BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, May 31, 2011
Echoserang Frog
4:00 A.M.
Abala ako sa pagtipa sa lap top nang sa peripheral ng mata ko ay may napansin akong kumikilos sa ibabaw ng itim kong bag na nasa may paanan ko lamang.
Di ko na sana papansinin dahil baka ipis lang pero muntik na akong mapatalon nang makita ko kung "ano" yung nagpo-promenade sa bag ko.
PALAKA!?!
Nagmamadali kong kinuha ang maliit kong dustpan at pilit na hinuli ang mapangahas na palaka pero nagtatalon lang ang kamag-anak ni Kermit kaya ang ginawa ko, hinarangan at itinaboy palabas ng kuwarto ko. Buti lumabas.
Anak ng ... ang daming papasukan bakit sa kuwarto ko pa? Sabagay, ang room ko lang naman ang malapit sa hardin namin sa terrace at ang pinto ko lang ang may siwang sa pinto na magkakasya ang palaka.
Hay!
Nang makabalik ako ng kuwarto ko, bigla kong naisip. Teka ... baka naman yung palaka na ang pinakahihintay-hintay kong prince charming? Tsk, sana hinalikan ko muna bago ko ipinagtabuyan.
May 21, 2011 sa ganap na ika-6:00 ng gabi sa lahat ng time zones sa buong mundo. Katapusan na raw ng mundo ayon sa pinuno ng isang 140-station Christian radio network naFamily Stations,si Harold Camping.
Laman na pala siya ng balita pero Biyernes ko lang nalaman. Ilang beses ng may lumalabas na ganitong issue at sa tuwing may mangyayaring ganito, tumatahimik na lang ako.
Madaldal at maopinyon akong tao pero pagdating sa ganitong tema, tameme ako.
Ilang minuto bago mag-6:00 at isang minuto pagkatapos ng 6:00, sandamukal ang komento sa Facebook (FB). May nagagalit, may natutuwa, nagpapatawa at may umaalipusta pero tahimik pa rin ako
Kung bakit ay sa kadahilanang para sa akin, hindi nakakatawang-bagay ang EOTW. Nakikinig lang ako, nagmamatyag at umaantabay pero nungkang nagbigay ng opinyon at bakit kamo? Dahil naaalala ko si Noah (of Noah's Ark). Hindi ba't inalipusta rin siya at pinagtawanan ng mga tao eh nagkatotoo.
Papaano kung nagkatotoo ang sinabi ni Harold Camping? May oras pa kaya tayong mag-comment sa FB?
Nagmamadali akong sumampa sa jeep at baka maunahan pa ako ng mamang may dalang hawla. Mahirap na, baka maiwan ng last trip. Pinauna naman ako kaso sabi ba naman,
Salamat sa Diyos, nakisama ang panahon pati na ang pakiramdam ng Mommy ko, natuloy ang family outing namin sa Club Manila East (CME). Ayaw sanang lumayo ni ina dahil sinusumpong pa rin ng palpitation pero pumayag na rin dahil malapit lang naman ang CME, 30 minutes mula sa aming bahay via C6.
Malaki na ang ipinagbago ng CME mula nang huli akong pumunta noong 2004. May iba-iba nang waves at may zip line pa na "tumitirik" nga lang sa ika-3/4 ng "tour." Isa lang ang hindi nagbago: bawal pa ring magpasok ng pagkain bagama't hindi naman gaanong problema dahil maraming fast food sa loob tulad ng Chowking, Jollibee, Shakey's atbp. Bukod pa roon, mahusay "magpuslit" ng pagkain ang mga kasama ko. Akalain nyo'ng may naglagay ang hotdog bun sa kilili-kili, may nagbulsa ng hotdog at may nagsingit naman ng chichiria sa banig. Meron namang dinaan sa pagka-senior, dire-diretso lang ang basket at dinedma ang gardenia. Nakakaloka!
Enjoy lahat at sulit na sulit ang 12 hours na pagpirmi namin sa CME. Babalik? Panigurado!