habang sinusulat ko to, pauwi na ang mga barkada ko galing Singapore. Naiwan ako dahil wala akong passport.
Hay, step one pa nga lang pala ang correction of name. Kailangan kong hagilapin si AD ng Travel Desk para ituloy ang processing ng passport ko. Sayang din ang P750 na ibinayad ko, noh!
Panibagong kunsumisyon? Nakup! 'Wag naman sana.
Binalibag Ni Choleng ng 3:45 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, March 05, 2007
Sige, epal!
Langyang mga kandidato, pataasan ng ihi. Tingnan natin kung sino ang pinakamapanghi sa mga maluluklok.
Binalibag Ni Choleng ng 6:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, March 04, 2007
Enervon Prime nga d'yan!
Benta na at ibinibigay ko na lang sa customer ang account number ng order n'ya. Nasa ikaapat na number na ang dinidikta ko nang ma-realize ko na social security number pala ng nanay ng customer ang ibinibigay ko, hindi account number. Magkakadikit kse ang mga numbers sa notepad ko. Ang mokong, sinulat naman.
Hah! Isang mali-mali at isang hunghang. Sino ang mas nangangailangan ng Enervon Prime?
Binalibag Ni Choleng ng 8:20 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, March 02, 2007
Reminder na lang sa ating LAHAT
Pinadala lang sa akin ng isang old friend 'to. Simple lang ang pagkakasulat pero dahil makatotohanan, tagos sa puso. Tinablan ako ...
Naalala ko si Pastora Tajan Cruz.
***************************
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" pakiulit nalang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
Binalibag Ni Choleng ng 12:44 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, March 01, 2007
Awwwwrrrrr ...
Natatandaan nyo yung myheritage.com? Yung website na ipapakita kuno ang mga celebrity look-alikes mo? Sinubukan ko dating ikarga ang mukha ng aso ko kaso wala raw ka-match pero nung sinubukan ko yung mukha ni Leishae (aso ng ka-choir ko), eto ang kinalabasan ...
Wa ha ha ... si Calista Flockhart pala eh hawig sa Lhasa Apso! Kaya pala trip siya ni Harrison Ford ... dahil ang una'ng ka-love team nito eh si Chewbacca!
Awwwrrrrrrr ... Unngggggraaaa ....
Binalibag Ni Choleng ng 7:02 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin