<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, January 28, 2010

43 and counting ...
Bahagi ako ng planning committee pero dahil may pasok ako, hindi naman ako naka-attend.

Okay lang naman dahil tagumpay ang plano. Napaniwala namin ang mag-asawa na balewala sa aming magkakapatid ang araw na ito pero ang hindi nila alam, may surprise dinner kami na inihanda courtesy of During's. Kaya naman ng dumating na ang biniling pagkain, halatang nagulat ang dalawa. Well, medyo lang daw dahil nararamdaman nila na meron kaming binabalak at alam din na hindi namin matitiis na hindi iselebra ang importanteng araw na ito.

Photobucket

Cake pa?

Photobucket

Waah ... wala ako!

Happy 43rd Wedding Anniversary, Mom and Dad. Hopefully sa susunod na taon makasama na ako.

Binalibag Ni Choleng ng 9:03 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, January 23, 2010

Ay-Max!!!


Ilang linggo nang palabas at nakabili na rin ng DVD copy ang kapatid ko pero hindi ko pa rin pinanood kahit malinaw at may kalakihan din naman ang TV namin. Katwiran ko, ang pelikulang tulad ng Avatar na batbat ng special effects ay nararapat lamang panoorin sa pinakamalaking IMAX sa MOA.

Hay, IMAX. Panahon pa lang ng Superman Returns noong 2006 binalak ko nang manood dito. Mabuti na lamang at matapos ang apat na taon, heto at nakatapak na rin ako kasama ang utol at pamangkin ko. Grabe, may nakakahiya pa'ng nangyari.

Nakadanas din!

Ganito k'se yun.

Galing ako ng shift at napilitang bumangon ng 12:00 ng tanghali para makahabol sa screening. Pagdating sa MOA, nagmeryenda muna k'me sa Jollibee tapos nag-take out ng kape sa Starbucks na natimpla lang namin nang nasa loob na ng IMAX kaya malamig pa sa ilong ng pusa ng mainom.

Anong kinalaman ng kape sa IMAX o sa Avatar? Eto yun.

Manghang-mangha ako sa pelikula. Sobrang laki ng screen kaya feeling mo, bahagi ka ng pelikula. Kakalahatian, nagsimula akong mahilo at mangasim ang sikmura. Kung dahil sa kape o dahil kulang ako sa tulog o sobrang laki ng screen at hindi nakayanan ng mata ko ang mga movements, hindi ko alam. Basta ang alam ko, sukang-suka na ako at feeling ko, "lalabas na" right there and then.

Alam kong nakakadiri pero wala akong choice. Yung baso ko ng kape, itinapat ko sa bibig ko para kung sakaling masuka man ako, may pansalo (yuck!). Awa ng Diyos, hindi naman tumuloy. Natapos at naintindihan ko naman ang pelikula habang pasimple akong duduwal-duwal.

Walang 3D glass yung camera kaya blurred ang shot

Palabas ng IMAX

Paglabas ng IMAX, takbo ako agad sa CR. 'Yun palang LBM at masusuka, pareho lang ng pakiramdam. Gusto mo'ng ilabas agad at ganun nga ang nangyari nang mapasok ako sa cubicle. Lahat ng kinain at ininom ko mula kagabi, labas. Kadiri talaga pero ano'ng magagawa ko, nangyari na.

Hinang-hina at mahilo-hilo ako pagkatapos. Feeling ko walang kalaman-laman ang tiyan ko kaya nag-dinner na k'me sa ChowKing. Medyo gumanda ang pakiramdam ko nang malamnan ang tiyan ko pero matapos ang ilang minuto ... nakupo, nahihilo at feeling masusuka na naman ako kahit hanggang pag-uwi.

Uulit pa ako sa IMAX? Oo naman pero sisiguruhin ko na kumpleto ang tulog ko at hindi na ako iinom ng mamahaling kape.

Gwark!

Binalibag Ni Choleng ng 9:02 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, January 17, 2010

Happy Birthday, Ligaya!

At the Guererro's

Clockwise: Jomarie, Paeng, Choleng, Gorby, Papa Boyet, Raffy, Papa Mike, Match and the birthday girl, Ligaya. Salamat sa mahigit isang dekadang pagpapaligaya sa KOC. Mabuhay tayong lahat!

Binalibag Ni Choleng ng 9:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, January 03, 2010

Holidays are over ...

