<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, September 19, 2010

Tanim-Puno

APS Tree Planting, La Mesa EcoPark

Ni hindi ako naghanap ng makakasama. Nang makita kong tree-planting ang susunod na Happy World Activity ng APS, hindi ako nagdalawang-isip at agad na nagpalista. Hindi pa kse ako nakakapunta sa La Mesa. San ka pa, free transpo, food at sight-seeing na, makakatulong ka pa sa kalikasan.

Ilang galong pawis ang nawala sa akin, nagsakitan rin ang kalamnan at halos 24 oras na gising pero sulit ang lahat dahil alam ko, isang puno na kinandili ng mapagpala kong kamay ang yayabong balang-araw.

Teka, hindi ako green thumb. Ah basta, nagtanim ako. Tapos!

Binalibag Ni Choleng ng 10:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 11, 2010

Tyane, 'Te?
Kakaloka ang kasakay ko sa jeep kanina.

Naka-sleeveless ang hitad at buong giting na itinaas ang kamay sa estribo. Oo na, maputi na ang braso mo pero joskopow, sana naman nag-ahit!

Ang daming himulmol ... ni hindi man lang nag-harvest!

Nangkupo!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:50 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 06, 2010

It's back!
Ipa-second opinion ko raw ang E52 ko, sabi sa bahay. Sa Greenhills daw, binubuksan ang unit at may inilalagay na chemical para mawala ang corrosion. Pagbigyan ang nakararami, dinala ko ang unit hindi sa sinabi nila kundi sa Megamall lang.

Photobucket Try daw, sabi ng technician. Pag nagawa, 1,000 ang bayad, libre kapag hinde. Ilang pabalik-balik at tawag sa telepono, bagama't natuyo na ang unit at natanggal din ang kalawang, sumuko ang technician. Pullout ko na lang daw (na naman?) k'se intermittent ang power. Ay, oo, nagkaka-power pero namamatay. Ano kaya yun?

Sobrang na-miss ko ang alaga ko, napagdesisyunan kong bumili ulit. Isipin ko na lang na naagawan ako ng cellphone o dili kaya ay nanakawan ako ng 11K. Daming natatawa k'se bibili na rin lang ulit, same model pa rin at kung ano yung settings, message at ring tone, ganoong-ganoon ulit. As in parang walang nangyari. Siyang-siya!

Well, ganun talaga ang in denial. Hanggang ngayon hindi ko matanggap na nasira na lang siya ng ganun. Ako na sobrang ingat. Di bale sana kung napakinabangan ko na ng medyo matagal kaso tatatlong buwan pa lang. Hay, tama na ang paliwanag ko. Promise next time hindi ko na ilalabas ang cellphone ko pag may tubig.

Masakit sa bulsa!

Binalibag Ni Choleng ng 5:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, September 03, 2010

Araw ng RIP's
Naku naman.

Buo ang pag-asa ko na bagama't natalsikan ng tubig-alat ang E52 ko, magagawa pa rin siya sa Nokia Care kaya naman laking tuwa ko nang sabihin nila na puwede ko ng kunin ang alaga ko. Isip-isip ko, ang bilis naman. Kaya naman pala, mabilis. Pinapa-pullout na sa akin yung unit dahil beyond repair na pala. Umabot daw ang tubig hanggang mother board at mas malaki lang ang magagastos kung papalitan ang mga piyesa.

RIP, E52.

Pagkagaling ko sa Nokia Care, tuloy na ako sa De Los Santos Clinic para samahan si Mudra. Ang kuko na pinakaingat-ingatang mabasa ni Mudra noong nasa Palawan kami dahil namamaga (binalutan pa talaga ng condom!) ay ipapatanggal din pala. Kung alam lang daw ni Inay na aabot din naman sa tanggalan, sana ipinaglubluban na niya ang paa sa dagat at sumama na sa amin sa snorkeling. (ayan k'se!)

Oplan Sagip Kuko - Palawan Edition

Anyway, heto ang ilan sa mga larawan ng makasaysayang "tanggalan." Babala: Bawal sa mahina ang sikmura.

Operation Tungkab Kuko

RIP, Kuko.

P.S.

Anak ng ... pati pala yung underwater digital camera nasira rin pero hindi pa naman masasabing RIP na k'se nasa service center pa. Ibang klaseng biyahe ito ... ang gastos!!!

Binalibag Ni Choleng ng 5:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com