BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, May 27, 2007
Ikatlong Hirit
Dalawang linggo matapos ilabas sa sinehan, napanood ko rin ang Spiderman 3. Normally pag Part 3, hindi na kasingganda ng 1 and 2 pero iba ang Spiderman. Higit na maganda, mas kuwela kaysa sa mga naunang serye at nadagdagan pa ng villain na halinhinang ginulo ang buhay ng ating bida. 
Pansin ko lang bakit tila may shifting ang villains? Nung nawala si Goblin, lumitaw si Sandman at nang nagbalik si Goblin, "nabasa" ang Sandman at nang magsanib ng puwersa sina Sandman at Venom, nakipagtsokaran naman sa kanya si Goblin. Ano kaya yun? Di ba kayang mag-multi tasking ni Spiderman? Siguro nga hindi dahil wala nga siyang time kay Mary Jane.  
Isang tanong: Bakit iisang "lamad" lang naman ang kumapit kay Peter at sa antipatikong Eddie Brock pero ba't magkaiba ng resulta? Ba't gwapo si Spidey (love the fashion transformation!) tapos halimaw si Venom? (love the pearly-white teeth!) Punong-puno naman ng drama ang buhay nina Goblin at Sandman. Actually, sila ang supplier ng "mushy" part ng movie.  
Huli man at magaling, huli pa rin. Can't wait for Part 4. Ano na naman ang drama nila ni MJ?
Binalibag Ni Choleng ng 5:16 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, May 25, 2007
Pedigree Anyone?
Halos magkandagulong kami sa katatawa. Ang lokang kapatid ko, inilipat sa maliit na lalagyan ng ice cream ang Pedigree. Ang mommy ko, naghahanap ng mailuluto, nakita ang "giniling" sa lalagyan ng ice cream, ayun tinorta.
"Anong lasa?" tanong ng Mom ko.
"Masarap!" sagot ng Dad ko sabay thumbs up (masarap talaga ang ulam kapag nag-thumbs up ang Dad ko)
Nang magising ang kapatid ko (GY kse), dun nalaman ng Mom ko na Pedigree ang tinorta nya ... at parang gustong masuka ng Dad ko.
In fairness, hindi lang naman ang Dad ko ang biktima. Pati yung dalawang boy namin. Ang kaibahan nga lang, hindi nila alam.
Di tulad ng Dad ko.
So far, hindi pa naman sila nauulol at lalong-lalong hindi pa tumatahol ... pero parang kumikintab ang buhok.
Aw! Awoooo!
Binalibag Ni Choleng ng 5:14 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Blake it down!
Di kagalingang kumanta pero may dating. Parang si Sting or Adam Levine (of Maroon 5) na nagbi-beatbox. Pambihira! Tagal ko nang nanonood ng American Idol pero ngayon pa lang nagkaroon ng tulad ni Blake Lewis. Good fashion sense, unique, malakas ang loob at hindi takot sumubok ng bago. In other words, mahal ko na siya! 
Mas okay sana kung siya ang naging American Idol para maiba naman. Puro na lang bumibirit, this time, humihirit naman. Ang kaso, nanaig pa rin ang lumang lebadura pero okay na rin. Di hamak namang maganda talaga ang voice quality ni Jordin kay Blake. 
Di bale, marketable naman si Blake kaya I'm sure may career na rin sya (along with Sanjaya) at kung minsan nga, yung talunan pa ang wagi sa bandang huli. 
Para sa akin, si Blake ang American Idol. (Kiko and Pampig, you won!)
Tanong ko lang, bakit BShorty ang screen name nya? Maigsi kaya ang kanyang P? P as in Pasensya, hindi ko sinabing pototoy! (sama ng isip nyo!)
Binalibag Ni Choleng ng 12:22 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, May 20, 2007
Shit Bid
Ilang taon na ako dito, laging SA ang labanan. Ba't naging Stack Ranking?
It's so UNFAIR!
Binalibag Ni Choleng ng 12:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, May 19, 2007
Gala sa Galera
Wala akong balak sumama pero suwerteng na-approve ang 2 araw na leave ko kaya napagala ako ng Galera ng di oras. Just the break that I need!
Thursday [05.17.07]
3:01 pa lang, umalis na kami nina Richie, Len and Kathy sa JG para makahabol sa last trip. Ang kaso, pinaglihi yata kay Kuya Cesar ang bus na naturingang Calabarzon ang sign board eh parang sloth sa bagal. Awa ng Diyos, 6:30 na kami nakarating sa Batangas Port, 5:00 p.m. naman pala ang huling biyahe pa-White Beach. Ayos, naiwan kami ng last trip! Dun na kami pinapatulog ng guard sa port. Aircon naman pero wala utang na loob, wala kaming balak matulog sa dikit-dikit na upuan.
Suwerte at may nanay-nanayan si Len sa Lipa. Ayun, sa Renan’s World Dorm kami nagpalipas ng gabi, tapat lang ng La Salle. Ang bait ni Nanay Lucing, malugod kaming tinanggap at kahit bawal ang girls sa dorm, pinatuloy si Richie. Itinago nga lang.

