BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, May 28, 2008
Gwin
After black, here comes green.
Doc, kailangan green din ang hair?
Binalibag Ni Choleng ng 7:22 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, May 27, 2008
AI Cooked
Mula sa bundok ng Bontoc nalaman kong nanalo ang manok kong si David Cook.
Yes, nanalo ako sa pustahan! Free lunch, Mr. Tamayo!
Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Mula sa alapaap
Mga tao, bagay at pangyayari na hindi ko makakalimutan mula sa biyahe ng Metanoia Choir sa Bontoc at Sagada:
1. Ang Cable Tour bus na naunsiyami ako noong una dahil makitid at hindi kasing kumportable ng double-decker bus na sinakyan namin papuntang Aparri, sobrang lamig pa. Nang tahakin namin ang makikitid na daan paakyat ng Mountain Province, naunawaan ko kung bakit. Tindi ng biyahe. 8:45 PM kami umalis ng Manila, 8:45 AM kami dumating ng Bontoc. Dose oras!
Biyaheng Bontoc
2. Ang mala-post card na tanawin mula Ifugao hanggang Bontoc at Sagada. Ilang beses akong napanganga sa ganda!
3. Ang retreat house na tinigilan namin na mas kilala sa pangalang Teng-ab Pastoral Complex na sa sobrang pagka-overwhelm ko sa magandang tanawin eh nakalimutan kong ipagtanong kung ano ang ibig sabihin ng Teng-ab. Basta, Teng-ab.
Teng-ab Pastoral Complex
Clockwise: Long shot of Teng-ab from the palengke; Teng-ab corridor; Tambays; Building na tinigilan namin
4. Ang Teng-ab Chapel. Kahit hindi ka religious mapapadasal ka sa sobrang serene ng lugar.
5. Si Rev. Fr. Noel M. Bantiyan, Rector ng Teng-ab Pastoral Complex, Fr. Noel for short. Sing-init ng bagong kulong tubig ang pag-estima n'ya sa amin.
Metanoia with Fr. Noel (yung naka-gray na nakahalukipkip ... oo, priest sya)
6. Si Val na may malay. Ang magiting na pastoral worker na walang sawa sa pagtulong sa amin at siyang naging "bugaw" namin sa Bontoc. Dahil sa kanya, kung saan-saan kami nakarating.
Si Val at ang astig naming van. 4WD, pare!
7. Ang encounter namin with Missionaries of Charity Brothers at Rev. Fr. Martin Jäggi , Retreat Master ng Teng-ab. Tsura ng United Nations -- may Swiss, Indian, Korean, Indonesian, Chinese ... lamang siyempre ang Pinoy.
With Missionaries of Charity Brothers and Fr. Martin (bearded)
Outside the chapel
8. Ang jamming namin with the Teng-ab pastoral workers. Kinantahan muna namin sila tapos sila naman. The best ang "blessing dance" na itinuro nila sa amin. Pati si sister hataw!
Teng-ab pastoral peeps
Kodakan with the pastoral workers
9. Ang pagtunog ng kuliling bilang hudyat na kakain na. Saraaap!
Breakfast!
10. Ang maaliwalas na kusina ng Teng-ab at ang masasarap at nutritious na pagkain (foreigner pa ang dietician, huh). Puwedeng dito na ako tumira?
11. Ang pagrampa namin sa Bontoc at ang trekking slippers ni Pao. Havaianas yan!
Top to bottom: Kami palabas ng Teng-ab; Kulitan sa bangin; Ang Havaianas ni Pao.
View of Bontoc from Teng-ab. Beautiful!
12. Ang Bontoc Museum. Bawal kumuha ng picture sa loob kaya walang larawan ng "all-things-Bontoc." Agaw-atensiyon ang karatula ng CR sa loob ng museum. Bugan for ladies, Atan for men. Kapag gay daw, Bugatan. Nice!
Outdoor Pictorial: Ato, Ulog, Baboy, Bul-ol Atbp
Pulong-pulong sa Ato -- Ato or "council"
Shopping for souvenirs sa museum
Serenade for Sister. Wala bang discount sa souvenirs namin?
Kulitan sa Museum Entrance
Munisipyo
Bayan
Pahinga muna sa Ato. Yes, feeling council of elders lagi.