Ang nagdaang Pasko at Bagong Taon na hindi ko gaanong nanamnam

Binalibag Ni Choleng ng 10:33 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, January 02, 2010

New Year a la Jai Ho
Photobucket

Gaya ng napagkasunduan, 12 NN, gagala-gala na kami ni Anz sa PS. Wala pa si Gab (as usual) kaya nagnenok na lang kami ng Chowking Lauriat sa Command Center (dami k'seng extra, pakain ng PS sa mga naka-duty ng New Year ... bakit, naka-duty naman kami ah?)

Saktong binabanatan na namin ang Happy meal ... este, lauriat, dumating si Gab, pinasalo na namin sa instant piging. Makakain, sinimulan na namin ang practice sa 3/F conference room (the official Idol room) at bandang 5:00 PM ay lulan na kami ng taxi kasama si Jayvee dahil kailangang 6 PM, nasa Shangri-la Hotel na raw.

Photobucket

At the Shang

Photobucket

Practice session (Weh!)

Maaga pa kami sa venue kaya maraming oras para mag-practice (dun k'me pinatambay sa Paranaque Room), humilata, mag-ikot-ikot sa hotel at maglaro (english ang salita kapag nakatapak sa carpet, tagalog kapag tiles -- sira ka talaga, Anz!). Mukhang matatagalan pang i-serve ang dinner at mukhang walang Pinoy Food sa sa menu (syempre, Indian ang may birthday) kaya nagpaalam kaming tatlo kay Jayvee at nag-quick dinner sa Jollibee Landmark. Pagbalik ng mga 8:00 PM, nagsimula na kaming mag-ayos (yes, kanya-kanya kaming ayos) pero mga bandang 9:00 pa kami ipinatawag.

Medyo nakakakaba dahil puro Indian ang nasa okasyon except Bong Borja, si Jayvee, si Iggy Boy na photographer, as usual, at saka yung tarot card reader na nakalimutan ko ang pangalan. Ay, meron nga palang string quartet pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maki-jamming sa kanila dahil tinawag kami nung break nila.
Bago kami sumalang nina Anz at Gab, nag-request pa si COO Rajiv na puro 60's or 70's ang kantahin namin, yung mga Engelbert Humperdinck daw ... nanangkupow! Sana sina Pilita Corrales at Diomedes Maturan ang inimbitahan nila! Anyway, kanta na rin. Wala naman silang magagawa kung hindi mula sa dekadang gusto nila ang repertoire.

Ako ang unang performer. Force of habit at gawa na rin ng katabilan ko, medyo may speech pa ako ng konti sa simula, 'yung mga effect na sana magustuhan nila ang kanta namin, batiin ng Happy Birthday ang may kaarawan pero dahil di ko nga ka-close yung may birthday, nasabi ko ba namang "Happy Birthday, Mister Manju" yata yun ... huli na nang maalala kong babae nga pala yung may birthday kaya bawi ako agad ng "Miss Manju" Ha! Ha! Nagsalita pa k'se, sana kumanta na lang.

Ang usapan, salitan kami ni Anz ng pagkanta tapos ending yung duet. Ang kaso, pagkakanta ko ng Inseparable at aktong bababa na ng stage, sumigaw yung one-of-the-owners-of-Essar ng "one more!" Eh di balik stage ako. Ang Gab, di tumitigil ng pagtikla sa piano, akala ko naman segue na yun sa second song ko na Fallin so may-I-humming na ako. Ang Gab, tumitigil ng pagtugtog at ang sabi, "What's that song again?" or something to that effect.

Photobucket

With Gab

Photobucket

Serious kunwari si Choleng

Ha! Ha! Blooper na naman pero deadma, matapos kong sabihing yung second song (EOP ha, sabagay nakatapak naman kami sa carpet!) nakanta naman ng maayos ang Fallin (as usual, medyo nakalimutan ko ang lyrics pero nalusutan naman).

Matapos kong kumanta, ipinakilala ko naman si Anz (ang asim, may taga-introduce pa!) Suwabe at maganda ang pagkakakanta niya ng The Way You Look Tonight at No One Else Comes Close. Habang kumakanta si Anz, doon ako pinaupo sa table ng pamilya ni COO Rajiv. Chinika ako ng asawa nya, tinanong kung may formal training daw ba ako dahil plano n'yang paturuan ang anak nya. Sabi ko wala, inborn lang. Gusto ko sanang sabihin, "Genes, pare!" kaya lang baka sabuyan ako ng melon juice. Ihanap ko raw ang tutor ang anak nya, somebody from Makati at willing na magturo sa bahay nila (in EOP malamang ... nose bleed!) Sabi ko, oo. Si Jas na yun! (Jas Calpito, APS Idol 2008)

Photobucket

Anz and Gab

Photobucket

The Prince of Darkness ... este, Soul

Nang matapos si Anz, muli akong umakyat sa stage para kantahin ang inihanda naming duet, pero bago 'yun, ipinakilala ko muna si Gab sa audience at sinabing isa rin sya sa mga Idols (baka akalain nila pianista lang na just-just). Pagkakanta namin, lapitan ang mag-asawa ni Rajiv pati na ang taga-Essar at ang asawang may kaarawan saka familiar faces na nagwo-work sa APS. Ang galing daw namin, kung kinakanta daw ba namin ang ganito ... wow, feeling artista kami.