Dormitory girls
Friday [05.18.07]
4 AM pa lang, nag-aabang na kami ng sasakyan sa main road ng Lipa, nakapag-taho na rin. Madalang ang bus kaya kahit jeep, pinatos namin. 5:15 nakarating kami ng Batangas Port at 6am eh lulan na kami ng M/B Brian. Bandang 7:15, nasa White Beach na kami.

Pa-cute muna sa Port 
Pa-cute ule onboard M/B Brian

Kanina lang malakas pa siya ...
Matapos makahanap ng matitigilan (dating gawi, Traveller's Inn) at makapag-breakfast kay Paul, snorkelling na kami. Hihintayin namin dapat si Clio ang kaso, nasa Lipa pa raw ang diyosa kaya lumarga kami ng wala siya.

Housemates 
Yey, snorkelling na kami! Isang balot na tasty bread ang dala namin at talaga namang enjoy magpakain ng fish. Nakakatakot nga lang kapag kinuyog ka ng mga isda. Feeling ko pati ako papapakin ng mga lekat! Pagka-snorkelling, nag-lunch na kami sa Manalo's. Saktong dumating na si Clio kaya sabay-sabay naming nilantakan ang inihaw galore meal. Parang dinaanan ng ipo-ipo ang inihaw na isda, inihaw na pusit, chicken kebab, ensaladang talong, bagoong ... wooh ... isipin ko lang naglalaway na ako!

Pose muna habang hinihintay ang order 
Hindi po si Kathy ang umubos ng food! 
Patak-patak ... O, Clio abonado pa ba? Pagkakain, paliguan na at walang humpay na kodakan. 
Mga bagong goli Tamang-tamang nasa kasagsagan ang pictorial namin nang dumaan sina Tata, Ken, Jem and Shawie na Galera rin. Pose na naman!