13. Ang nakakaurong ng itlog na hanging bridge na umuugoy at umiingit ang lubid sa sobrang lakas ng hangin. Kapag nalagot, rumaragasang ilog ang babagsakan mo. Sa simula lang naman pala nakakatakot. Matibay naman pala at sabi nga ni Val, kapag may inililibing sabay-sabay pa ngang nagdadadaan sa tulay. Sanayan lang.
57% of the choir na nagtangkang tawirin ang hanging bridge. Kudos!
14. Ang Bul-ol. Anito ang tawag ko, rice god daw sabi ni Sister pero mas bagay yatang tawaging fertility god gawa ng "kalembang."
Bul-ol at feeling Bul-ols
15. Ang pagdalaw namin sa panlalawigang presinto. Medyo gloomy ang atmosphere, nataon pang umuulan. Nagkaiyakan ng kinantahan namin ang mga preso.
Suko na po!
16. Ang 1-2-3 Pass sessions at ang mahiwagang baby powder ni Joy. Wala kseng TV sa retreat house kaya ito ang naging libangan gabi-gabi, isama na rin ang tong-its at Charade.
Mga taong-baby powder! Gaganda!
17. Ang Dumag-ok Falls o Big Falls ng Sagada. Mga isang oras ang trekking pababa ng bundok pero sulit naman. Ben-gay pagkatapos.
Trekking papuntang falls
Dumag-ok Falls
Joy with Doctora and injured French gal. Sige, ngiti kahit wasak ang binti
Massage session with Wish Ko Lang boy. P20 lang.
18. Ang pamosong Sagada hanging coffin. Hindi ko ma-imagine kung pano nailagak ang kabaong sa bundok. Effort!
19. Ang Sumaging Cave. Ito ang hindi ko talaga makakalimutan habang nabubuhay ako. Muntik na akong mag-backout nang makita ko kung gaano kadilim, katarik at kadulas ang bababaan pero mas nanaig ang takot kong maiwanang mag-isa sa entrance ng cave kaya sumama na rin ako. Worth it naman dahil ang ganda ng stalactites at stalagmites, may libreng bat shit (and weewee) pa. Sheeet!
Elephant and King's Curtain formation with rappel on the side
Alligator formation daw
Alligator formation nga. Tinakpan kse namin ... hehehe ...
20. Ang guide ng cave. Eksperto, strikto at English-speaking (sayang, wala siyang picture dito) Bago bumaba ng cave, he made it clear na kailangang sumunod sa instructions n'ya at bawal ang pasaway. Bawal talaga dahil isang maling kilos mo, orthopedic hospital ang bagsak mo or worst, samahan ang mga kabaong sa Echo Valley.
With assistant tour guide. Yes, ginawang hat ang lantern
21. Ang pagkanta namin sa Capinitan, Sabangan (Mountain Province pa rin). Ilokano ang misa, Tagalog-English ang mga kanta namin. Swak pa rin. Nangako naman si Father na hindi nya kami "ibebenta."
Metz after the mass
Our Lady of Miraculous Medal Parish
Ang offering - gulay at prutas ... all organic!
22. Ang "mahiwagang palikuran." Promise, dalawang bahay ang naki-CR kami, pareho ang porma. Hirap i-shoot, huh!
3 points!
23. Ang "nilalangaw" na bus papuntang Baguio. Literal na nilalangaw ha. Hindi ko alam kung saan ang source pero maraming langaw. Hindi naman amoy basura ang ordinary bus at lalong hindi naman kami amoy ulam!
"Fly" me to Baguio
24. Ang mega-fog ng Benguet. Grabe, first time kong naging kapantay ang ulap. Ale, nasa langit na ba ako???
Alapaap
25. Ang tatanga-tangang security guard ng Victory Liner. Tinanong ko kung saan may BPI ATM, sa SM lang daw. Hangos kami ni Joy ng SM, effort dahil paakyat tapos tinakbo naming pabalik ng Victory Liner dahil biglang umulan only to find out pagbalik na may ATM naman pala sa Victory Liner. Putsa! Nakadalawampung PI yata ako. Malulutong!
Hay, daming ala-ala, daming karanasan at pangyayari na tunay namang life-changing. Pinababalik kami ni Fr. Noel at ni Val sa December. For sure mas maraming activities at pampasakit ng kalamnan. Malamang sumama ulit ako pero tingnan muna natin.
Hanggang ngayon masakit pa ang buto-buto ko!
Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, May 18, 2008
Bongga ka, Boy!
Aaminin ko.
