<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, September 29, 2008

Ang tamban ... bow!
Photobucket

Palengke day.

"O, Tita. Bili na ... tamban ... tambaaan ..." alok ng tindero.

Lapit naman ako dahil paborito ko talaga ang tamban. Masarap na, mura pa. Imagine, P35 lang kalahati. Malalaki ang tamban ng mama pero napansin ko, may nakahalong peke. I should know dahil ilang beses na akong nagkamali. Meron kseng isang klase ng isda na mukhang tamban, wala lang kaliskis. Ibinebenta as tamban pero hindi sing-linamnam.

Sabi ko, "Puwede ako na lang pumili? May nakahalo kseng hindi tamban."

"Tamban po yan," giit ng tindero.

"Weeeh," sabi ko ko. "Ayan o, merong walang kaliskis."

"May kaliskis po yan, natanggal lang."

Ayaw ding patalo eh.

Binalibag Ni Choleng ng 7:31 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 28, 2008

FPTO
SVPTO ... PPVTO ... iba-iba'ng acronym, iisa lang ang ibig sabihin...

Pahinga muna, anak.

It's baaaaaack!

Binalibag Ni Choleng ng 7:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 27, 2008

Happy Birthday, Mama!
Photobucket

Clockwise: The girls; The boys; Kiko's girls; Pulong-pulong sa patak-patak; Singilan na; Was Taco; Birthday girl and the "surprise" gift

Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, September 24, 2008

Salamat, Doc
Tagal ko nang gustong makita si Doc at tiyempo namang alas dos ang labas ko at napaunlakan nya ang pina-schedule kong prophylaxis. Suwerteng libre rin si Clio kaya nagkaroon kami ng instant reunion.

Kung sadyang mabilis ang biyahe mula Ayala hanggang San Pedro o nalibang lang ako sa kuwentuhan namin ni Clio eh hindi ko na napansin. Basta bago mag-4:00, natanaw na namin ang mahiwagang manok ni San Pedro at sa tulong ng detalyadong direksiyon ni Doc via cellphone eh nakarating kami sa klinika niya.

Wala pa si Doc at magsa-shower daw kaya nag-uzi muna kami sa klinika n'ya and guess what we found? Si Doc, sariwang-sariwa ... larawan ng kawalang-malay!

Photobucket

Mga kinse minutos pa lang kaming nag-uusyoso, dumating na si Doc in all his fragrant glory. Business with pleasure, chikahan muna bago linisan. Siyempre, lots of catching up to do, kuwentuhan at tambay muna kami sa tapat ng clinic. Saglit na nahinto nang dumating ang pasyenteng nagpakabit ng pustiso, itinuloy ang pagtalakay ng maiinit na issue sa Chowking. (namputsa, doctor pa ang nanlibre sa patient!)

Photobucket

Parang nasa harap lang ng club, ah!

Photobucket

Mamasang???

Pagkameryenda, balik kami sa klinika at sinimulan na ang procedure. First time kong ma-encounter si Doc, iba pala kapag friend mo mo ang dentist. Fine, magaling at metikuloso pero may simpleng banat. Hiritan ba naman ako ng "for a 4o year old, maayos ang ngipin mo ..." at may pahabol pang "nagtu-toothbrush ka pala!" In fairness, dami nang dentista'ng kumalkal ng bibig ko pero sa kanya lang ako nakaramdam ng tunay na linis (mag-testimonial ba!) Hanggang ngayon nga habang sinusulat ko 'to, tumitibok-tibok pa nga ang gums ko. Tsura ng niraspa!!!

Photobucket

Doc in action

Doc, salamat sa meryenda at sa hindi pag-max out ng card ... hehehe. Asahan mo, babalik ako in 6 mos para muling magparaspa ng gums. Kaka-addict eh. (Hope naibigan mo ang munting birthday gift ko sa yo. Nawa'y magdala ng suwerte, hindi takot ... hehe)

Clio, sana makasama ka ulit. Masarap namang humilata sa sofa ng klinika di ba?

Photobucket

At home!

Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 18, 2008

Shooooooes-maryosep!
Hindi naman gaanong mainit gawa ng pag-ulan ng mga nakaraang araw pero pinagpawisan ako ng malapot. Eh pano, napigtal ang shoes ko. Okay lang sana kung ngumiti lang o nabali ang takong, isang Mentos lang solb na yun, pero hindi eh. Pigtal!

PhotobucketKaya pala habang naglalakad ako along Ayala terminal naramdaman kong lumuwag ang kanang shoes ko. Nang pagmasdan ko, napigtal pala ang isang strand. Buti na lang nakakabit pa ang isa kaso baka bumigay na rin anumang oras kaya isinantabi ko muna ang pagpunta sa Ace Hardware. Dali-dali akong sumakay na sa FX para agad na makauwi.