Galera Babes and Hunks
Nang mapagod sa pictorial, tulugan na. Bandang 4 PM, napagod sa kahihilata, iniwan namin ni Clio ang mga borlog at naglibot-libot sa beach. Konting shopping tapos nakipagchikahan kina Ken at Tata na inabutan naming naka-display sa buhanginan. Gusto pala nilang mag-banana boat kaya sabi namin ni Clio, susunduin lang namin ang mga sleeping beauty at sabay-sabay kaming mag-banana boat. So ayun, sinundo namin ang mga antukin na excited na nagsipagbihis nang malamang magba-banana boat. Ang kaso, medyo natagalan kaya pagbalik namin sa beach, nakaalis na sina Ken. Itinuloy na rin namin ang banana boat. P100 daw per head ang renta pero kung kami lang daw lima, P800. Sabi ko, "wag na lang!" Natakot yatang mag-back out pa kami kaya pumayag sa P100 kada tao, pinasulat kami sa logbook nila pero sana di na lang dahil puro aliases lang ang sinulat namin. Yes, Nicole, Rachel, Richard at siyempre, si Gina Lopez. (Len, nakalimutan ko ang alias mo) 
Banana bot Tinanong kami ng driver kung may laglag o wala. Sigaw namin "wala!" pero nang sinabi nang driver na ang thrill eh nasa laglag, pumayag na rin kami. Instruction lang na kapag itinagilid na ang boat, isunod na lang ang katawan at magpalaglag na. Ito namang si Clio masyadong masunurin. Unang liko pa lang, nagpalaglag na. Isang milya tuloy ang layo nya sa pinaglaglagan namin. Nakakatakot palang mag-banana boat ng madilim. Eerie. Ang impaktong driver, sa laot pa kami ibinalibag kaya nadagdagan ang takot namin, lalo na ako. Nang malaglag, pumikit ako at tahimik na nagdasal, "Lord, kayo na ang bahala sa pamilya ko ..." pero lumutang naman ako. Oo nga pala, may life vest pero kahit! Panic mode pa rin ako. Nahirapan tuloy akong makasampa sa boat. Ilang beses akong hinila ng batang apprentice (muntik na ngang pati sya eh malaglag sa bigat ko ... hindi, madulas lang talaga ang lotion) pero paulit-ulit akong dumudulas at nalalaglag sa tubig. Nakasampa lang ako nang tumulong na si Richie at nang finally makaakyat ako, unconsciously eh napamura raw ako. (Promise, hindi ko maalala!) Natakot yata ang driver sa mura ko kaya hanggang sa makarating kami sa pampang eh hindi na kami inilaglag. Diretso na ang iba sa room pagkasoli ng life vests pero kaming mga dalaga (Clio, Kathy at ako) saglit na nagtampisaw. Ligo galore tapos dinner sa Nikita. Mga isang taon yata bago dumating ang order namin at nawalan pa ng kuryente at ang tagal gumana ang genset pero sulit naman ang paghihintay. Masarap ang luto. Dahil sa pagod, di na namin nagawang gumimik pa ng gabi. Tulugan lang talaga. Talagang sinulit ang P2,200 na bayad.
Saturday [05.19.07 ] Talagang kinarir ng tropa ang pagtulog kaya mag-isa kong binaybay ang dalampasigan. Ang mga mokong, hindi alam kung ano ang nami-miss nila. Iba yata ang simoy ng hangin kapag 6 AM. Pag ganitong kaaga, sarado pa pala ang ibang stalls pero marami-rami na ring bukas. Tinapos ko na rin ang shopping at saka ako bumalik sa room. Saktong gising na ang diyosa at ang Kathy kaya nag-breakfast kami kay Paul tapos sinundan sina Richie at Len para sa huling hirit sa beach. 11 AM, bihis na kaming lahat, ready to be evicted. 
Dugong? Habang hinihintay namin ang pag-alis ng M/B Brian, nag-lunch muna kami sa Nikita. 
At home sa Nikita 
Last minute shopping Pagkakain, diretso na kami sa daungan ng M/B Brian at dun nalaman ni Richie na oo nga't round trip ang ticket namin, Commando ang sasakyan namin pabalik. Pinalitan daw ang ticket nang mag-board kami sa pier. Bad trip dahil nakabili na ng Brian ticket si Clio. Nahiwalay tuloy sa amin!

With Ken and Tata before boarding Commando
Mabilis din pala ang Commando at may added attraction pa. Kasakay namin ang "porn star" na pinagnasaan ni Clio sa beach. Sa sobrang pagmamahal ko kay Clio, lihim kong kinunan ng larawan si Papa.
 Paparazzi para kay Papa
Di tulad ng isang taon, wala kaming nakitang dolphin. Tanghali na kse. Di bale, nabusog naman kami kay "porn star."
Hanggang sa susunod na paggala.
Binalibag Ni Choleng ng 12:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, May 14, 2007
Election Day
Langya naman, ba't di gumawa ng special schedule para nakaboto man lang?
Lunes naman, Linggo sa States. Walang gaanong tawag kaya can afford gumawa ng matatawag na "Election Schedule." Yung kalahati boto sa umaga, the rest sa hapon. Puwede namang half-day PTO. Inaasahan pa naman nina Victor Wood at Kiram ang boto ko. I'm so upset.
Binalibag Ni Choleng ng 12:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, May 13, 2007
Inay ko po!
Mother's Day.
Isang oras na akong paikot-ikot sa Megamall pero wala akong maisip na ireregalo sa Mommy ko.
Cake? Eh hindi naman siya makakakain nun dahil bawal. Batik dress? Sus, puro backless na ayaw na ayaw nya. Hindi rin bagay sa tapsinging katawan. Panty? Eh kung marami pang stock. Spa certificate? Naku, ayaw nun ng minamasahe. Alangan namang regaluhan ko ng isang banig na Tarka!
Bago pa sumabog ang utak ko, umuwi na lang ako. Tanungin ko na lang kung ano ang gusto nya.
Tinanong ko nga.
Ay sus, nagpakahirap pa ako. Ito lang pala ang gusto.