Sa sobrang tuwa ni Rajiv, ini-announce sa party na gagawaran n'ya kaming tatlo ng P100,000 educational fund para sa enhancement ng talent namin. Tuwang-tuwa kaming tatlo, lalo na si Gab na nawala ang antok at pagod dahil sa narinig na balita.

Photobucket

With the birthday celebrator and Mr. Essar

Matapos kaming pagkaguluhan (naks!) at sandaling kodakan, balik kami sa Paranaque Room para mag-dinner. Tamang nag-Jollibee na kami dahil Indian cuisine nga ang menu. Wala akong nakain kundi mga fruits at dessert.

Photobucket

Cheers!

Photobucket

Main course

Photobucket

Maasim?

Photobucket

Maasim nga!

Photobucket

Etong gusto ko ...

Photobucket

Saka eto ...

Photobucket

Maghubad tayo ng shoes habang kumakain, why not?

Hay, past 12 midnight na ako nakauwi ng bahay. Imagine, ang halos kalahati ng aking New Year ay ginugol ko sa piling ng mga Idols at Jai Ho community? Ang taun-taong New Year's Party kasama ang pamilya ay ni hindi ko nasilip?

Photobucket

Na-miss ko 'to!

Tsk ... tsk ... tsk ... ganun talaga. Part and parcel 'yan ng pagiging APS Idol. I just have to deal with it. Anyway, 100K divided by three.

Wow!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, January 01, 2010

My Tops for 09
Photobucket

AI Season 8

Keber na ma-late ako pagpasok basta walang mintis ang pagpanood ko mula elimination hanggang finals. Kakaloka na ang dark horse na si Kris Allen ang nanalo. Hindi pa siguro handa ang America na magkaroon ng American Idol na becky.

Transfer to Eyab

Kontrobersiyal man pero nalipat din. Ikaw ba naman ang mag-train ng ilang linggo tapos ibang tao ang kukunin pero tapos na yun. Nalipat din ako, yun ang mahalaga.

Dampa with DR Peeps

Hindi ko pinalampas ang kahuli-hulihang huling hirit ng DR sa Dampa. Totoo na talaga. This is it! It's the end of the line for DR matapos ang halos 6 na taon. Nakakalungkot pero talagang ganoon. Some good things never last.

Trip to Bangkok

Isang bagay ang natutunan ko sa pagbiyahe sa Bangkok. Magpapalit kaagad ng pera nila bago ka dumalaw dahil kahit anong dami ng Philippine peso ang dala mo, balewala dahil wala (o mahirap) makakita ng mapagpalitan ng baht.

Metz outing sa Hundred Islands

Unforgettable ang ganda ng Hundred islands at ang kalunos-lunos na kagalayan ng Alaminos matapos bayuhin ng bagyong Emong.

MJ's death

Deadma at tila laos na pero ilang linggong uminog ang mundo kay Michael Jackson nang mamayapa ang King of Pop. Hay, sayang ang talento.

Ondoy, Pepeng and Santi

Tatlong bagyo na ibinuhos ang galit sa Luzon at Metro Manila. Lintik lang ang walang ganti sa niyurakang kalikasan.

Transfer to Command Center

Matapos ng dalawang subok, natanggap din. I did good daw sa Excel exam. Ha??? Ay, talagang Divine Intervention ito!

APS Idol

Ilang taon akong umiwas. Pumayag ako noong isang taon pero hindi pinalad na i-represent ang vertical. Kung kailan wala na sa bokabularyo at liyebo kuwarenta na ako at saka pa napasabak.

New Moon and Harry Potter

Salamat at mas maraming apperance si Edward Cullen sa movie version kaysa sa libro at kung hindi, inantok siguro ako katulad ng nangyari sa sequel ng Harry Potter. Sa sobrang tagal ilabas, nakalimutan ko na ang istorya.

'Yan lang.

Binalibag Ni Choleng ng 6:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com