Tiyempo, adik ang driver ng nasakyan kong FX kaya 20 minutes lang, nasa Taguig na kami. Tamang-tama, pagbaba ko ng FX, may nagdaang jeep Tipas. Atat kong pinara at akmang sasampa pero laking gulat (at dismaya) nang naiwan ang kanan kong sapatos. Binalikan ko at inakalang dumulas lang sa paa ko pero hindi, napigtal na palang tuluyan.

Photobucket"Mama, sandali," sabi ko sa driver, binitbit ang pigtal na sapatos at sumampa sa jeep. Pag-upo, muli kong isinuot ... este, tinapakan ang sirang sapatos. No choice, kaysa naman paghintayin ko ang driver pati mga pasahero eh di bitbitin na lang! Kung ano ang reaksiyon ng mga nakakita, hindi ko na napansin at wala na akong pakialam. Iniisip ko kung ano ang gagawin pagbaba ng jeep. Malayo-layo rin ang bahay namin mula sa babaan.

Lalakad ako ng yapak? No way!!!

Tinext ko ang Mommy ko: Mom, pakisundo ako sa babaan. Nasira ang shoes ko, maglalakad ako ng yapak pauwi. Nandito na ko sa munisipyo. Laking pasasalamat ko ng sumagot agad ang Mom ko: Coming.

PhotobucketAt kailangan ko na ngang bumaba. Kalbaryo at kahihiyan ulit pero wala na akong pakialam. "Ma, Para!"

Tulad ng ginawa sa pagsakay, binitbit ko ng kanan kong sapatos at walang anumang bumaba. Kaliwang sapatos lang ang suot at angat ang kanang-paang kinawayan ko si Mudra na agad namang lumapit sa akin at iniabot ang dalang sinelas.

Maalikabot at off-shade sa attire ko ang sinelas pero pakiramdam ko, si Oscar ang iniabot sa akin. Pang-asar, nagsimula pang pumatak ang ulan pero wala na akong pakialam. Labis-labis ang kaligayahan ko dahil hindi ako naglakad ng yapak at hindi nagkatibak ang paa ko. Malayo pa ang Mahal na Araw, noh!

Idedemanda ko ang Mario D Boro!

Trivia:

Minsan nang na-feature ni TH ang shoes ko sa blog nya. Akalain nyong isang taon na pala ang shoes ko. Kaya pala napigtal!!!



Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 6:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 16, 2008

Funny Pics
Bedsheet

Photobucket

8-legged boarder
Tama ba namang gawing nursery ng dyaskeng gagamba na to ang CR namin?

Photobucket

Kayo na, Tata?

Photobucket

Yo, Mama!

Photobucket

Wat da ... Jenny!!!

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 2:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 11, 2008

Purbida Gyud!
Hindi pa man natatapos ang pagdudugo ng tenga ko sa binisayang Low, Crank That at Smack That, heto naman ngayon at panay ang alingawngaw sa ere ng tinagalog na Umbrella, Clumsy at makabagbag-damdaming Bleeding Love.

Okay lang namang mag-tagalize or bisayanize (wat da!) pero para kumuha ng singer na kaboses ng original, ano'ng drama yun? Nakakasulasok pa yung ginagawa ng mga DJ na alternate na pinapatugtog ang original saka impostor.

Hay Pinoy talaga, hilig sa pirated. Uuuutang na loob. Puwede namang mag-compose, di ba?

Binalibag Ni Choleng ng 5:08 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 08, 2008

Happy bday, Kuya Emjhay!

Photobucket

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 5:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 06, 2008

Ang pa-burger ni Father
Pagkatapos ng birthday mass ni Father Nolan kung saan Metanoia ang kumanta, pinapunta nya ang lahat sa dining hall ng San Carlos para sa pa-burger nya.

Ibang klase'ng magpa-burger si Father.

PhotobucketPhotobucketPhotobucket
Father's birthday bash

Complete meal!

Photobucket

Ah, complete meal talaga. Mukha lang simot ang mga pinggan pero puno yan kanina! Thanks, Father Nolan. Hanggang sa susunod na kaarawan!

Binalibag Ni Choleng ng 5:56 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 01, 2008

Best Washes
Especially for Mr. and Mrs. Santos ...

PhotobucketPhotobucket

Best washes. Medyo mahirap labhan yan.

Salamat at may official team shopper, may konting ala-ala sa bagong mag-asawa.

Binalibag Ni Choleng ng 8:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com