Lotion lang pala ang katapat!
Binalibag Ni Choleng ng 12:18 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, May 12, 2007
Malaya nga ba?
Hindi lang birthday nina Anna, Vivi at Kiko Sibayan ang ipinagdiriwang ngayon. Independence Day ko na rin.
3 years ago, isa akong tulirong asawa. Should I stay or should I go ang drama pero nanaig ang pagmamahal sa sarili kaya heto ngayon, payapang namumuhay. Alone but not quite dahil buong puso akong tinanggap ng magulang ko. Siyempre, nagbalik si Choleng na tagalinis at tagaluto.
Tatlong taon na pala akong nakapuga sa impiyerno pero sa tuwing magbabalik sa isipan ko ang mga naganap, bumabaligtad ang sikmura ko.
Entonses, hindi pa rin ako ganap na malaya at magkakaroon lang ng kaganapan kung maalis ang Cruz na pinapasan ko.
Ang tanong eh paano?
Mamatay na sana ang lahat ng adik sa buong mundo!
Binalibag Ni Choleng ng 12:17 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, May 11, 2007
So Long, Pampig ...
Nasanay na akong pagbalik mula sa rest day, may email na si Pampig tungkol sa American Idol. Kung anu-anong komento, panlalait at kadalasa'y palitan nila ng kuro-kuro at asaran ni Pwantit (Kiko Deang), isa ring kakosa sa larangan ng American Idol. Nagtaka ako kung bakit nung araw na yun (Friday) walang email ang Pao. Naisip ko, siguro daming trabaho.
Yun pala, may masama nang nangyari. Isang rumaragasang motorcycle ang nagbigay-tuldok sa makulay na buhay ni Pampig.
Parang kailan lang, inirereklamo pa siya sa lakas ng boses. 1,000 decibels ba naman! Nakakaloka rin ang tampuhan nila ni Toots, ni Gee at ang pagkaasar nya kay RJ.
Bihira mang magkita, tuloy naman ang chikahan sa email. Huli kaming nagkita nung Yearend party at nang muli ko siyang nakita nito nang wake nya.
Ayokong isipin si Pampig sa walang buhay nyang anyo. Gusto ko siyang isipin sa Pampig na kilala ko.
Ganito:

May you rest in peace, good friend.
Nabawasan ng isang masugid na tagasubaybay ang blog ko.
Binalibag Ni Choleng ng 12:14 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, May 10, 2007
Waaah ... di ako kasama sa SAGADA!!!
Two consecutive years kami'ng nag-outreach sa Camiguin, Babuyan Islands. This year, Sagada naman pero sa kasamaang-palad, hindi ako nakasama sa activity ng Metanoia. Paano ba naman, Wednesday night ang alis tapos Monday na ang balik. Kumusta naman ang leave ko. Sobrang matagal akong mawawala, paniguradong hindi ako papayagan kaya hindi ko na pinursigi ang leave ko.
Nagkasya na lang ako sa pakikibalita sa mga ka-choir ko. Text-text. Sayang, hindi pa naman ako nakakapunta sa Sagada. Maganda raw. Siyempre, close to nature.

Pinuntahan daw nila ang hanging coffin. (Susme, paano kaya nila naibitin ang mga ataol?)

Next year, Sagada raw ulit at request ng parish priest, mga dalawang linggo ang choir dun.
Good luck sa akin!
Binalibag Ni Choleng ng 12:13 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, May 02, 2007
Now I'm working!
Nakailang-Labor Day na rin ako sa PS pero dahil enjoy naman ako sa trabaho, wala akong "labor" na nararamdaman.
Ika nga ng pamoso kong signature, "I never work and I never will."
Iba na ngayon.
"I always work and I always will."
Hay, buhay obrero!
Binalibag Ni Choleng ng 12:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, May 01, 2007
Meet the All Stars!
Team meeting?

Ay, oo. Team meeting!

Chie, Bob ... nag-iisip ba kayo ng isusulat sa Activity Tracker? ...

... O may naamoy kayong hindi kanais-nais?
JuicePogi, ikaw ba yan?
Binalibag Ni Choleng ng 7:44 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
|
|