Nanood ako ng "Ikaw Pa Rin."
Oo na, nungkang manood ako ng pelikulang Tagalog, kahit Robin Padilla pa ang bida. Sa mahal ba naman ng sine ngayon, ang tagalog movies ay pang-DVD lang (Chairman Edu, practical lang!) kaso yun ang trip panoorin ng tropang yaman-yamanan kaya nakisama na rin ako ng panood.
Hmp! Panay pa ang paliwanag ko eh nag-enjoy din naman. Okay, mababaw ang plot, maraming eksenang corny at predictable at kailangang likas na jologs ka para maintindihan ang ibang jokes pero entertaining din naman bukod pa sa may bonus kilig factor sa tuwing eeksena ang soul mate kong si Binoe. Nakakairita lang ang sobrang pagliyad ng dibdib ha!
Ang KOC, dahil bihirang magkita-kita documented lahat ng gimmick. Hayan, mag-kodakan ba sa harap ng sinehan (langyang takilyero, ayaw kaming kunan ng picture. Buti na lang expert na i Ed sa pagkuha ng camera na siya ang bida)
O ayan, may proof na ako na hindi ako mag-isang nag-Ai-Ai-Binoe.
KOC, sa susunod quality movie naman ha!
Binalibag Ni Choleng ng 9:08 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, May 15, 2008
Battle of the David's
At naganap ang dapat maganap, natira ang dalawang David. Magandang laban -- rocker vs. balladeer. Sino kaya ang mananalo? Depende sa boto pero kung ako ang tatanungin, mas boto ako kay Cook. Si Cook kse, kumbaga sa house help, all around. Hindi lang pang-rock, puwede rin sa ballad, R&B at classical di tulad ni Archuleta na namimili ng kanta at slow music lang ang forte. Yun nga lang, may tulog si Cook kay Archuleta kung botohan ang pag-uusapan. Mas mahilig kseng bumoto ang teenagers at mga mujer na syang fan base ng batang David. Abangan na lang natin. Iniisip ko kung ano ang opening number ng dalawa: "The Girl is Mine," "Ebony and Ivory" or "Say, Say, Say?" Hindi kaya "I Want to Break Free?"
Binalibag Ni Choleng ng 5:24 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, May 14, 2008
Sowsyal!
Takot akong sumakay ng jeep kapag alam kong isa na lang ang kulang. Sa 38 ko ba namang balakang, hindi ito puwedeng "pamasak" lang. I should know. Ilang beses na kayang nangalay at nangalog ang hita ko dahil isang puwet ko lang ang kasya sa space na sabi ng driver eh maluwag pa at sampuan daw?
Kaninang umaga, dahil sa pagmamadali at sa takot kong ma-late, kahit sinabi ng driver na "isa na lang" at alam kong sasabit ako, sumakay pa rin ako. Tama, sabit nga at kamalas-malasan, may nakaupo nang mas mataba pa sa akin. Ipinagsiksikan ko ang puwet ko sa kakapiranggot na space.
"Ouch!" angal ng lalakeng katabi ko.
Tiningnan ko ang lalake. Naka-t-shirt at shorts, may bag sa paanan. Laman? Gamit ng karpinteryo.
Ang asiiiim! Nasiksik ko lang ang magaspang n'yang balakang, "ouch" pa.
'Dre, aray yun sa tagalog. Mas feel.
P.S.
Supladito o naawa sa akin, matapos ang paulit-ulit na pagdulas at pagsiksik ng puwit ko sa espasyong 1/4 lang yata ng puwit ko ang nakasayad, sumabit na lang si Ouch, iniwan ang bag sa kasama nyang uring manggagawa.
Kisig!
Binalibag Ni Choleng ng 6:11 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, May 13, 2008
Blah Black
Naubusan na ng "feasible" theme sa office dress code kaya color coding naman ang napagkasunduan at bilang paggunita at pagluluksa na rin sa "istokwa" anniversary (May 12) ko, itim ang napagkasunduang kulay.
Mano Po, PS Edition
Best Dressed - Vavavoom Hazel
Alin ... alin ... alin ang naiba?
Nor, ang kamay mo ... Ash! Ash! Ano raw ang dress code next week? Purple, sagot agad ni Nor. Yun pala may bagong purple blouse. Ayos, di ko masyadong paborito ang purple. Hindi, ah!
Binalibag Ni Choleng ng 6:09 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
|
|